Chapter 3.

23 1 0
                                    

Snow's POV

"Yelene iha, siya si ate Snow mo, siya 'yung magiging tutor mo."

"Hello baby girl." Ang cute niya.

"Don't call me baby girl, I'm not a baby." Wow ang sungit.

Agad akong napatingin kay headmaster, mukhang mahihirapan ako sa batang 'to, paktay.

"Sorry snow, maldita kasi 'yan pagtyagaan mo nalang, para rin naman sa'yo 'yung sahod."

"Nuh, okay lang po. Mabait naman siya diba?" Baka mamaya nanakit 'yan jusme.

"Mabait naman, maldita lang naman pero pagnaging close na kayo babait 'yan."

Takte, ngayon palang natatakot na ako, mamaya mawalan ako agad ng trabaho dahil sa kamalditahan ng batang 'to.

"Kelan po 'yung start?" Tanong ko kay headmaster.

"Bukas na,tutal first day palang naman ngayon."

"Teka po,bakit kaylangan niya pa ng tutor eh may nga teacher naman na pwedeng magturo sa kan'ya?"

"Hindi siya papasok,sa bahay lang siya kaya kaylangan niya ng tutor." Diretsong sagot ni headmaster.

Pero bakit? Siguro dahil sa kamalditahan niya or ay nevermind.

"Ah sige po,mauna na ako headmaster, kaylangan ko pa po kasing pumunta sa library para kumuha ng mga books." Paalam ko dahil hindi ko na rin kaya 'yung titig ng batang 'to.

Pagkatango ni headmaster ay nagmadali akong lumabas at naglakad ng mabilis papunta sa library.

__________

Pagkatapos kong kumuha ng books sa library ay agad akong pumunta sa classroom para dun nalang magbasa.

Ang dami kong nakikitang mga baguhang mukha sa hallway, siguro mga transferree, teka 'yung kaninang lalaki sa cr ngayon ko lang din nakita baka isa sa mga transferree or hindi ko lang talaga nakikita sa school, nevermind.

"Aray!" Sigaw ko ng matamaan ako ng bola sa balikad.

"Takte sinong nagbato non?" Sigaw ko.

Wala akong pake sa mga estudyanteng nakatingin sa akin ngayon, ansakit kaya nangpagka tama.

"Sorry miss, hindi ko sinasadya." Paumanhin ng isang lalaki.

Agad naman akong napatingala, ang tangkad naman nito takte pero in fairness gwapo.

"Okay lang, pasensya na rin sa pagsigaw ko ang sakit kasi." Nakabusangot kong sabi.

"Okay ka lang ba? Dalhin pa kita sa clinic?" Oa ah.

"No need, okay lang naman ako."

"Btw, I'm Miguel Morales and you are?"

Miguel? Teka parang narinig ko na 'yun somewhere ay ewan.

"Snow Reyes." Maikli kong sagot.

"Oh hi Snow, nice to meet you." Sabi niya habang nakangiti.

Ang gwapo niya pagngumingiti, jusme self umayos kaaaa.

"Nice to meet you too." Nakangiti ko ring sabi.

"Miguel! Ano na?" Sigaw ng mga kalaro niya.

Istorbo naman 'tong mga 'to, yawa. Joke HAHAHAHAH ano ka ba naman self, mahiya kaaa!

"Adios, kaylangan ko ng umalis, see you again!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo.

(Adios means Goodbye in Spanish.)

Kumaway nalang din ako at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang classroom, sana kaklase ko si Rhia.

Teka asan na nga pala 'yung babaitang 'yun? Hindi ko na siya napansin nung kinakausap ko na si headmaster.

"Snow!" Sigaw ng kung sino.

Speaking of Rhia ayan na pala siya, sinisigaw nanaman ang maganda kong pangalan, jusme.

_____________

Sorry for the typo's and thank you for reading my story, hope you like it.

From your cute author.

Sa September 5 na po ulit ako maguupdate wala kasi akong maisip na isusunod.



You and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon