7 months later.."Mmy, saan ba kasi kayo pupunta?" Nakakainis naman kasi. Gustong gusto kong lumabas ng bahay ngayon. Tapos ayaw naman akong isama nina mommy.
"Jade. Napag-usapan na natin to diba? Hindi nga makakabuti sayo kung sasama ka samin. Madaming tao dun. Baka mamaya sumakit na naman yang ulo mo." Sagot ni mommy sabay lagay sa maleta ng huling damit na tiniklop nya.
Ang sabi ni mommy 6 months daw akong nacoma. Isang linggo pa lang simula nung lumabas ako sa hospital. Kaya eto, andaming bawal. Kesyo madalas sumakit yung ulo ko nitong mga nakaraang araw pinagbilin ng doctor ko daw na huwag muna kong dalin sa mga maiingay na lugar.
"Eh. Mommy di ba pwedeng huwag ka na lang umalis? Wala akong kasama dito." I'm trying my best na magpaawa ka mommy. Aattend kasi siya sa seminar sa Baguio. Pinadala sya doon ng company nila. Yes po, nung nasa hospital ako alam kong may kalakihan yung bills na binabayaran nina mommy. Kaya napilitan syang maghanap ng trabaho at luckily, nakahanap naman sya. So she's now a working woman. Sabi nga namin nina daddy huminto na sya kasi nasa recovery stage naman na ko. Di na malaki yung gastos, pero ayaw nya. Maganda na rin daw na may extra income kami bukod sa pinapadala ni daddy. Balik sa dati na ang buhay.
"Baby. Kasama mo naman sina manang dito. Pati si Jacob, pamaya-maya nandito na rin sya. Sya na bahala sayo. At isa pa, 3 days lang naman ako dun."
Minsan iniisip ko na sana di na lang ako naaksidente. Eh di sana nasa bahay lang sya ngayon. Namimiss ko na kasi yung dati.
Nakakapanibago rin ngayon. Sobra yung pag-aalaga na ginagawa nila sakin. Ano ba ko? Baby? Sina kuya di na ko madalas asarin. Ang creepy na nga ng sweetness nila minsan. Umay!
"Bye baby. Take care of yourself and rest ha. Text me if you need anything." I kissed her cheek and she left.
Bzztbzzt
Mommy: Anak nasa labas na si Jacob. Binilin na kita sa kaibigan mong to. So don't worry, hindi ka na mabobore. I love you.
"Ang aga naman nya. Usapan nila ni mommy 8am pa sya pupunta, 7am pa lang ah." Bulong ko sa sarili ko.
"Hi."
"Pasok ka." Grabe ang pogi talaga nya! Kaso naiilang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang sya sakin. Di ba sya nangangawit? Kanina pa sya nakangiti eh daig pa kasali sa pageant.
Since di ko pa alam kung paano sya pakikitunguhan, sinabihan ko na lang sina manang na asikasuhin muna sya. Aakyat muna ko para mag-isip at maligo. Sabi ko doon muna sya sa sala. Manood syang tv or anything. Tumango lang sya.
Okay? So anong gagawin namin maghapon? Ano ba yan! Mas okay pa yatang ako na lang mag isa dito kesa nandyan sya. Ang awkward kasi ng atmosphere pag nandyan sya eh.
Pagkatapos kong maligo bumaba na agad ako. Kahit naman ilang ako sa bisita ko hindi naman ako rude. Nakakahiya naman kung pumunta sya dito para lang maghintay.
"Nasan na yun?" Kanina nandito lang sya ah. Nainip na kaya sya tapos umuwi na? Well that's better. Pero bakit parang nadisappoint ako sa naisip ko? Ang gulo.
"Looking for me?" Halos tumalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko. Muntik pa kong ma-outbalance buti na lang kinabig nya ko. Okay this is awkward position. Ramdam ma ramdam ko yung katawan nya sa likod ko.
"I-i thought you left." Sabi ko at kumawala sa mga bisig nya.
"What? Why would I do that? I just prepare something." Inabot nya yung kamay ko. "Come."
Hindi na ko nakatanggi dahil hinila na nya ko. Papuntang kitchen? Anong gagawin namin dito? Magluluto?
"Yes, we'll cook. If that answers your question." Nakangiti nyang sabi. Binitawan nya yung kamay ko at nagsimula nang mag-ayos ng mga ingredients. Based on what I see, beef ang lulutuin namin.
"May maitutulong ba ko?" Inangat nya ang tingin nya mula sa mga pinamili nya papunta sakin.
"Marami." Ngiti nya at balik sa ginagawa nya.
Uh-oh. Mukang naexcite ako ah.
TBC..
BINABASA MO ANG
First Love vs True Love (JulQuen)
FanfictionFirst love never dies, but true love can bury it alive. Hmmm. True? or False? What if pantay lang ang love mo for them? Possible ba yun? We'll see.