Chapter 5.

0 0 0
                                    

"Good morning, I'm Lucie Bravado your adviser for this year. For sure alam niyo na yung ginagawa pagka first day ng klase right?"

Agad naman kaming napatango sa sinabi ni Prof.

'"So let's start in the back. Mister kindly introduce yourself." Sabi ni prof sabay turo kay Mr. Pervent.

"Niel Sebastian, 21 years old." Pakilala niya sabay kindat sa mga kaklase kong babae.

Hindi lang pala siya pervent, babaero din at malandi.

"Ang gwapo niya talaga." Rinig kong sabi nitong katabi ko.

Jusko pati ba naman siya, pero may point naman talaga siya, gwapo nga si Neil. Wait, ano 'tong pinagiisip ko. Malii, hindi siya gwapo okay.

"Snow hoy ikaw na, lutang ka nanaman ah."

Hindi ko namalayan na nakapagpakilala na pala yung dalawa at ako nalang ang hindi. Jusko Snow kung ano ano kasing pumapasok diyan sa isip mo.

"Hi, I'm Snow Reyes, 20 years old."

NEIL'S POV

So, Snow pala name niya. Ang ganda, kasing ganda niya. W-what? nooo. Wala kayong nabasa right? Hindi siya maganda, hindi talaga.

THIRD PERSON

Habang natuturo ang prof nila ay hindi makapag focus ng maayos si Snow dahil may napapansin siyang nakatitig sa kaniya mula sa kaniyang likuran ngunit hindi niya na lang yon pinansin at sa halip ay tumunganga na lang siya sa harap at naghintay na matapos ang klase.

Maya maya lang ay nagpaalam na ang kanilang professor at umalis na sa kanilang clssroom. Agad din namang nagasikaso ng gamit si Snow dahil hinihintay na siya nila Josh.

SNOW'S POV

"Salamat at natapos din ang klase ni prof, akala ko hindi na siya matatapos sa pagtuturo eh." reklamo ni Rhia

"Ang ingay mo, tara na nga sa Cafeteria at halatang gutom na si Snow oh. Ayokong nagugutom ang mahal ko."

"Ha? May sinasabi ka ba Josh?" Nagtatakang tanong ko at napatingin kay Rhia, agad namang nagkabitbalikat ang gaga.

"Wala. Ang sabi ko masamang magutom ka at baka kami ang kainin mo."

"Joshua Arevalo!" pasigaw kong tawag sa kaniya.

"Patay ka diyan Josh." mapangasar na sabi ni Rhia sabay tawa.

"Joke lang naman yon Snow, hindi ka naman mabiro eh." Natatawang sabi ni Josh.

Tsk. Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglakad papuntang Cafeteria at hindi na lang kumibo dahil gutom na rin ako.

"Hoy babaitang masungit. Anong gusto mong pagkain? Ako na o-order."

"Ganon pa rin tulad ng dati at hoy Joshua boang tigil tigilan mo ako sa pagtawag mo  saakin ng babaitang masungit at baka maihagis ko sayo tong upuang nasa tabi ko." inis na sabi ko habang si Rhia naman ay nagpipigil ng tawa

Agad namang umalis si Josh sa harap namin, natakot siguro kaya ayon.

"Grabe ka talaga kay Josh." natatawang sabi ni  Rhia.

"Ikaw ba naman palaging asarin at tawagin ng babaitang masungit. Grr kung hindi lang talaga natin kaibigan 'yon baka nasapak ko na 'yon matagal na." gigil na sabi ko.

"Oh chill ka lang, baka sumabog kana diyan sa  inis eh." Natatawa pa ring sabi niya.

Maya maya lang ay dumating na din si Josh kasama yung mga pagkain namin. Agad niyang nilapag at kumain na. Habang kumakain kami ay bigla na lang nagtilian ang mga tao sa Cafeteria agad naman din akong napatakip sa aking tenga.

Grabe ang sakit sa tenga ng mga tili nila, parang walang bukas.

"Tsk, akala mo naman artista 'tong si Niel makagawa ng grand entrance eh." Nakailing na sabi ni Josh.

Agad naman akong napatingin sa tinitignan nilang dalawa at doon ko nga nakita si Niel kasama ang dalawa niyang kaibigan.

"Hoy inggit ka lang kay Niel eh, ang gwapo kaya niya."

Aaminin ko, nagwa-gwapuhan ako sa kaniya pero wala pa rin akong pake. Nagtuloy tuloy na lang ako sa pagkain at hinintay na matapos ang dalawa kong kaibigan.

"Rhia, Josh wait lang ah. Punta lang ako sa Cr." Paalam ko sa dalawa.

"Sige, hintayin ka namin dito bilisan mo lang at baka malate tayo sa klase."

Agad naman akong naglakad papuntang Cr. Malapit lang ang Cr sa Cafeteria kaya mabilis akong nakarating. Pumasok agad ako at nagayos at lumabas na din. Nagmadali na ako dahil baka naiinip na yung dalawa, mainipin pa man din 'yon.

"Aray ano ba, sa susunod tumingin ka nga sa dinadaanan mo babae." Inis na sabi saakin ng isang estudyanteng babae na hindi ko naman kilala.

"Sorry ha, nagpho-phone ka kasi habang naglalakad kaya hindi mo napansin na nabangga mo na pala ako." Sarcastic kong sabi sa kaniya.

Tsk mga tao nga naman oh, sila na nga ang may mali sila pa ang galit kainis. Agad akong tumayo at nagdere-diretso ng lakad pero may naramdaman akong humili bigla sa buhok ko kaya napasigaw ako.

"Ano ba miss. Nagmamadali ako pwede pakibitawan na ang buhok ko." Inis na sabi ko sa babae.

"Wala akong pake, wala kang galang."

Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya at nagtaas ng kilay. Sino ba siya para galangin aber?

"Fyi miss idon'tfuckingcare, hindi ka mukhang kagalang galang kaya hindi kita gagalangin kahit anong gawin mo saakin wala akong pake at wag na wag kang umasang gagalangin ko ang isang tulad mo. Clown." Inis na sabi ko at tuluyan ng tumalikod sa kaniya.

"Arg, magbabayad kang babae ka." Inis na sigaw niya.

Agad naman akong napatawa sa sinabi niya. Magbabayad ako? Asa siya, 'di ko sasayangin ang pera at oras ko sa isang clown na katulad niya. Ang panget ng mukha yawa. Ang kapal ng make up. Bagay nga sa kaniya ang bansag na clown.

"Oh bakit ang gulo ng buhok mo at nakasimangot ka diyan." Nagtatakang tanong ni Rhia.

"Psh, may nakabangga kasi akong clown tapos biglang hinala yung buhok ko, bwiset." Inis na sabi ko.

"Chill lang love, ayusin mo na yang buhok mo at baka malate na tayo." Natatawang sabi ni Josh.

"Gusto mong masipa?" Pagbabanta ko kay Josh.

"Love naman, pinapaayos ka na nga eh." Nakapout niyang sabi.

Natatawa namang inaya kami ni Rhia pabalik sa Classroom. Yung tawag saakin ni Josh na love ay wala lang para saakin. Kahit ano naman ang tinatawag saakin non kahit kay Rhia. Minsan pa ngang napagkamalan kaming magjowa pero wala kaming pake basta walang malisya saamin 'yon, lalo na saakin.

_______________

Okay namiss kong magupdate HAHAHAHA
Pasensya na sa mga update ko, masyadong matagal and lame, nagaadjust pa kasi yung utak ko, kakatapos ko lang din magbasa ng iba't ibang story.

You and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon