CHAPTER ELEVEN: LQ

73 1 1
                                    

After umalis ni Kuya, nakita ko naman na agad si Ate Ysabelle na papunta samin ni Yaji.

"Bakit ka nandito, Ate?" Curious na tanong ko, maaga pa kasi talaga at first recess pa lang namin bago umuwi.

"Pinapunta ako ni Brix e, alam mo naman yon." Natatawang ani nya.

"Si Ate Heidi po?"

"Nasa bahay, nandito na din si Junard." Si Kuya Junard, sya ang driver namin. Nauna lang sya ng konti ke Ate Ysabelle at sya ang anak ni Ate Heidi.

"San ka po maghihintay Ate? Me pasok pa po kasi kami e." Tanong ko.

"Dito na lang siguro, okay lang naman diba?"

"Okay lang ba sayo, Ate? Matagal pa po kami e." Nag aalalang tanong ko.

"Oo, pumasok na kayo tumunog na yung bell oh." Ani Ate Ysabelle ngunit hinatak nya ulit ako saka bumulong. "Chikahan mo ko sa kasama mo."

Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi ni Ate Ysabelle saka naglakad na lang kasama si Yaji papunta sa room dahil nauna na si Dashuri samin.

"Finally, pwede na ring magsalita. Sino yon?" Yaji asked me nang makaupo na kami at naghihintay na lang ng teacher.

"Ate Ysabelle, Yaya namin."

"Ang yaman nyo pala?" Sarcastic nyang tanong.

"Oo, pagod na akong maging humble e." Natatawang sabi ko saka natawa na lang din.

Hindi na kami nakapag usap ulit dahil dumating na rin ang teacher namin.

Ilang oras ang nakalipas at recess na rin namin, nauna na si Dashuri na pumunta sa canteen dahil nagkaron kami agad ng activity sa science at hindi kami magkasama dahil by seating arrangement. Excited din ako sa magiging reaction ni Kuya kapag nalaman nya na si Charlie yung kasama ni Dash HAHAHAHAHAHA, malay nyo mapaamin bigla diba?

"San tayo gagawa?" Tanong ni Yaji.

"Sainyo na lang, masyadong full na kasi yung bahay e. Pupunta pa bukas yung kaibigan ni Kuya kasama girlfriend nya." Ani ko.

"Hmm..Si Dash ba?" Ay oh, nakiki Dash na.

"Dun na lang daw ke Charlie." Natawa naman si Yaji at parehas kami ng naiisip.

"What if magselos Kuya ko/mo," Sabay naming sabi habang nakatingin sa mga mata ng isa't isa saka natawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA oh my gosh, what if noh?" Natatawang kong sabi saka parehas ulit kaming natawa.

"Let's go to canteen na pala, baka nilayasan na kayo ni Ate Ysabelle."

Nasa canteen na kami ngayon at katulad nga ng iniimagine ko, nasa magkasamang table si Charlie at Dash. Sana dumating bigla si Kuya tapos makita nya tong eksena na i2. Nakita na rin kami ni Ate Ysabelle at sabay na kumain kasama si Yaji.

"San tayo bukas?" Tanong ni Yaji patungkol sa activity namin.

"Sa inyo na lang, fully booked na bahay namin e." Malaki naman ang bahay namin, pero hindi lang ako sanay na madaming tao. Sigurado din naman ako na hindi papabayaan ni Kuya na magstay si Dashuri sa bahay ni Charlie at para mangyari yon? Syempre, #OplanPagselosinsiBrixDaniel

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now