JADE's POVTuesday. Ordinaryong araw. Nakakatamad pumasok, sobra. Mabuti na lang walang quiz or exam ngayon. Ewan ko kung anong meron at tamad na tamad ako. Kagabi nga ni hindi man lang ako nagbuklat ng books. Siguro may mga panahon talagang ganito na daraan sa buhay ng isang tao. Hahaha hayst.
Napakalayo naman ng room namin, grabe. Pati paglalakad kinatatamaran ko na. Ilang hakbang pa ba kailangan kong gawin? :( Sana may bumuhat na lang sakin. Hahaha joke!
"Gusto mo ba?" and he smirked. Gwapo! :">
"Pinagsasabi mo jan?" -_______- Kahit gwapo sya, aba! Wag nya kong pinapower trip!
"Sabi mo sana may bumuhat sayo?" Haluh =____= Nasabi ko ba ng malakas yon? Grabe naman.
"Ha? Sinabi ko ba yun? Di naman eh, baka hindi ako yung narinig mo." Emeged. Sige lang Jade, push mo yan. Hay! Buy it Jacob, please.
"Whatever Jade Montes! Come on, we're almost late."
With that, he grabbed my hand and we ran as fast as we could. Sa halip mainis, tumakbo na lang din ako. Late na kasi talaga yata kami. Okay lang haggard, maganda pa rin naman ako. Mark that! Haha chos.
Anyways guys, nagtataka ba kayo kung bakit parang super close na kami ni Jacob? Well, it's been 3 months since we first met. Ang bilis ng oras diba? Sa totoo nyan, best friends na kami ni Jacob. Sya na siguro ang masasabi kong pinaka-close ko sa school. May mga girl friends naman ako pero mas gusto ko, at mas komportable akong kasama sya. Sobrang bait nya kasi at caring. Eh akong nasanay na baby, bet na bet ko 'to. Haha.
Araw-araw sabay kaming nagla-lunch at tumatambay kung vacant time. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya, at feel ko na ganun din sya sa akin. Nung una, akala ko seryoso syang tao at tahimik, pero akala ko lang pala yun. Sinasakyan nya ang mga jokes ko kahit corny. Biruin nyo, kung sa iba yun, mapapapoker face na lang, pero sya, tumatawa talaga. Well, siguro may halong pagpapanggap yun. Pagpapanggap in a way na hindi naman talaga nakakatawa, ayaw lang nya ko ma-offend.
See? Sobrang bait nya. Kaya nga crush ko sya eh. Aaaaaahhhh! Grabe, nadulas ako. Hahaha! Landeee. Yes po. Crush ko na sya. Crush pa ba 'to? Eh 3 months na eh, baka love na to?! Ahhhh joke lang! Scratch that! :P Haha. =___=
Pero, alam nyo guys? First time 'tong nangyari sakin. I mean ang magka-crush sa isang tao nang ganitong katagal. Siguro, kaya mas gusto ko na sya lagi ang kasama ko e para wala nang ibang makalapit na babae sa kanya. Yeah, sounds selfish but ughh, duh! Heartthrob kaya 'tong si Jacob. Boyfriend material and ideal man ng halos lahat ng babae. Just look how lucky I am. :")
Si Jacob, mayaman sila. Isa lang syang anak kaya kung tutuusin, maaaring spoiled brat sya but he's not. Natuto akong magtipid dahil sa kanya. Pati na rin ang magseryoso sa pag-aaral. Sobrang good influence nya sakin. Pero minsan, ang weird nya. Ayaw nya kong nakikipag-usap sa ibang lalaki. Mas strict pa kina Kuya at Mommy. :(
Speaking of my family, never ko pang nadala sa bahay si Jacob. Kaya hindi sya kilala nina mommy. Di ko naman din sya kinukwento. Remember? Di ako pala-kwento. Di talaga, as in. Hindi rin naman nag-iinsist sina mommy na magkwento ko kaya ayun. Malaki tiwala nila sakin eh, basta lang daw wag kong sisirain yon. At nag-promise naman ako sa kanila na sa oras na may manakit o kailangan ko ng tulong eh sasabihin ko sa kanila. Agad agad.
Before I forgot, I have my closest girl friend. We're not sisters by blood, but at heart. Mehehe. Her name is Mona. Yung mga kinukwento ko kay Jacob, kinukwento ko rin sa kanya. Yes I admit, mas open pa ko sa kanila kaysa kina mommy. Pero may limitations pa rin. Si Mona, kilala sya nina mommy. Childhood bestfriends eh. Unfortunately, hindi sya sa MGU nag-aaral :(
BINABASA MO ANG
First Love vs True Love (JulQuen)
FanfictionFirst love never dies, but true love can bury it alive. Hmmm. True? or False? What if pantay lang ang love mo for them? Possible ba yun? We'll see.