Chapter 4

83 6 0
                                    


Just a short update.

---

"Jade, dadating si Mona bukas. Makikitulog daw sya sa bahay. Miss ka na daw nya eh."

Muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni mommy. Ang magaling kong bestfriend, sa nanay ko nagpaalam. If I know, kwarto ko yung guguluhin nya. Paniguradong di na naman ako makakatulog neto. Kilala ko yun, kaya nya sinabing miss nya na ko e para makapagkwento sya ng mga pangyayari sa buhay nya.

"Mom! Kailan nya sinabi? Pumayag ka?"

Not that I don't want to see her. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa walang katapusan nyang kwento at tanong sa akin.

"Of course, baby. Kanina lang." Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Gumagabi na rin kasi, kailangan na naming umuwi. Ewan ko nga bakit naisipan ni mommy na lumabas kami ngayon.

Napansin kong ako na lang pala ang di pa tapos kumain. Mukang kanina pa sila tapos at hinihintay na lang ako. Kasama namin ni mommy si Kuya Ed ngayon.

"Hoy Jade! Baka gusto mong dalian jan." Si kuya yan. =______=

Tumango ulit ako at binilisan ang pagkain.

*bzzt bzzt*

Nagitla ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sino kaya ito?

Jacob?

Good evening. Home now?

Nagreply ako agad. Hehe. Alam nyo na, kinikilig ang lola nyo. :")

To: Jacob

Not yet. Good evening, too.

Hay. Sana magreply--waaah! Nagreply sya agad. OMG!

From: Jacob

Ow, I see. Ingat sa pag-uwi. :)

To: Jacob

Thanks, Jacob. :)

From: Jacob

See you tomorrow. :)

Di ko na sya ni-replyan. Baka mahalata pa nina mommy, tapos magtanong pa. Di nila kilala si Jacob or kung sinuman sa kaklase ko. Di kasi ako nagkekwento at pagnagtatanong sila, lagi ko lang sinasabi na maayos naman ang pakikitungo nila sa akin. Yun lang.


Pagkatapos  naming kumain, umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay, ginawa ko lang ang mga assignments ko at nahiga na. Nang icheck ko ang cellphone ko, nakita kong may text na 'goodnight' si Jacob. Di ko na nireplyan kasi baka sa sobrang kilig ko e ano na maireply ko. Mehehe, weird ko noh? Haha.

Sana magbukas na para makita ko na ulit sya. Di bale, see you in my dreams Jacob! :">

***

"Kanina ka pa tulala jan! May problema ka ba?"

Kanina pa talaga lumilipad ang utak ko. Excited na kong makita si Mona. Oo na! Kahit ganun yon, madaldal, mahal ko yun at inaamin ko, miss ko na din sya. 3 weeks na kaming di nagkikita e.

"Wala ah! Uy Jacob, feeling ko yung crush ko, love ko na sya. First love!"

Hehe. Sanay na sakin yang si Jacob. Sa kanya ko kinukwento ung crush ko, na feeling ko e love ko na. Ang hindi nya alam, sya yun. Hahaha!

"Ha? Sigurado ka ba? Sino ba kasi yan?" Nakakunot-noong tanong ni Jacob.

"Eh? Oo? Siguro. Ano ka ba! Suportahan mo na lang ako! Tsaka secret noh. In right time, makikilala mo rin sya."


Hindi ko pa kayang aminin kay Jacob na sya yun eh. Paano kasi pag di sya ganun sakin? Tapos iwasan nya ko pagnalaman nya. Naaaaah! Ayoko. Sanay na kong may Jacob sa buhay ko, na isang tawag lang e nanjan na agad. Siguro nga mahal nya din ako, bilang kaibigan. Kapatid. Hayst.


"Hay. Bahala ka jan, Jade. Pero di talaga ko kumbinsido hangga't di ko sya nakikilala."


Inirapan ko sya at tumayo para pumuntang classroom. Hinabol nya ko at inakbayan. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hayyy! Bakit ba ganyan ang epekto mo sakin Jacob! :(

"Ikaw talaga, tampo agad. Osya, first love mo na sya..." Tapos tinanggal nya ung kamay nya sa balikat ko. "Ang swerte naman nya, sana ako na lang sya."


"Ano?"


Di ko kasi narinig yung huli nyang sinabi.


"W-wala. Ang sabi ko, akin na yang bag mo. Mukang bigat na bigat ka e."

"Oy! Hindi ah, akin na yan!  Oyyy!"

Bigla nya kasing hinablot ung shoulder bag ko tapos nagtatakbo na. Hay! Feeling ko tuloy girlfriend na ko, tapos nagpapakagentleman sya sakin. Hihi emeged. :)))

Pero hindi rin. Iniwan nga nya ko eh. Huhu. Ang layo na nya! Setbu! Nawala na sya sa tanaw ko eh. Ang bilis namang tumakbo nun! Ha!


"Ay shoot!"


"Hahahahaha! The face!" =_____=



"Aaahh nakakainis ka. I hate you!"

Pinaghahampas ko sya. Ang loko ba naman, bigla akong ginulat. Akala ko mabilis syang tumakbo, yun pala nagtago lang. Muntik pa kong madapa sa gulat ko sa kanya.



"Nakakainis ka. Iniwan mo na nga ako, ginulat mo pa ko! Tapos pinagtawanan pa. Setbu ka Jacob! Akin na nga yan!" At aba! Itinaas pa ang bag ko! Ang mokong na to ayaw ibigay ang bag ko! The nerve! =____=



"Haha! No i'll bring this. At isa pa Jade, kumalma ka nga. Pulang pula ka na oh. Di kita iiwan Jade, never. Lika na nga."


Di kita iiwan Jade, never.

Di kita iiwan Jade, never.

Di kita iiwan Jade, never.

Aaaaah! Ano daw? OA na kung OA. Feeling ko nag-iloveyou sya sakin. Hahaha! Di nya daw ako iiwan. Gusto ko yun, gustong gusto. :")

Sa  sobrang lutang ko. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa room. Ge lang Jacob, maging sweet ka lang sakin. Ayokong umasa, pero ang saya saya kasi ng feeling na yung taong gusto mo, palaging nanjan sa tabi mo. :)

-----

Sorry po matagal mag-update. Sobrang busy eh. Basta tatapusin ko itong story ko na to. No matter what. Don't worry.

First Love vs True Love (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon