Ikalabinsiyam na Kabanata

476 24 1
                                        


"MR. SUAN..." mahinang banggit ko sa pangalan nito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Paanong nandito din siya sa lugar na ito? Natigil lamang ang mga katanungang naglalaro sa utak ko ng marinig ang sinabi ni Raffa...

"Ang emperor..." sabi nito dahilan upang mas lalo akong malito. Emperor? Si Mr. Suan? Siya ang emperor ng bayang Eshion? I can't believe it!!

Huminto ito sa unahan namin. Siya na ngayon ang nakaharap sa lalaking may malaking pilat sa mukha na tinawag nilang Hecus. Sa pagkakaalala ko ay siya ang emperor ng bayang ito. Si Hecus... Kaya pala kilala niya sina Karia at Ezaquel. Pati na din ang sanggol na binalak nitong gawing kapalit sa kahilingan ni Ezaquel.

"Napakalaki mo na pero halang pa din ang iyong kaluluwa, Hecus. Wala ka talagang pinagbago..." naiiling na sabi ni Mr. Suan o mas tawagin nalang natin na 'emperor'.

"Hindi ikaw ang kailangan ko kundi ang babaeng iyon!" sigaw nito sabay turo sa akin. Natatakot akong umatras. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Raffa ang kamay ko. "Kaya umalis ka sa harapan ko at ibigay niyo sa akin ang babaeng iyan!" dagdag pa nito.

Hindi ako umimik. Nanatili akong nakatingin sa nakatalikod na si Mr. Suan. Nang mga sandaling ito ay nanumbalik ang mga katanungan sa isipan ko. Siya ba ang dahilan kaya ako napunta sa kapanahunang ito at hindi ang libro ni Karia?

"Wala kaming dapat na ibigay sayo, Hecus... Itigil mo na lamang itong kahibangan mo... Hindi na muli pang babalik si Heria!! Noong namatay si Karia ay namatay din si Heria sapagkat magkakamukha sila!!!" malakas na sigaw ni Mr. Suan kay Hecus. Nagkatinginan naman kami ni Raffa. May kakambal si Karia? At nagkataong asawa ni Hecus?

"Ikaw ang tumigil sa pangingialam mo, Ezaquias! Dahil sa kakambal mo ay namatay ang asawa ko! Kung ibinigay niya noon sa amin ang sanggol ay hindi magkakaganito ang lahat!! Ang sakim mong kapatid ang dapat sisihin dito!" tugon naman ni Hecus. "Kaya ibigay niyo ngayon din ang babaeng iyan upang matapos na ito!"

Muli na naman akong natigilan. Si Ezaquel at ang emperor ng Eshion ay magkakambal?!!

Umiling-iling ako. Hindi na kaya pang intindihin ng utak ko ang lahat ng nangyayari. Gusto kong matigil na ang lahat ng ito!

Sa mga oras na iyon ay biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Mang Roman noon...

"Matitigil lamang ang sumpang ibinigay ni Pio kapag isa sa inyong dalawa ang magsakripisyo at magbuwis ng sariling buhay... Dahil iyon lamang ang pagkakataon na mapuputol ang ugnayan ninyong dalawa...

"Matitigil lamang ang sumpang ibinigay ni Pio kapag isa sa inyong dalawa ang magsakripisyo at magbuwis ng sariling buhay... Dahil iyon lamang ang pagkakataon na mapuputol ang ugnayan ninyong dalawa...

"Matitigil lamang ang sumpang ibinigay ni Pio kapag isa sa inyong dalawa ang magsakripisyo at magbuwis ng sariling buhay... Dahil iyon lamang ang pagkakataon na mapuputol ang ugnayan ninyong dalawa...

"Matitigil lamang ang sumpang ibinigay ni Pio kapag isa sa inyong dalawa ang magsakripisyo at magbuwis ng sariling buhay... Dahil iyon lamang ang pagkakataon na mapuputol ang ugnayan ninyong dalawa...

Magsakripisyo... Kailangan isa sa amin ang magsakripisyo. At ako iyon. Dahil ako ang puno't dulo ng kaguluhang ito... Marahil ito ang papel ko sa kapanahunang ito. Ang putulin ang bisa ng sumpa. Ang maghatid ng kaayusan sa dalawang bayang hindi magkasundo...

Isang butil ng luha ang kumawala sa mata ko. Kahit papano ay nasanay na ako sa lugar na ito. Nakagawian ko ng magmasid sa maalon at kulay asul na dagat araw-araw. Sa loob ng ilang buwan kong pamamalagi sa kapanahunang hindi naman ako nararapat ay madami akong natutunan.

Natutunan kong tumayo sa sariling paa na hindi umaasa sa mga taong nakapalibot sa akin. Natutunan kong magpakatatag sa oras ng mga pagsubok. Natutunan kong pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa akin...

At higit sa lahat... Natutunan ko ang pagsasakripisyo. At iyon ang gagawin ko ngayon...

"Kung iyon ang gusto niyo... Buong puso kong tatanggapin ang kapala—" Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko ng muling mangibabaw ang isang napakalakas at paos na tinig mula sa aming likuran. Isang pamilyar na tinig na nagpalakas ng tibok ng puso ko...

"Hindi niyo siya pwedeng makuha! Dahil ako ang makakalaban ninyo..." paos nitong sigaw. Bakas sa tinig nito ang labis na panghihina. Unti-unti akong lumingon hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Zeprael...

"Hindi ka sasama sa kanila, Kariella... Hindi kita hahayaan..." malungkot nitong sabi sa akin. Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi. Nangingilid na din ang mga luha sa mga mata nito...

"Zep..." naluluhang sambit ko sa pangalan niya. "Zep..."

Umiling-iling ito. Nakaramdam na din ako ng panghihina ng magsimula itong maglakad papalapit sa akin... Nakikita ko din ang panginginig ng mga tuhod nito habang naglalakad kaya mas lalo akong napaiyak. "Z-Zep...h-huwag mo ng p-pilitin...please?" pakiusap ko sa kanya.

Naluluhang umiling-iling ito saka pinagpatuloy ang paglapit sa akin. Tama na... Ayos lang na ako nalang ang masaktan huwag lang ibang tao...

Huwag lang po si Zep...

Napahagulhol na ako ng bigla na lamang itong matumba sa lupa. Agad naman itong inalalayan ni Raffa pero binaklas lang nito ang kamay ng huli. Muli akong umiling-iling. Ayoko na! Kung ang pagsuko sa mga oras na ito ang tanging paraan upang matigil na ang paghihirap naming dalawa ay ako na mismo ang mauuna.

Ayoko na... Tama na...

Muli nitong itinukod ang mga kamay sa lupa at pilit na itinatayo ang sarili. Gusto ko siyang tulungan pero di ko magawa. Dahil sa oras na gawin ko iyon ay pareho kaming mapapahamak. At iyon ang hindi ko kaya... Ayoko siyang pahirapan... Gusto ko pa siyang mabuhay... Kaya sana matigil na ang lahat ng ito...

"Kariella..." mahina nitong tawag sa akin. Malungkot lamang akong tumingin sa kanya at muli na namang umiyak...

"Pakiusap, Zep... Hayaan mo nalang ako... Walang mangyayari kung ipagpipilitan natin ang sarili sa isa't-isa kahit bawal! Zep... Ayokong hilain ka pababa at maranasan ang mga sakit na kalakip ng pinagbabawal na pag-ibig..." umiiyak kong paliwanag sa kanya. Ngumiti ito ulit. Isang matamis na ngiti na kahit sino ay mapapangiti din... Pero hindi ko magawang ngumiti pabalik.

"K-Kariella..." muli nitong sabi sabay lahad ng kamay niya. Sumisikip lalo ang dibdib ko sa nakikita. Napatakip pa ako sa bibig ko ng makita ang halos nangingitim na nitong dalawang braso... Unti-unti iyong kumakalat pababa sa kanyang mga binti... Mas lalo akong napaiyak.

"Zep! Makinig ka sa akin!" tawag ko sa atensiyon niya pero umiling lang ito sa akin.

"Hindi... Walang susuko sa atin... Akala ko ba matatag ka? Bakit ngayon pa? Dahil ba nangingitim na ako? Na kahit buhay pa ay parang inaagnas na? Bakit Kariella?" nasasaktan nitong tanong sa akin. Unti-unting tumulo ang mga luha nito. Kaya mas lalo akong nasasaktan.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Ito lamang ang tanging paraan upang makalaya tayo ng pareho, Zeprael... Mahirap ipagpilitan ang pagmamahalan kahit na ipinagbabawal ito. Pareho lamang tayong masasaktan... Pareho lamang tayong mahihirapan...

"I love you, Zep... I really, really do! But we're only destined to meet and not to love and create our own love story. Malaki ang pasasalamat ko kay Raffa dahil tinulungan niya akong ipa-realized sa akin ang lahat. Life must go on with you. At kung sakali mang magkita tayo ulit... Sana sa panahong pwede na tayo sa isa't-isa. Yung simpleng mga problema lamang..."

"I love you, Zeprael Hinatos. Always remember that..." mahabang sabi ko sa kanya saka muling umatras. Sa pagkakataong ito ay isang malamig at matulis na bagay ang tumama sa likod ko. Kitang-kita ko ang gulat na ekspresyon ni Zep. Ang nanlalaking mata ni Raffa pati na din ang emperor na kakamukha ni Mr. Suan...

Naramdaman ko na lamang ang isang mainit na likidong umaagos mula sa bibig ko...

Kulay itim ito. Ang dugo ko...

Nanghihina na ako pero muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid... Ang paligid na naging saksi ng kamatayan ko...

Hanggang sa muli...

At tuluyan ng nandilim ang lahat...





Reincarnated Affection ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon