ZOE POV
HAy! kapagod ang dameng pinagawa ni ma'am Cruz na quiz sa amin kanina, pinahuli pa ako ni ma'am kanina para ayusin daw yung room, ang hindi ko enexpect pati pala si Chase pinahuli din, kaya ang kinalabasan . Kaming dalawa naiwan sa room para mag linis , ang SAYa noh? unang araw ko palang sa school, kilala na agad ako ni ma'am , pero ang malala 1st Day of school ko pinaglinis na agad ako ng room, GRABE ANG SAYA TALAGA NOH!?.
FLASHBACK
" GOOD BYE! ma'am Cruz " - sabay sabay naming sabi lahat, uwian narin sa wakas.
" okay class bye din, See you all Tomorrow, ahmm, Zoe and Chase ? " - sabi ni ma'am
" Yes ma'am" - sabi ko naman.
" Ah! andiyan pa ba si Chase? "- tanong ni ma'am Cuz , tinignan ko muna si Chase bago sagotin si ma'am , kase di ba nga nagalit siya saakin.
"a-ah o-opo nandito pa po siya " - sabi ko , nauutal tuloy ako .
|ah! pwede ko ba kayong makausap?" - sabi ni ma'am
" ahmm, sure po ma'am" - sagot ko naman
" okay ! hali na kayo " - sabi ni ma'am kaya pumunta na kaming dalawa ni Chase kay ma'am , Galit pa kaya siya saakin? Aishh, hindi kase siya nag sasalita eh? HALA baka na PIPE na siya? Aish? ano ba yang mga pinag iisip ko ? tss, nakapunta na kami kay ma'am at---
"ahmm, pwede ba pa request?, hehe lahat kase ng teacher pinapapunta sa Principal Office, may meeting lang kami, kaya hindi ko malilinis tong room , kaya kung pwede kayo nalang muna mag linis? " - sabi ma'am ,aish ba't ako pa nautosan ni ma'am mag linis ng room,? purket ba bago ako ganun?haha !! joke lang.., hay! wala narin naman akong magagawa eh!. Kaya susunod nalang ako.
" hehe, yun lang naman po pala ma'am eh! , syempre po okay na okay po sa akin " - sabi ko , kahit hindi okay kase kasama ko si Chase, natatakot tuloy ako ako huhu..
" o sige , maraming salamat ha! haha! o sige maiwan ko na kayong dalawa dito, kayo ng bahala dito sa room, see tomorrow bye :D "- sabi ni ma'am at tuloyan na ngang umalis, Shock's naman, tinignan ko si Chase, HALA! ang sama ng tingin saakin nakakatakot.
" BA'T KA PUMAYAG!? "- sabi niya na pasigaw na.
" H-hah!? a-anong pumayag ako? " - tanong ko sa kanya ,kaya na patigil ako sa pag wawalis
" BAKIT KA PUMAYAG NA MAG LINIS DITO SA ROOM? "- sabi ni Bryle Chase, tss -_-
" A-ah, yun ba? malamang inutosan po kaya tayo ni ma'am ,Tulog kaba nung sinabi ni ma'am na mag lilinis tayo dito sa room? "- sabi ko
" Hay! kainis "- sabi niya, tapos umupo EH!? Hindi niya ba ako tutulongan?
" OH! "- sabi ko , sabay abot sakanya ng walis
" Anong gagawin ko diyan? "- tanong niya?
" Try mong pang suklay baka malaman mo ang sagot? Malamang kaya binigay ko sayo to para mag walis ka. "- sabi ko
" Ba't naman ako mag wawalis? bakit pumayag ba ako na mag linis dito sa room??" - sabi niya, Aba aba naiinis na ako sa taong ito ah!.., sumusobra na eh!.
" ANO!? eh! tayong dalawa po kaya ang inutosan ni ma'am Cruz na mag linis dito sa room? " - sabi ko naman.
" Eh ano naman? tanong pumayag ba ako? Hindi naman diba? , ikaw lang ang pumayag kaya ikaw lang ang mag-isang maglinis dito sa room " - sabi niya, GRABE ANG SAMA NIYA.
" Hoy! iiwan mo talaga ako dito? "- tanong ko sakanya
" Oo, hindi ba obvious?! sige diyan kana * SMILE * "- sabi niya, aba may gana pa siyang ngumiti ha!? at tuloyan na nga siyang umalis, Ang SAMA niya , kaya nga kaming dalawa inutosan para mabilis matapos. Tapos iiwan niya lang pala ako dito mag isa? ABA! ang sama talaga ng ugalis ng lalaking yun..