CHAPTER ONE: INTRODUCTION

173 10 7
                                    

Hannah's POV

I'm a die hard fan of SB19, simula pa lang nung nagsisimula na sila as a group. Sobrang nakaka inspired sila kasi sa kabila ng mga judgement sa kanila ng tao, sa kabila ng mga pinagsasabi nila na kesyo feeling koreano or so whatever na yan, hindi nila yon ininda. Instead, pinatunayan nila na ang isang Filipino, gagawin ang lahat para sa pangarap. Si Pablo, Josh, Stell, Ken at Jah ang nagpatunay sakin non! Kaya sobrang fan na fan nila ako, nakita ko kung pano sila mag grow, at kung pano sila sumikat isa isa.

Naging fan ako nila nung nag ttraining pa lang sila, pano ko nalaman? Dahil sa kaibigan ko, kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakilala ko silang lima.

Hindi ko naman dapat talaga sila i sstan, kaso ewan ko ba nung napanood ko yung debut song nila na "Tilaluha" ayon jusme, kinain ko lahat ng sinabi ko. Dapat pala talaga hindi tayo nagbibitaw ng salita kaagad, dahil hindi natin alam ang mangyayari.

Ang haba yata ng intro ko? Wala akong pake, usapang SB19 to. Sila yung first ever P-Pop Group na tinrain ng isang Korean Entertainment! That's why sobrang fan talaga nila ako, i didn't stan them because of their visuals, i stan them because of their attitudes and talents.

Who's my bias? Hindi ba obvious syempre si Jah! Visual ng group nila,the bunso, charming and jolly that's why i love him so much talaga.

Ang dami kong say no? Well, andito na ko sa school namin. Palabas na pala ko, uwian na kasi 17:00pm na. Ang daming tao sa gate jusmeyo, ang laki laki ng gate nagsisiksikan jusmeng mga bata ito.

"Ate? San po ba dito yung cr? Nawiwi na po kasi ako eh." Sabi nung bata sakin, hindi pa din ako nakakalabas ng gate dahil ang dami nila. Pandak ako, baka madedbul lang ako dyan at di ko pa mapakasalan si Jah no way!

Sinamahan ko na syang pumunta ng cr, mahaba pa naman yung pila, tsaka madami cr dito sa Atin University, baka maligaw pa sya.

"Thank you po, Ate Ganda." Nakangiting sabi nung bata, pinisil pa yung pisngi ko.

"You're Welcome, sige na tinatawag ka na ng kasama mo oh." Sabi ko sa bata, ang cute cute nya sa tingin ko 4 years old pa lang sya. Kinawayan nya na lang ako at nagsimula na silang maglakad papalayo sakin.

Pagkatapos nun, bumalik na din ako sa gate at sa wakas, wala ng pila. Ako na lang yata naiwan na student, may guards pa naman at mga teachers. Overtime sila Miss, kasi may event daw.

Naalala ko na naman yung bata ang sweet nya tapos ang cute cute nya pa. Imagine, sinabihan kang maganda ng bata kahit hindi ka naman maganda.

Habang naglalakad ako pauwi nakita ko si Maxine, tatanungin ko na lang kung bakit sya absent. Baka na broken na naman itong babae na to, jusme.

"Dashuriiiiii" Tawag ko sa kanya, baka kasi hindi nya marinig kasi nasa kabilang road sya.

"Bakit?" Tanong nya, sa boses pa lang alam ko ng umiyak na naman si gaga.

"Broken ka na naman ba kaya ka absent ha?" Natatawa kong sabi nakakatuwa talaga pag broken kaibigan mo no?

"Tanginamo, pag ikaw mabbroken kay Justin mo tatawanan din kita." Mapang asar nya na sabi sakin.

"Bakit ako mabbroken kay Jah? Eh mahal nila kaming mga A'TIN." Sabi ko sa kanya saka nag dirty finger.

Hindi na sya nakasagot, sabi na eh asar talo si gaga.

Tumawid muna ako dahil nakakabulabog na yata ako at pumunta sa direksyon ni Dashuri.

"Pero eto na talaga, bakit ka ba kasi absent?" Tanong ko habang naglalakad sa kanya, dumikit naman sya sakin saka bumulong.

"May nangyari kasi eh.."

"Gago ka ba? Pwede na pala mabuntis sa internet love? Di ako nainform dun ah." Natatawa ko na namang sabi sa kanya.

"Tanginangyan, napakadumi ng utak." Well may point, hindi na lang ako nagsalita at nag stalk na lang kay Jah.

"Ano ba may balak ka bang makinig o wala?" Tanong nya.

"Ay, andyan ka pa pala? Ano ba kasi yon?" Sabi ko.

"Kanina kasi paggising ko..may dugo yung panty ko.." Nahihiyang sabi ni Dashuri sakin.

Puro tawa na lang ang isinagot ko sa kanya, akalain mo yon? Naka benteng jowa tapos hindi pa pala nagkakaregla, ampota.

"Anong nakakatawa?" Naguguluhang tanong nya sakin.

"Ikaw, akalain mo yon? Hindi ka pala nireregla tapos ikaw lagi broken satin." Natatawang sabi ko, hindi ko na napigilan at nahampas ko na sya at sa kasamaang palad ay bumakat ang kamay ko sa likod nya.

"Ano mga ginawa sa school?" Tanong nya.

"Uwi muna tayo dre, nagugutom na ko." Tumango na lang sya at sabay na kaming umuwi sa bahay ko. Dito na nakatira si Dashuri simula pagkabata nya parehas na kaming ulila sa magulang. Magkaibigan din ang mga magulang namin parehas silang namatay sa car accident magkakasama sila. Ang tibay ng pagkakaibigan nila no? Hanggang sa kamatayan hindi nila iniwan yung isa't isa.

Dahil wala ng mag aalaga kay Dashuri, kinupkop na namin sya ni Kuya. Ang swerte nga nya kasi kahit papaano nakita nya parents nya, samantalang ako hindi.

Nakauwi na kami at panigurado akong nandito na din si Kuya, 3pm kasi ang out nila sa school. Habang ako 6pm, kasi panghapon ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko agad ang mga nakahain sa table. Pumunta kami ni Dashuri sa kitchen at nakita namin si Kuya na naka apron at may hawak na pan.

"Kuya bakit ikaw nagluluto? Nasan si Ate Ysabelle?" Sino si Ate Ysabelle? Yaya namin sya, pero mas preferred namin na hindi sya tawaging Yaya hindi bagay sa kanya.

"Wala, nagkasakit kasi Mama nya sa province nila kaya kailangan nya munang umuwi. Babalik naman daw sya before mag end ang January." Mahabang sabi ni Kuya, hindi na ako nagsalita at naghugas na lang ng kamay saka umupo at lumamon na para bang wala ng bukas.

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now