Chapter 1.

26 1 0
                                    

Snow POV.

"Good morning everything!"

"Oh ang ganda ata ng gising mo 'nak. Btw, good morning." Napangiti nalang ako sa sinabi ni mama.

Unang araw ng klase namin ngayon kaya kaylangan maganda ang gising ko.

Bago ko makalimutan, I'm Snow Reyes, 20 years old, a college student.

"Anak bilisan mo na diyan, baka lumamig na 'yung pagkain dito." Sigaw ni mama galing sa baba.

Naamoy ko na 'yung masarap na luto ni mama, at dahil nagugutom na din ako nagmadali na ako sa pagligo at para maaga din akong makapasok.

_____

Pagkatapos kong gawin lahat ng kaylangan kong gawin agad akong bumaba para kumain.

"Oh anak andiyan kana pala, tara na dito."

"Hmm, ang sarap naman nito ma." Sarap na sarap na sabi ko kay mama.

"Hay nako 'nak nangbola kapa." Natatawang sabi ni mama.

Nagulat ako ng magring bigla 'yung phone ko.

"May tumatawag sa'yo 'nak, sagutin mo muna."

"Una na rin ako ma, kaylangan ko na ring pumasok eh, babye, iloveyou."

"Oh sige ingat, magaral ka ng mabuti."

"Opo."

Agad akong tumakbo sa labas at naghintay ng jeep papunta sa school.
Malayo-layo pa sa amin 'yung school pero mabilis naman ang byahe.

Ringggggg....

Arg tumatawag nanaman si Rhia, 'tong babaitang 'to talaga oh, hindi makapaghintay.

"Hello?"

"Snow! Asan kana? Hinahanap kana ni headmaster! Bilisan mo, mapapagalitan kana." Takte sakit sa tenga ng boses ng bestfriend ko.

"Teka isa isa lang, magisa lang ako okay?"

"Okay, so ayun na nga asan kana?"

"Naghihintay pa ako ng jeep."

"Ano?!" Takte.

"Bingi ka? Ang sabi ko naghihintay palang ako ng jeep." Kalmado kong sabi kahit gustong gusto ko ng sigawan 'tong babaitang 'to.

"Amp. Hinahanap kana ni headmaster SNOW REYES! Fyi, kanina pa naghihintay si headmaster sa'yo."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Rhia, teka anong oras na ba? Agad akong napatingin sa relo kong suot at 11:30 palang naman, ang alam kong oras ng pagpapapunta sa akin ni headmaster ay 12:30.

"Rhia, 12:30 pa ako pinapapunta ni headmaster so how come na kanina pa siya naghihintay?"

"Sabi ko na nga ba't hindi mo binasa 'yung message na sinend ko sa'yo eh."

"Anong message?" Nagtataka kong tanong.

"Tignan mo phone mo."

Agad akong napatingin sa message ng phone ko at dun ko napagtantong may message nga siya at 30+ na ito. Nagscroll ako ng nagscroll at dun ko nakita 'yung message niya na binago daw ni headmaster 'yung oras at 11:20 na daw, paktay.

"Sorry gagi, 'to na magtataxi nalang ako."

"Sige, bilisan mo."

Agad akong napatakbo sa sakayan ng taxi at agad na nagpahatid sa school.

"Arg snow! Bakit ba kasi ang tamad mo magopen ng mga messages, ayan tuloy napaghintay mo si headmaster." Bulong ko habang nagaayos ng buhok.

Maya maya lang ay nakarating agad kami sa school, buti nalang hindi traffic.

Pagkababa na pagkababa ko sa taxi ay agad akong tumakbo sa loob ng school at dumiretso sa office ni headmaster.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyante pero wala parin akong pakialam, kaylangan kong makarating agad sa office dahil kung hindi paktay na.


__________

Sorry for the typo's and thank you for reading my story, hope you like it.

From your cute author.



You and I (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon