Chapter 7

75 8 1
                                    

February 14. Araw ng mga Puso. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mangyayari hindi ko inaasahan. Naeexcite ako but at the same time, I'm nervous. Ang random.


Nagmadali akong mag-ayos. Konting polbo lang ang ipinahid ko sa mukha ko at ayos na ko. Sinuklay ko ang buhok ko at nilagay ko ang barette na iniregalo ni Jacob sa akin nung Pasko.

Pagbaba ko nakita ko agad sina mama na nakaupo na sa may dining area ng bahay namin. Nagkwekwentuhan sila at marahil hinihintay ako bago sila magsimulang kumain. Bago pa ako makarating sa kanila ay nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at napangiti nang mabasa ko ang text.

From: Jacob

Happy Valentine's Day Jade! Can I fetch you? Sabay na tayong pumasok.

Nagreply agad ako. Di ko maiwasang kiligin. Di talaga nadadala ang puso kong masaktan eh. Haha.

To: Jacob

Same to you :) Okay. See you.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone bago tuluyan itong itago. 7:45am na. Kung normal school day ay late na ko. Pero ngayon ay pasok pero walang klase. May activity lang ang MGU na tinawag nilang "Valentine's Party". Ito ang dahilan kung bakit kami bumili ng pang-exchange gift ni Jacob nung isang araw. Weird pero required na mag-uniform kami ngayon.

"Good morning, My! Kuya!" Bati ko sa kanila sabay halik sa mga pisngi nila. Umupo ako sa tabi ni Kuya.

"Good morning, baby!" Sagot ni kuya sabay gulo sa buhok ko. Hmp lang ha.

"Oh Jade, smiling face ka yata ngayon. Mabuti yan." Mommy, sabay lagay ng bacon sa pinggan ko.

"Of course naman, My. Haha ah, mommy nagtext si Jacob, susunduin nya daw ako, sabay na kami papasok."

"Siguraduhin mong best friend mo lang yan, Jade. Nako." Sabat ni Kuya sabay subo ng hotdog.

"Kuya! He's just my bestfriend. What are you talking about?" Kunot-noong sagot ko sa kanya. Kainis eh.

"Stop it, you two. It's fine Jade. Sige bilisan mo na jan at baka dumating na yon." Nginitian ako ni mommy dahilan para mawala ang inis na naramdaman ko kanina.

Saktong pag-inom ko ng tubig ay narinig kong may humintong kotse sa labas. Just in time, Jacob.

"Bye guys!" Sabi ko sabay halik sa kanila. Ayoko ng bumaba pa si Jacob sa kotse nya dahil malaking abala na yon. At bago ako lumabas ng pinto namin…

"HAPPY VALENTINE'S MOMMY AT KUYA! BYE!"

**

Naglalakad na kami papuntang classroom ngayon ni Jacob. Wala naman kaming masyadong naging imikan ni Jacob sa byahe. Mabilis lang naman kasi iyon. Nagbatian lang ulit kami at yun na. We are here.

"I'm glad, you wear it." Nakangiting puna ni Jacob sa suot kong barette. If he only knew, gusto kong ibalik sa kanya ito nung nakita ko to isang beses sa mall. Oh nganga talaga ko sa price. Hair clip lang tapos P1,000? Like, seriously?

"Oo naman. I love it, actually." Totoo naman yun.

"My pleasure." Oh shet. Damn your smile Jacob. It's killing me. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil ramdam ko na pumula ang pisngi ko.

Nang makarating na kami sa classroom, halos kumpleto na pala ang blockmates namin. Nahiya naman tuloy ako. Haha.

Wait. Napapansin kong balisa si Jacob. Hmmm, bakit kaya? Parang kinakabahan sya na ewan. Well, mamaya ko na lang sya tatanungin kasi mukang kami na lang ang hinihintay bago magsimula. Diba nga? Per room ung party.

First Love vs True Love (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon