"Hindi ka talaga titigil noh? Sige huwag kalang tumigil lagot ka saakin " pagkasabi na pagkasabi ko nun tumayo na agad ako at hinabol si Lexie , Siya naman tumakbo na agad hahaha buti alam niya na lagot siya sa akin.
" Ahhhhh.... Sammm ... sorry na hahaha pllsss... ayoko na " sabi niya habang tumatakbo , bahala siya.
" HEH !!!.. MANAHIMIK KA ,LAGOT KA SAAKIN " sabi ko at akmang maabot ko na sana siya pero nakaiwas ang loka -loka .Pagod na rin ako eh.
" B-bes naman s-sorry na pagod na talaga ako. " sabi niya sabay tigil sa takbo at napatukod ang dalawang kamay niya sa tuhod niya.Kaya napatigil din ako pagod na din ako.
" B-basta l-lagot k-ka saakin. " biro ko sakanya hinihingal pa ako ng sabihin ko yun .Kapagod palang tumakbo noh ? Mag jogging nga ako bukas ? . Bumalik na ako sa table namin at kinuha ang tubig ko. Babalik na sana ako kay lexie para habolin ulit dahil naka recover na rin ako sa wakas hahaha. Nang may maka bangga ako kaya napa upo tuloy ako .
" Aray !!.. " sabi ko habang naka upo parin at himas himas ang pwetan , ang sakit lang hah?! .Ano ba to ? , bulag lang para hindi ako makita ? Kainis naman eh .Sa totoo lang , Bat ang malas ko ngayon ?
" i'm sorry miss,are you okay ? " sabi nung bulag este naka bangga sa akin. Tss ... Okay ?.
" OKAY ? OKAY TALAGA TANONG MO IKAW KAYA MATUMBA TIGNAN NATIN KUNG HINDI masakitttt... " OMG , s-siya s-siya y-yung ... Hah?! Automatic nalang humina yung boses ko pag dating sa masakit eh.
" Im very sorry miss... my phone got lost kaya hinanap ko dito sa bag . Kaya hindi kita napansin i'm very sorry " wait totoo ba'to ? Kung totoo nga pabatok ( batokan natin ) Ouchyy.. ang sakit nun author hah?! Pero totoo nga totoo na kinakausap niya ako at niyaya ako tumayo.
Tatanggapin ko ba ? Parang nakakahiya naman . Oh mag galit galitan kaya ako ? Parang masyado namang OA kung ganun. Hay! Bahala na tatanggapin ko nalang para masaya haha.
Aabotin ko na sana yung kamay niya ng--
" Bestie ba't ang tagal mo ? Ano ba nangyari sa'yo ? Nalingat lang ako saglit nakaupo kana agad diyan sa sahig ? May upuan naman dito oh?! Halika nga , kung ano ano na ginagawa mo eh. " dire-diretso n'yang sabi , at tinulongan niya akong tumayo, .
Tss..., panira naman 'tong si bestie eh . Ayun na yun eh, hahawakan ko na eh , hahawakan ko na yung kamay niya eh , ang ganda lang talaga ng timing nitong kaibigan ko eh, inis ( -_- ).
"Ahmmm...sorry talaga, di kasi kita napansin.Pero okay ka lang ba talaga? " sabi ng nakabanggan saakin , ano kaya name niya ? Dito kaya siya nag-aaral ? Gusto ko na talaga malaman ang name niya kinikilig tuloy ako.
"Hoy!..bestie.. okay ka lang ba daw ? Ano ba nangyayari sayo hah? " natauhan ako ng mag salita nanaman tong kaibigan ko, aba't nakataas pa ang kilay at nakapamewang pa hah?.Batukan ko to eh!kanina pa panira .
" A-ah okay ako... okay lang ako " sabi ko sa nakabangga sa akin.kahit sobrang sakit parin ng pwet ko , ang lakas kaya ng pagkaka bagsak ko huhu T_T.Pero syempre pinilit ko paring ngumiti,ikaw ba naman makaharap nf pogi sisimangot kapa rin ba ?.
"Haistt... pagpa sens'yahan mo na tong kaibigan ko hah? Medyo may kalog kasi 'to sa ulo eh.Nung baby pa kasi siya sadyang hinulog siya ng mga magulang niya sa kuna kaya ayan kinalabasan. " aba't tignan mo nga naman 'to oh? Siraan daw ba ako ? Kinurot ko siya sa tagiliran niya kaya napatingin siya sa akin , ako naman nilakihan ko siya ng mata at nag peace sign pa ang lola.
" Haha... nakakatawa naman kayong dalawa... Ay!mauuna na ako sainyo hah? Marami pa kasi akong a-asikasuhin eh. Sige maiwan ko na kayo .Ahh! Sorry nga pala kanina ha?! Hindi ko talaga sinasadya. Eto card tawagan mo ako kung may sasabihin ka or kung may masakit sa'yo.By the way my name is Nathan Dark Parker nice to meet you too ^__^ " pagkasabi na pagkasabi niya nun nagpaalam na siya saamin at tuloyan ng umalis.Wahaaa... kinikilig naman ako sinabi niya yung pangalan niya sa amin hehe.