CHAPTER TWO: ANNOUNCEMENT

113 7 0
                                    

Hannah's POV

After ng nangyari kagabi ay sinabi ko lahat kay Dashuri ang mga nangyari sa school, at kung ano ano pa. Napasabi na lang sya ng "Hay..bakit ba kasi ako umabsent."

Nandito na kami ngayon sa ATIN University dahil may announcement daw, baka eto na yung about sa event.

Wala si Dashuri dahil nagpapalit ng napkin si gaga, nga pala ako nagturo sa kanya non. Akalain mo, di pa pala nireregla pero naka benteng jowa na habang ako NBSB. #kabataanangpagasangbayan

"Beng, tara na." Sabi ni Dashuri habang halatang halatang hindi sanay sa napkin dahil paika ika maglakad, kala mo inano.

"Hindot, umayos ka ng lakad mo. Mukha kang inano." Sabi ko sa kanya.

"Bakit ba kasi kailangang reglahin tayo, pwede namang lalaki na lang putangina." Tawa na lang ang isinagot ko at saka hinila sya papunta sa gymnasium para malaman na ang announcement.

Habang naglalakad kami marami kaming naririnig na tilian sa gymnasium.

"Ano meron?" Sabi ko kay Dashuri baka alam nya, chismosa pa naman si gaga.

"Bilisan na natin beng, feeling ko matutuwa ako dyan." Excited na sabi nya, feeling ko nga din kasi naririnig ko na lakas ng tilian nila.

Pagkapunta namin sa gymnasium nagtanong muna kami sa isang student kung san malalaman yung event, hindi kasi kami nakinig kasi nag chichismisan kami.

"Sa bulletin board po." Nag thank you na lang kami at pumunta na.

Nabangga pa kami sa dami ng tao na nakatingin sa bulletin board at hindi na rin kami magkarinigan dahil puro tili.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakapunta na kami. Titignan na sana namin kaso hindi talaga kami makadaan dahil sa sobrang dami ng students.

"Dash." Tawag ko sa kanya, hindi ko na rin kaya kasi may phobia ako sa mga masisikip na lugar.

"Hindi ko na kaya, a-alis na tayo please." Hingal na sabi ko sa kanya.

Dashuri's POV

Dahil hindi na kaya mag kwento ni Hannah, ako na papalit sa kanya BWAHAHAHAHAHAHA.

I'm Dashuri, maganda, pero wala pang dede. Kakaregla ko lang kasi eh. Pero dzuh, mainggit kayo ang dami ko na naging jowabells. 20 lang naman yon, na broken pa ko sa isa mukha namang paa.

After sabihin ni Hannah yan, umalis na kami. May phobia kasi talaga yan sa masisikip na lugar, nung bata kasi kami na stock sya sa elevator kaya yan nadala nya hanggang sa pagdadalaga.

Baliw yan kay Jah, i mean Justin, ayaw na ayaw nya kasi na tinatawag kong Jah si Jah feeling jowa, kala mo naman mapapansin sya. Panget pa naman kaibigan ko. Char, maganda si Hannah as in. Singkit, blonde, pero pandak. Bata pa lang sya blonde na buhok nya kaya nga madami nagkakagusto sa kanya eh. Pero hindi nya pinapansin kasi meron syang ibang gusto, kahit alam nya na napaka imposibleng maabot yon. Sapat na sakanya na madaming sumusuporta sa SB19. Wala rin pala syang dede, flat si Hannah.

Inalalayan ko na si Hannah dahil alam kong anytime matutumba na talaga sya. Hindi na kami tumuloy at nagpunta na lang sa canteen at lumamon. Dahil nga masama pakiramdam nya ay nailibre ko sya sa sobrang pag aalala, oh diba? Napilitan lang ako.

Medyo ayos naman na sya ngayon dahil hawak na naman ang cellphone at halatang kilig na kilig sa pag sstalk sa SB19, ewan ko ba dito baliw na baliw sa kanila. Pero sa totoo lang din, ang dami nagbago kay Hannah simula nung naging A'tin sya.

"Sorry ha." Nagulat na lang ako ng biglang sabihin ni Hannah yan, sya kasi yung tipo ng tao na hindi agad agad nag sosorry hanggat hindi nya alam na sya mali.

"Bakit ka nag sosorry?" Tanong ko, at saka sinubo ang burger.

"Kasi hindi natin nalaman yung announcement tapos inatake pa ko ng phobia ko." Naka pout na sabi ni Hannah, infairness ha ang cute nya dyan. Kung hindi lang ako babae baka niligawan ko na yan.

"Gago, wala yun magtanong na lang tayo kay Brix." Si Brix pala, sya ang Kuya ni Hannah. May crush ako sa kanya matagal na kaso ayokong umamin dahil alam kong may iba syang nagugustuhan, sa 20 na naging jowa ko wala namang nagtagal eh. Ginamit ko lang sila para makalimutan si Brix, kaso wala talaga eh malakas tama ko sa kanya.

Hindi na sya nagsalita at kumagat na lang ulit sa sandwich nya at ng maubos ay uminom ng chuckie na nilibre ko sa kanya, nabudol ako eh.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na agad kami dahil natatae ako.

"Brix." Tawag ko sa kanya, kinikilig ako sa tingin nya pero alam kong dapat kong pigilan dahil baka matae ako at dahil may iba syang gusto at hindi ako.

"Anong nangyari sa kapatid ko?" Kilalang kilala nya talaga kapatid nya, sya na kasi nagpalaki dito simula nung mawala mga parents namin. For sure napaka swerte ng mapapangasawa ni Brix.

"Inatake sya ng phobia nya kanina, gusto kasi namin malaman yung announcement na nandun sa bulletin board eh. Kaso ang sikip kaya hindi na rin kami nakasingit." Sabi ko habang nakatingin sa kanya habang inaalalayan nya si Hannah na umupo.

"Ahh, yung announcement ba? May party sa Saturday, celebration daw para sa 60th Anniversary ng University natin. Parang ball yata tapos may special guests and for sure maraming matutuwa." Sabi nya habang nakatingin kay Hannah. Ako ba kausap nya o kapatid nya? Medjo masakit ha.

"Anong susuotin namin?" Tanong ko, hindi na lang din ako tumingin sa kanya dahil baka matae pa ko sa panty ko tanginang regla yan.

"Gown? Or maybe dress? I don't know Dash, basta yung mga sinusuot nyo kapag may parties."

Shet this is it.. #OplanAkitinSiBrix is now my main plan. Sabi ko sa isip ko, malay mo naman diba. Grab the opportunity na.

"Anong oras? Tsaka saan?" Excited na sabi ko napatingin tuloy sya sa reaction ko at may nakaramdaman ako ng kilig.

"1-5pm, kasama nyo ko dahil hindi pwedeng may dumikit na lalaki dito sa kapatid ko at sayo din." Bakit pati ako? Tangina kinikilig na ko.

"Dahil parang kapatid na ang turing ko sayo." Haha, ayos lang ako mga tol.

"At sa University din ang venue, nakausap ko si Tita Principal kanina kaya hindi na ako pumunta sa gymnasium dahil alam kong marami na namang babaeng mga titili." Mahabang litanya nya.

Pero ayos lang, itutuloy ko pa din ang plan ko. Ang plan kong tumae. BWAHAHAHAHAHAHA.

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now