JADE's POV"Bye na po! Late na po talaga ko. Labyu ma!"
Sigaw ko habang pasakay ng tricycle.
Hayst. Si mommy talaga. Hindi maresist ang rossy cheeks ko, gusto lagi i-kiss! Yung parang wala ng bukas? Kawawa naman face ko, lamog na. Huhu. Chos lang.
Sanay na ako na ganito eksena namin ni mommy tuwing aalis ako ng bahay. Para bang hindi na ko uuwi at pinapaulanan ako ng bilin, pagkatapos yakap at walang katapusang halik sa pisngi. Porket bunso ako tapos yung nauna pa sa 'kin, dalawang lalaki. Kaya eto, baby forever ako ng family. To think na college na 'ko. Tapos matangkad pa 'ko. Tapos maputi din ako. Tapos matangos ilong ko. Tapos talino ko nga eh, Accountancy ang kinuha ko. Gusto ko kasing maging CPA! Malamang! Alangang doctor diba? Shunga lang, Jade? =____= Tapos yung buhok ko, medyo brown. Tapos yun---hep!
Ang daldal ko talaga! Late na nga ako diba? Tapos nagkwento pa 'ko. Tsk. Sapukin nyo nga ako! Hahaha.
Anyways, as I was saying, first day of school ngayon. Sa iba, hindi naman big deal kasi magkakakilala na sila bilang 2nd yr na kami. Pero for me, yes. Eh kasi naman, transferee ang lola nyo. Si mommy kasi eh, parang ewan. Sinabihan lang ng mga friends nya na maganda dito, inilipat agad ako. Miss ko na mga blockmates at friends ko last sem. Huhu! T_T Kumusta na kaya sila? Namimiss kaya nila ko? Haynako. Lumilipad na naman utak ko.
"Nandito na tayo neng." Ayun. Sa wakas! Inabot ko 'yung bayad kay kuyang driver tapos tumakbo na papasok ng gate. Excited ako na kinakabahan. Yay! Fighting!
Teka lang, sandali. Sa mga nabasa ko, madalas mangyari ang ganito eh. Yung I mean, first day tapos late ka, tapos magmamadali ka. Sa pagmamadali mo, may mababangga ka. Tapos yun na! Simula na ng lovestory nyo! Aahhhhh! No! Bawal! Baka magselos pa si crush. :">
With that thought, dahan-dahan na lang akong naglalakad ngayon. Hindi ako kumukurap, diretso lang tingin ko sa harapan. Baka kasi may mabunggo ako e, mahirap na. Pero, waaaaaah! Jade naman eh! Tungak ka ba? Nagawa mo pang mag-isip ng ganyan, eh late ka na nga!! Wag baliw, uy!
Ah, basta! Push ko na to. Dahan-dahan lang, wag magmamadali. Hehe.
"Packing tape naman kasi eh! Saan ba 'tong DSJ 409?! Late na late na 'ko Lord! Nakakaiyak na po! HuhuhaaAAAAHHHH!" Napasigaw ako nung may biglang bumuhat sakin. Sino kaya ang baliw na 'to na balak sirain ang araw ko? Sabagay, sira na kanina pa, kasi late na late na 'ko. Pero teka nga!
"Hoy! Ikaw! Ibaba mo ko! Anong tingin mo? Nasa palengke ka? Tapos ako, baboy na idedeliver mo sa mga tindera? Kargador ka sa palengke ibaba mo ko! Please lang! Nakakahiya! Isa, ano ba? Hoy! Dalaw----" Napatigil ako nang bigla syang magsalita.
"Miss! Una, wala tayo sa palengke. Kaya tumahimik ka! Pangalawa, wag kang malikot dyan, ang bigat mo kay---" Wag na wag mong itutuloy yan, sexy ako ha!
"Aba, bakit! Sinabi ko bang buhatin mo 'ko? Waaah! Ibaba mo n----" Ano gantihan? Di uso patapusin magsalita? -________-
"Tatlo, late ka na diba? Kaya wag ka nang magreklamo jan!" Pagkatapos nyang sabihin yon, ibinaba nya na 'ko. Tapos di man lang ako pinagsalita! Loko yun ah! Pumasok agad sya sa pintuang katapat namin. Ano bang problema nun guys? Alam nyo ba? Share naman oh!
Maglalakad na sana ko nang mapansin ko ang nakasulat sa pintong pinasukan ni Kuyang Kargador. DSJ 409!
Eh? Eto pala yung room ko eh. Putakteng malaki! Jade, pumasok ka na kaya! Try mo nuh? Daeng satsat lagi eh. Aytsk! -____-
Pagpasok ko, nagtuturo na 'yung prof. Anubayan? Di uso orientation dito kapag first day? Kainis! Baka andae ko nang na-missed na lesson. 30 mins na kasi akong late eh. Sayang naman yung paggising ko ng maaga. Yung pagligo ko ng mabilis at yung pagtakbo ko papasok sa gate kanina.
BINABASA MO ANG
First Love vs True Love (JulQuen)
FanfictionFirst love never dies, but true love can bury it alive. Hmmm. True? or False? What if pantay lang ang love mo for them? Possible ba yun? We'll see.