Ikatatlong Kabanata

1K 70 15
                                        


(A/N: Ang chapter na ito ay nakatuon lamang sa kwento tungkol sa obrang nakaukit sa sahig. Old man point of view po ito...hehe 😅)



KILALA ang Eshion sa isa sa anim na bayang nabibilang sa dinastiyang Esh. Pinamumunuan ng angkan ng mga Huario ang Eshion. Nagmula sa angkang ito ang isang tagapagmanang anak na babae na nagngangalang Karia. Maganda, at mabait na babae si Karia. Dahil nag-iisang anak, siya ang laging ipinapakilala ng kanyang mga magulang sa mga karatig-bayan nila.

Doon nakilala ni Karia si Ezaquel. Isang matipuno at napakagwapong lalaki na nagmula sa Geptiro, ang angkan ng mga may dugong pula.

Nagkaibigan sila sa madaling panahon. Hanggang sa niyaya ni Ezaquel si Karia na magpakasal. Maayos sana ang lahat kung walang balakid na dumating. Doon nagpakita ang isang lalaki na nagngangalang Pio. Mula naman ito sa Hesico, ang bayan ng angkan ng mga dugong itim.

Nilason ni Pio ang utak ni Karia hanggang sa umayaw na ito sa kasal na alok Ezaquel. Pinilit niyang isama si Karia upang tumakas at mamuhay ng walang iniintinding iba.

Subalit hindi naging maganda ang buhay ni Karia sa piling ni Pio. Hanggang sa makapagdesisyon siyang bumalik na lamang at tanggapin ang alok na kasal ng lalaking kanyang mahal.

Pero hindi niya iyon nagawa. Nang malaman ni Pio ang kanyang desisyon ay pinagsamantalahan nito ang kanyang kahinaan.

Sobrang nagalit siya kay Pio. Pero mas kinamumuhian niya ang sarili dahil nagpaniwala siya sa kasinungalingan nito. Hanggang sa magbunga ang kababuyang ginawa ni Pio kay Karia.

Subalit sa kabila ng pagsasamantala sa kanya ni Pio ay nagawa niya pa ring buhayin ang batang dala-dala niya sa kanyang sinapupunan.

Hanggang sa muli na naman siyang nagtangkang tumakas. At labis ang kanyang kagalakan ng palayain siya ni Pio. Subalit napalitan iyon ng paghihinagpis ng isumpa nito ang magiging lahi nila. Isang sumpang hindi maaaring magkaroon ng relasyon ang mula sa angkan ng may dugong pula at dugong itim.

Pero umalis na siya mula sa poder nito. Bumalik siyang muli sa Eshion, dala-dala sa kanyang sinapupunan ang bunga ng kasamaan ni Pio. Hanggang sa dumating ang araw ng kapanganakan ni Karia.

Si Ezaquel ang tumulong sa kanya hanggang sa manganak siya. Subalit hanggang sa pagkapanganak lamang ni Karia ang kanyang buhay. Pagluwal niyang isang napakagandang sanggol ay binawian siya ng buhay.

Ang sumunod na mga nangyari ay nanatiling nakabaon na sa nakaraan at di na kailangan pang ibalik sa kasalukuyan. Maging ang misteryosong pagkawala ng sanggol na babae na nagngangalang Kariella....

- - -

"IBIG sabihin po ba, sa lahi ng anak ni Karia magsisimulang magkaroon ng bisa ang sumpang binitawan ni Pio? Paano niya iyon nagawa sa kanyang sariling anak?" tanong niya dito.

"Dahil wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang pasakitan lamang si Karia..." tugon ni Mr. Suan.

Tumango naman siya. May ganung bagay pala?

"Posible po bang mangyari din iyon sa totoong buhay? Totoo po bang may sumpa?" Pang-uusisa niya pa. Para kasing walang katotohanan ang kwento. Mahirap paniwalaan pero ayon pa sa matanda, nangyari na ito noong panahon pa ng Romanismo.

Matapos mag-usap ay tumayo ang matanda at iniwan siya sandali. Kaya naman tumingin-tingin muna siya sa mga nakasabit na larawang inukit. Digmaan, pag-iibigan, kabiguan, at kahirapan ang halos temang makikita sa bawat inukit na larawan.

Napapitlag siya bigla ng may matisod siyang bagay. Agad niya itong pinulot saka sinuri. Isa itong batong parihaba na may nakaukit na simbolo. Hindi siya pangkaraniwang simbolo dahil kung titingnan ay para itong sulat. Tulad ng mga calligraphy na mahirap maunawaan.

' ' אהבה אסורה עד נצח ולנצח '




' ' אהבה אסורה עד נצח ולנצח '

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's note:

Thank you so much, Arkiess!! Next chapter ahead^^

Reincarnated Affection ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon