Chapter 6.

0 0 0
                                    

Natapos na ang napakahabang klase at naghahanda na kami para sa paguwi namin este nila Josh, may tuturuan pa nga pala akong bata, takte. Nagiging makalilimutin nanaman ako.

Nagmadali akong magayos at agad na nagpaalam kela Josh at Rhia. Kailangan ko ng pumunta kay headmaster para malaman kung saan ko tuturuan si Yelena.

"Headmaster?" Tawag ko habang kumakatok ako sa pintuan ni headmaster.

"Yes? Who are you?" Sabi ni headmaster mula sa loob.

"Ahm si Snow po." Magalang na sabi ko.

"Ay come in." Agad naman akong pumasok at napatingin sa batang nakaupo sa harap ni headmaster.

"Saktong sakto ang dating mo iha. Yelena be good to her okay? And btw, iha. Doon mo siya sa bahay nila tuturuan, bale tuwing uwian ay susunduin ka ng driver nila." Agad agad akong napatango.

So, sa bahay pala nila ako magtuturo. Sana maraming books don para mas mapadali para saakin.

"Sige na iha and Yelena. Anong oras na oh at para makauwi din ng maaga ang ate Yelena mo." Napatango naman ang bata at nagpaalam na kay headmaster, nagpaalam na din ako at sumunod na kay Yelena.

Tuloy tuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa harap ng itim na kotse. Agad naman kaming pinagbuksan ng driver nila at pagkapasok namin ay nagsimula na siyang magmaneho. Okay ang awkward naman dito, masyadong tahimik.

"Hi? Yelena Sebastian nga pala ate." Nagulantang naman ako ng biglaang magsalita itong batang nasa tabi ko, ang bait ng boses niya tapos ang cuteee.

"Hey ate, wag kang magulat diyan. Mabait naman ako 'no sadyang ayaw ko lang ng tinatawag na baby girl kaya sorry po sa inasal ko kanina. Nahihiya din po kasi ako sa'yo." Natatawang sabi niya.

Halatang halata ba na nagulat ako sa nangyayare? Agad naman akong napatingin sa driver na nasa harap at nagpipigil ng tawa. Jusko, masyado nga atang halata.

"Pasensya na Yelena, akala ko kasi talaga masungit ka kaya medjo nagulat ako." Nahihiyang sabi ko.

"Mukha lang ate." Natatawang sabi niya.

"And btw ate, Yels na lang itawag mo saakin. Friend na rin naman po kita and the same time ate na rin." Nakangiting sabi niya.

Agad naman din akong napangiti sa sinabi niya. Ang saya nito, may trabaho na ako may kaibigan/kapatid pa ako. Oha HAHAHAHA.

"Ay nga pala ate, siya si kuya Ronald driver ng pamilya." Nginitian naman ako ni kuya Ronald at tumingin ulit sa daan.

"Nice meeting you Yels and kuya Ronald." Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.

Nagkwentuhan na lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Pagkababa ko ay namangha ako sa nakita ko, ang laki ng bahay nila. Nilibot ko ang paningin ko at halos pare parehas ng laki ang mga bahay na nasa harap at tabi ng bahay nila Yelena. Agad kaming pumasok at mas namangha ako sa loob.

"Ate Els, pahanda po kami ng pagkain." Magalang na sabi ni Yels sa isa sa mga tao dito sa bahay nila. Katulong ata nila ewan.

"Ate Snow that's ate Els, ate Yanna, and Nanay Mel. Mga kasambahay/ate at nanag  po dito sa bahay." Nakangiting pakilala niya. Ang bait ng batang 'to at the same time ang ganda. Myghad.

"Ahm hello po." Bati ko sa kanila at kinawayan ako.

"Mga ate and nanay si ate Snow po, tutor ko po." Magalang na pakilala niya.

Ang galang naman nitong batang 'to, maling mali ang akala ko sa kaniya. Mukha nga lang siyang masungit pero pag nakilala mo na sobrang bait at galang.

"Ate Snow tara dito, papakita ko lang sa'yo yunh kwarto ko and yung Library." Hila niya saakin.

Ang ganda ng ngiti ko nung nalaman kong may library sila. Well gusto ko lang ipaalam sainyo na comfort zone ko ang library. Mahilig akong magbasa at halata saakin 'yon.

"Kuya!" Nagulat ako sa sigaw ni Yels kaya napatalon ako bigla at napaharap sa likuran ko at sa hindi inaasahang pangyayare at nasapak ko ang lalaking 'to.

"Sorry." Paumanhin ko sa lalaking nasapak ko.

Agad naman niya akong tinignan ng masama at biglang nanlaki ang mata, kahit ako at nanlaki din ang mata ko.

"Ikaw nanamam?!" Sabay naming sigaw.

Tsk, dapat pala hindi na ako nagsorry. Bagay lang naman sa kaniya yung sapak ko.

"Ate okay ka lang po ba? Kuya naman kasi ano bang ginagawa mo sa likod ni ate ayan tuloy nasapak ka." Natatawang sabi ni Yels.

"Aba Yelena, ako na yung nasapak ah? Bakit siya ang kinakamusta mo? At tsaka anong ginagawa niyang babaeng 'yan dito?" Inis na sabi ni gunggung.

"Eh kuya naman kasi hindi ka naman masasapak kung wala ka diyan at tutor ko siya, may angal ka?" Nakataas kilay na sabi ni Yels.

"Nagtatanong lang naman ako." Halos pabulong niyang sabi.

Oh I see, takot pala 'tong lalaking 'to sa kapatid niya. *Smiles* ang cute niya. Agad akong nailing sa iniisip ko. Si Yels lang ang cute hindi siya, okay.

"Wait nga lang, magkakilala ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Yels.

"Yes." Sabay ulit naming sabi.

"Tsk Mr. Pervert." Irap ko sa kaniya.

"Malditang Snow." Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa tinawag niya saakin.

"Oh tama na 'yang masamang titigan niyo, nagtatanong lang ako kung magkakilala kayo pero yung mga titig niyo parang papatayin na ang isa't isa." Natatawang sabi ni Yels.

Tsk. Epal kasi 'tong lalaki 'to yawa. Malas pa kasi mukhang makikita ko 'to araw araw arg bwiset.

"Kuya layas na, hintayin mo na lang sila kuya Miguel sa kwarto mo. Btw, wag na wag kang pupunta sa kwarto ko pati sa Library ah, kung may kukunin ka pakuha mo na lang kela kuya Miguel, baka manggulo ka nanaman eh." Mahabang paliwanag ng kapatid niya.

"Yes ma'am." Tango niya with pa salute effect pa.

"Takot naman pala sa kapatid." Bulong ko sabay tawa.

Inirapan niya na lang ako at dumiretso sa kwarto niya. Speaking of Miguel, I think I heard that name somewhere. Hmm isip Snow. Ay nevermind.

_______________

Dahil masipag ako magupdate ngayon, susunod sunurin ko na. Hope you like it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon