Oh btw, Rhia is my bestfriend since highschool. Parehas kami ng course kaya hanggang ngayon ay magkasama parin kami.
Siya 'yung lagi kong kasama sa mga kalokohan na ginagawa ko kaya ganon nalang kami kaclose umabot na sa point na napagkakamalan kaming bi at magjowa daw kami tf HAHAHAHAHA.
"Hoy!" Ay palaka.
Ang hilig talaga nitong manggulat, ang lakas pa ng boses kala mo nakalunok ng microphone.
"Hoy ano kaba? Tulala ka nanaman sa kagandahan ko." Hangin jusme.
"Hangin mo. May iniisip lang, epal ka."
Natawa nalang ang babaita, maya maya ay inaya niya na ako papunta sa room. Magkaklase nanaman kami kaya mahirap nanaman kaming paghiwalayin.
"Rhia, sino sino mga kaklase natin ngayon?" Tanong ko.
Sana naman matitino na ang hirap magkaroon ng kaklaseng malandi jusko.
"Ah 'yung mga kaklase parin natin nung nakaraang taon." Simple niyang sagot.
"Wtf." Gulat kong sabi.
"May mga dinagdag lang na bago sa klase natin pero walang natanggal."
"So ibig sabihin kaklase parin natin sila grace?" Irita kong tanong.
"Malamang sa alamang, kaklase parin natin 'yung malalandi."
Arg, ang pangit nanaman ng taon na 'to kainis.
Habang naglalakad ako ay may mga nakakasalubong akong estudyante na nagtatawanan at naghaharutan.
Namimiss ko na 'yung highschool life namin, 'yung tipong easy easy lang kami hindi katulad ngayon na stress.
Agad akong napabalik sa realidad ng marinig ko ang ingay ng mga kaklase ko. Hindi parin sila nagbabago, para parin silang mga highschool na walang pakealam sa edad nila basta sila masaya.
"Snow, Rhia! Dito." Sigaw naman ni Joshua.
He's Joshua Arevalo, boy bestfriend namin ni Rhia simula nung college. Lagi din namin siyang kasama sa mga kalokohan na pinaggagawa namin.
"Ingay mo." Natatawang sabi ko kay Joshua.
"Miss mo lang ako eh." Sabi niya sabay ngisi
Yawang lalaking ine, masyadong mahangin.
"Itulog mo nalang 'yan Josh." Sabi ko naman na ikinatawa ni Rhia
Tinarayan naman ako ni gagang Joshua, pota kung hindi ko lang 'to kilala baka napagkamalan ko na 'tong bakla.
"Wahhhh!" Sigawan ng mga babae kong kaklase kaya agad naman akong napalingon sa kanila.
At laking gulat ko ng makita ko 'yung lalaking nasa cr kanina. Kaklase namin siya?! Totoo ba 'to? Napakamalas ko nga naman talaga oh.
Dire-diretso lang siya ng lakas hanggang sa mapatingin siya sa'kin sabay laki ng mata, mukha siyang tanga HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
"Ikaw?!" Sigaw niya na mukhang gulat na gulat nung nakita ako.
"Yes ako nga, any problem Mr. Pervert?" Pataray kong tanong.
Nagbulungan naman ang mga chismoso kong kaklase, kesho magkakilala ba daw kami.
"Wala, tabi nga!" Sabi niya sabay sagi sa'kin at tumuloy na sa paglalakad palikod.
Tinawag na din ako ni Rhia para umupo sa sinabi ni Joshua na upuan. Pagkaupong pagkaupo ko ay nakita ko kaagad ang mukha ni Rhia na halatang curious kung bakit ko kilala 'yung lalaking 'yun.
"Omg! Nakausap mo si Neil Sebastian! Snowww napakaswerte mo talagaaaa!" Nakakabinging sigaw ni Rhia.
Nagtaka naman ako kung sino 'yung sinasabi niyang Neil Sebastian, ba't ngayon ko lang narinig 'yun? Matanong na nga lang siya.
"Sino si Neil Sebastian?"
"Hindi mo siya kilala? Potakte Snow, ikaw nalang ata ang hindi nakakakilala sa lalaking 'yun." Mas lalo akong naguluhan, so sikat siya? Okay hindi ko talaga kilala.
"Eh sino ba kasi 'yun?"
"Siya lang naman 'yung nakausap mo kanina at tinawag mong Mr. Pervert kaya gan'yan nalang din makatingin sa'yo ang mga kaklase natin." Agad naman akong napatingin sa paligid ko
Grabe sila makatingin, parang gusto akong kainin ng buhay tf. Sinabihan ko lang naman ng Mr. Pervert 'yung lalaking 'yun galit agad sila *pout*
"Hoy Snow tigilan mo 'yang pag pa-pout mo, hindi bagay sa'yo." Pangaasar na sabi ni Joshua.
__________
Sorry if ngayon lang nakapagupdate, masyado lang talagang busy sa modules.
![](https://img.wattpad.com/cover/239093527-288-k673812.jpg)
BINABASA MO ANG
You and I (Editing)
RomanceThis story is all about love and sacrifice. If you love that person then fight for your love. Fight for your future and lastly fight for your happiness.