A/N: Dun sa nagcomment sa last chapter, this chapter is dedicated for you. Sa phone lang ako naguupdate kaya di ko pa maayos dedication. Aryt? :)
Tapos mas magiging serious type na yung pagsusulat ko. Hehe.
----
Abala ako sa pag-aayos ng bag na dadalin ko nang mapansin kong pinagmamasdan ako ni mommy. Minsan lang sya pumasok sa kwarto ng ganito katagal. Kadalasan ay pumupunta lang sya dito para tawagin ako or kung may kailangan man sya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. It's kinda awkward.
"My, what's wrong?" I said as I continue to fixed myself. It's been months. Second semester na. Madami ng nangyari pero wala pa ring progress ang relationship status namin ni Jacob. Uh, well perhaps, mas lalo ko syang minahal.
"Nothing baby. I just realized that you are really big now. You sure you still have no boyfriend?"
Nanlaki ang mata ko sa inasta ni mommy. Kahit di ako palakwento at misteryoso ang tingin ng karamihan sa akin, ang usaping pagboboyfriend ay sinisiguro kong malalaman ng pamilya ko. Pero sa ngayon ay wala pa talaga sa isip ko yun. Dahil na rin siguro kaibigan lang ang tingin sa akin ng lalaking mahal ko.
"My, what kind of question is that? Of course, wala." Sabi ko sabay sakbit ng sling bag ko sa aking balikat. Pagkatapos ay lumapit ako kay mommy para hilahin na sya palabas ng kwarto.
"I see, Jade. I'm not against it, though."
"W-what?"
"Yes, baby. Basta make sure he really loves and treats you well. Walang problema sa akin."
"Hayst. Whatever, my."
Tinawanan lang ako ni mommy. Sabay na kaming bumaba papunta sa sala. Susunduin kasi ako ngayon ni Jacob. We'll buy something for our upcoming school event. Bukas ay February 14. Valentines' day. Bawat year level ay may kani-kaniyang party. Parang Christmas party, yun nga lang ay Araw ng mga Puso bukas. Ayoko sa mga ganitong activities pero naisip kong okay na rin dahil mas mararamdaman ko lang na hanggang magkaibigan lang talaga kami ni Jacob bukas. Syempre di ko maiiwasang mainggit sa mga couples bukas.
"Where's Jacob? Bakit wala pa sya?" Oo nga pala. They already knew Jacob. Pinakilala ko sya bilang bestfriend ko. At base sa pinapakita ni Jacob sa kanila ay napatunayan nila iyon. Bestfriends. That's us.
"He's on his way na daw. Oh, I think there he is."
Nagpaalam na kami kay mommy. Sinabi ko din na sa mall na kami magla-lunch.
"You look good. And smells good." Bati sa akin ni Jacob pagkapasok ko sa sasakyan nya. Gusto kong kiligin pero pinigilan ko.
"Ah, t-thanks." Ugh. Stop it, Jade.
Pagkapark nya ng sasakyan nya ay bumaba ako agad. Kailangan kong magmadali dahil kung pagbubuksan nya pa ako ay hindi ko na alam ang magagawa ko dahil sa kilig.
"Hmm. Jade, kung ikaw ang reregaluhan, what do you want?
"Anything will do. Eh, sino bang nabunot mo?"
May exchange gift kasi kami bukas. Hindi ko nabunot si Jacob, nakakainis.
"No, I wont tell you, Jade. So, what is that anything?"
"Nakakainis ka naman. I dunno, really. Basta galing sa puso okay na sa akin."
"You're so corny huh. Come on, help me. I really don't know what to give. Kawawa naman yung nabunot ko oh."
BINABASA MO ANG
First Love vs True Love (JulQuen)
FanfictionFirst love never dies, but true love can bury it alive. Hmmm. True? or False? What if pantay lang ang love mo for them? Possible ba yun? We'll see.