Snow's POV.
"Headmaster I'm sorry, I'm late."
Nakakahiya ka self, magbabasa na talaga ako ng mga message.
"Oh dumating ka din iha."
"Sorry po talaga, hindi ko po kasi nabasa 'yung message ni Rhia." Nahihiya kong sabi.
"Okay lang iha, sit down."
Umupo naman ako habang naghahabol pa ng hininga dahil sa pagod sa pagtakbo.
"Uy andito kana pala."
"Ay hindi wala pa ako, drawing lang 'tong nasa harap mo." Nangaasar na sabi ko kay Rhia.
"Sapukin kita, tamo."
"Ehem."
Agad namang napabalik ang atensyon ko kay headmaster.
"Should I start?"
"Ah, opo."
"So kaya kita pinatawag kasi I want you to teach the daughter of Mrs. Sebastian"
"Ha? Ako po?" Sabi ko habang nagtatakang nakatingin kay headmaster.
"Yes, Ikaw."
"Bakit po ako?"
"You're the top 1 in your class right?"
"Opo."
"That's one of the reason, actually nakita din kita nung nakaraan sa isang fast food chain, naghahanap ka ng trabaho so napagpasyahan kong ikaw ang iassign bilang tutor ni Yelena."
Agad kong naalala 'yung sinasabi ni headmaster na fast food chain, hindi pala ako namamalikmata, siya pala talaga 'yung nakita kong nakatayo dun sa pinto ng isang sasakyan.
"So, are you going to accept it or not?"
"Accept po!"
Hindi na ako nagdalawang isip sa inaalok ni headmaster, trabaho din 'yun, sayang tsaka ang hirap maghanap ng trabaho ngayon.
"Okay, I will call Yelena para ipakilala sa'yo."
"Okay po."
"Just wait a minute okay?"
"Opo."
Habang tumatawag si headmaster ay bigla ko namang naramdaman na naccr ako, arg wrong timing, bwiset.
Paano ako magpapaalam nito, may kausap pa si headmaster.
Aha! Agad akong naghanap ng sticky note sa bag ko and thankful ako dahil dala ko 'yung sticky note ko. Agad akong nagsulat ng paalam na magccr lang ako and then dinikit ko na 'yun sa desk niya, mababasa naman niya 'yun.
Pagkatapos kong idikit ay lumabas agad ako dahil naccr na talaga ako, takbo ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa cr at pumasok agad.
"Ahhhhh!" Napasigaw ako dahil dito sa lalaking nasa loob ng cr.
"Hoy lalaki anong ginagawa mo dito? Pang babaeng cr 'to ah. You pervert, labass hmp!" Takte tinakpan pa 'yung bibig ko.
"Shh, pwede ba manahimik ka muna. Ang ingay mo eh." Naiinis na sabi niya.
Aba siya pa may ganang mainis ah. Patay ka sa akin ngayon.
"Arayyyy! Ano ba babae? Bakit ka nangangagat ha?!"
"Wag mo ako sigawan! Labas dun, labas, pervert!"
Sigaw ko sa kan'ya habang tinutulak siya palabas.
"Hindi ako pervert pwede ba, may tinataguan lang ako at wala na akong mataguan kaya pumasok ako dito, malay ko bang may tao pala."
"Wala akong pake lumabas ka! Cr 'to ng babae, labas!"
"Oo na, 'to na."
Agad ko siyang tinulak palabas at tumakbo ulit papunta sa headmaster's office, patay nanaman ako nito takte.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay agad namang napatingin sa akin si headmaster at 'yung batang babaeng kasama niya, siya siguro 'yung tuturuan ko.
__________
Sorry for the typo's and thank you for reading my story, hope you like it.
From your cute author.
BINABASA MO ANG
You and I (Editing)
RomansaThis story is all about love and sacrifice. If you love that person then fight for your love. Fight for your future and lastly fight for your happiness.