Zoe POV
Makalipas ang ilang araw , hindi ko pa rin nakakalimutan yung Love story nila Sam at Nathan nakakakilig talaga . Naglalakad na ako ngayon dito sa hallway medyo maaga panaman kaya marami pang tao dito sa salabas. At buti nalang hindi rin ako late ,papunta ako sa garden ngayon .Tumawag kasi sila Sam at ang sabi pumunta daw ako doon. Ano na naman kaya ginagawa nila dun ?.
" Bes ang tagal mo naman. " sabi ni sam sabay hatak sa akin paupo. Wow ha?! Ang sakit nun , hatakin ba naman ako.
" Sorry naman no , hindi naman ako si The flash para makarating dito agad agad.--- Oy! Lexie ano yan ? Bago mong libro ? " sabi ko sabay kuha ng tubig ni lexie . Uhaw lang eh no , mabilis talaga ako mauhaw eh .
" Oo naman. Kahapon ko lang binili. "
"Ahh... hindi mo lang ako sinama...daya *pout* " gusto ko pa naman bumili ulit ng bagong books dito.
" Hoy !.. Ang drama mo ... Yung pinsan ko nagpasama lang siya sa akin , tapos yung napadaan kami sa bookstore edi bumili na ako. " pagpapaliwanag niya , nako ang highblood naman nito parang si lolo lang ? Haha...
" Ahh... hehe okay ... Huwag kana magalit . Bat nga pala kayo nandito ? Hindi pa ba tayo papasok sa room ? " sunod sunod kong tanong sa kanila , pa'no ano naman gagawin namin dito ? Ang aga aga.
" Duh! Eh sino pa ba hihintayin nito dito " sabi ni Lexie sabay nguso kay sam may kinakalikot sa Cellphone niya. Ahh... gets ko na kung sino tinutukoy ni lexie . Kaya tumango tango nalang ako.
" Hoy! Kayong dalawa jan hihihi ... Actually dapat nasa room na tayo ngayon eh. Kasu nag text si Mhine ( Nathan ) na hintayin daw natin sila . Okay na PO ba ? "
" Okay na okay ... hahaha sino nga palang sila ? " usisa ko naman kay Sam ... malay ko ba kung sinong SILA ang tinutukoy ni beshie ^_^ .
" Ano ba yan bestie hindi mo alam . Edi sil --... Ohw! Ayan na sila . " sabay turo ni Sam sa likuran ko. Sino namang sila ? Liningon ko na para makita ko kung sino and guess what ... silang tatlo lang pala psshhh... at yung nasa gitna na napaka sungit .
" Hi mhine " bati agad ni Nathan kay sam pagka dating na pagka dating dito sa kina uupuan namin.
ang sweet haha... #kainggit:( , maka HASHTAG wagas ?" Hi , Zoe " bati naman ni Kenj sa akin. Binati ko rin siya.
" So tara na guys ? " sabi naman ni lexie .
" Okayy... come on " sigaw ni Nathan . Pshh napapa iling nalang ako dito eh . Tama ba daw sumigaw ? Hahaha...
" Hoy ang pogi talaga ni Nathan no ? "
" Mas cute si Kenj hihi... "
" Mas PoGi si Bryle ... akin lang siya "
Yan ang mga naririnig ko dito habang naglalakad kami papuntang room. Grabe naman pala talaga sikat sila dito .
" Ang tahimik mo ata ? " nakangiting sabi sa akin ni Kenj na nasa kaliwa ko. Nasa kanan ko pala 'tong lalaking napaka laki ng headset sa tenga . Hindi man lang namamansin .
" Ahh... wala may naisip lang ako ... hahaha " sabi ko sabay lingon kay kenj .
" Ahh ... ano naman yung naisip mo ? "
" Ganun ba kayo talaga kasikat dito sa school ? , kasi ang dami ko naririnig tungkol sainyo eh " hindi ko na napigilan mag tanong kay Kenj , paano gusto ko talaga malaman kung bakit sobrang sikat sila .
" Ha?! A-ayun ba ? , hahaha nako huwag muna pansinin yung mga yun . " sabay hinga niyang malalim . Oo nga bakit ko ba iniisip yung mga yun ? . Eh halata naman dahil sa mga itsura nila eh , pero swerte sila bestie dito ha?! Nag karoon sila na kaibigan na sikat .