Ikadalawampung Kabanata

576 27 3
                                        


"Magigising din naman siya right, hon? Naaawa ako sa baby ko..."

"Yes, hon... She'll wake up soon..."

"Dapat bawas-bawasan na niya ang pagpupuyat lagi... Na-over fatigue tuloy siya..."

Iyon ang mga boses na narinig ko. Nanaginip ba ako? Bakit naririnig ko yata ang mga tinig nina Mom and Dad? Malala na ba utak ko?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Muli akong napapikit. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay doon ko lang nakita ang buong puting paligid. Nakakita din ako ng isang spiral light na nasa itaas ko lamang.

Nagtaka naman ako. Kailan pa naging sosyal ang bahay nina Aling Nadia? Sa pagkakaalam ko ay gasera lamang ang gamit nila?

Malamig din ang paligid at halatang mamahalin. Nasaan ako? Nasa ibang kapanahunan na naman ba ako? Tatayo na sana ako nang biglang may magsalita sa bandang paanan ko.

"O my gosh! Gising na ang baby natin, honey!!" matinis na sigaw ng isang pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ito.

"Mommy? Daddy? Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan naman ang mga ito saka muling tumingin sa akin.

"Why? Bawal ba kami dito?" tanong naman ni Daddy.

O my gosh! Nakabalik na ba ako? Asan na sina Zep? Si Raffa? Ang mga Hesiconian?

"Pauwi na kami kahapon ng biglang tumawag si Manang Dory. Sinabi niya na nakita ka daw niyang nakahandusay sa may gate kaya nag-alala kami ng Daddy mo..." nag-aalalang paliwanag sa akin ni Mommy.

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Kahapon?"

Muli na naman silang nagkatinginan. Kapagkuwan ay biglang umiyak si Mommy.

Eh?

"Honey! Ano na bang nangyayari sa anak natin? Nagka-amnesia ba siya?" umiiyak nitong turan kay Daddy.

Kahapon daw ako nakita ni Yaya Dory na nakahandusay sa may gate? Edi ba wala ako sa mundong ito kahapon? Sa pagkakaalam ko, months ang inilagi ko sa Eshion! Paanong nangyari iyon?

"Pero Mommy... Wala ako kahapon sa bahay o noong nakaraang araw o linggo! Nasa Eshion po ako!" paliwanag ko sa kanila. Muli na naman silang nagkatinginan. Wala na ba silang ibang gagawin kundi ang magtinginan?! Hindi ba sila naniniwala?

"Eshion? Saan iyon?" nagtatakang tanong ni Daddy.

"Ang kalaban po ng bayang Hesico! Ilang buwan po akong nanatili doon kaya paanong nangyari na isang araw lamang ang itinagal ko dito sa hospital?" tanong ko pa.

Nagtaka naman si Mommy. "Hindi ba talaga masakit ang ulo mo?" tanong nito. Tumango naman ako. Hindi naman talaga.

"Maganda na ang pakiramdam mo?" tumango ulit ako.

"Totoo ang pinagsasabi mo?" tumango ulit ako.

Maya-maya pa ay umatungal ito. "Waahhh! Honey! Nababaliw na ba si Kisses?! Tawagin mo si Doc!"

Nakita ko namang biglang nataranta si Daddy sabay labas ng pinto. Okay lang sila? Pagkuwan ay tinawag ko ito. "Mom?"

Nagpunas muna ito ng luha saka tumingin sa akin. "Yes, darling?"

"Mukhang kayo po dapat ang nandito sa hospital bed ngayon at hindi ako... Kayo kasi itong hindi okay eh..." nakangiwi kong sabi dito. Nanlaki naman bigla ang mga mata nito.

"Oh! Ako ba dapat?" tanong nito. Tumango naman ako. Saka kami nagpalit ng pwesto.

IT'S been a week since that weird scenario happened. Although, nagtataka pa din ako kung paanong tumagal ng ilang linggo ako doon sa Eshion samantala isang araw lang pala dito sa totoong kasalukuyan na panahon.

Napatingin ako sa suot kong relo. Kanina sa klase, hindi ako makapag-concentrate ng mabuti. Pilit kasing sumasagi sa isip ko ang lahat ng kaganapan na naranasan ko sa weird na lugar na iyon. Iniisip ko din na baka isang panaginip lamang ang lahat pero hindi talaga. Totoo ang lahat ng iyon...

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang palabas ng gate. Malaki pa naman ang oras kaya maglalakad nalang ako pauwi. Baka kasi busy si Mang Kerio.

Napatingin ako bigla sa tumulong tubig sa kamay ko. Umaambon pala. Buti nalang nakapagdala ako ng payong. Nagsimula na akong maglakad. Medyo kakaunti lamang ang nakakasalubong ko ngayon. Pero gaya ng nakasanayan ay hindi ko na lamang pinagtutuonan ng pansin.

Naalala ko ang antique shop ni Mr. Suan. Alam kong naroon pa rin iyon. Hindi na kasi ako nakabalik pang muli mula noong huling punta ko doon.

Hinanap ko ang shop ng marating ko ang lugar na kinatatayuan nito noong mga nakaraang linggo. Pero wala akong nakita maliban na lamang sa isang abandonadong lupa na pinalilibutan ng mga alambreng bakod. Nagtaka naman ako. Nasaan na ang shop? Nalugi ba ito?

May nakita akong isang matandang babae na dumaan kaya nagtanong ako.

"Magandang hapon po. May itatanong lang po sana ako..." magalang kong sabi dito dahilan upang mapahinto ito.

"Magandang hapon din, hija. Ano iyon?"

"Ahmm... Itatanong ko lang po sana kung nasaan na po ang shop na nandiyan noong nakaraang linggo?" tanong ko.

Nakita kong nagtaka ito sa tanong ko. "Shop ba kamo?"

Tumango naman ako. "Opo. Ang shop ni Mr. Suan..."

"Pero hija, matagal nang abandonado ang loteng iyan. Wala ngang nagtatangkang bumili dahil may kakaibang hatid daw ang lupang iyan sabi pa ng ilan. Kaya walang shop na nakatayo riyan..." nagtatakang sabi nito.

Nagulat naman ako. Paanong wala? Eh noong nakaraang linggo nga lang ay nakita ko ang shop saka pumasok pa ako eh...

"Ganun po ba? Sige po salamat..."

Nang tumango ito ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang daming katanungang naglalaro sa aking isipan. Paanong nangyari iyon? Ako lang ba ang nakakaalam niyon? Napaka-imposible!

Nagtungo ako sa isang ice cream parlor na nakita ko. Siguro kailangan kong mahimasmasan. Kung ano-anong mga weird scenario ang nangyayari sa akin. Nakakapagod sa pag-iisip...

Pagpasok ko ay naghanap ako ng bakanteng table saka umorder ng isang gallon na cookies and cream. Kailangang malamigan ang utak ko. Mukhang overloaded na eh!

Pagkahatid ng crew sa akin ay agad kong nilantakan ang ice cream. It's been a long time since I ate my comfort food. Marahil ay sobrang busy ko sa pagbabasa at pangongolekta ng mga ancient stuffs and historical books. Kaya siguro mukhang napapraning na ako...

Pagkatapos kong kainin ang ice cream ko ay nagbayad na ako saka nagpasya ng lumabas. Nakita ko kasing sobrang dilim na ng langit at posibleng bumuhos ang malakas na ulan.

Palabas na sana ako nang bigla akong may makabungguang tao. Tsk! Ang malas ko naman ngayon... Hihingi na sana ako ng sorry nang magsalita ito.

"Are you okay, Miss?" tanong nito.

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar na boses nito. Nanlalaki ang matang tiningnan ko ito...

"Zep?"

Nangislap naman ang mata nito kapagkuwan ay nangunot ang noo...

"How did you know my nickname? By the way, I'm Zephyrious de Luxus..."









Reincarnated Affection ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon