CHAPTER TWELVE: MEETING AGAIN

34 2 7
                                    

Dashuri's POV

Namiss nyo ba ako? Kung oo, i miss you too!

Maaga akong gumising dahil pupunta pa ako kay Charlie, gagawa kami ng activity. Madali lang naman sya kasi i ddrawing lang daw ang nagpapasaya sayo, ginawang by partner kasi para makilala namin ang isa't isa. Cute ba? Na ccutan ako e.

Hulaan nyo na lang pagmumukha ni Charlie, tinatamad akong mag desribe.

"Dash, kain na." Si Ate Ysabelle matapos makitang gising na ako. Nasa guest room pa rin kasi ako, di bale at bukas babalik na rin naman ako samin ni Hannah.

"Anong oras na, Ate?" Tanong ko dahil nakalimutan kong icharge ang phone ko kagabi.

"10am na, hindi ka na namin ginising kasi ayaw kang ipagising ni Brix."

"Si Hannah po?" Tanong ko saka bumangon na.

"Ayon, mahimbing pa ang tulog. Nakakatakot gisingin dahil baka magwala." Natawa na lang kaming pareho sa huling salitang binitawan ni Ate Ysabelle. Sa aming lahat, si Hannah ang pinakamahirap gisingin at kapag ginising mo sya at maganda ang dreams nya? Humanda ka ng mabato ng kung ano mang mahawakan ng kamay nya.

"Andyan pa po ba si Brix?" Wag nyo na kong tanungin bakit tinatanong ko si Brix, concern lang ako.

"Oo, hinihintay ka sa dining table." Talaga?????

"Kumain na po ba kayo nila Ate Heidi?"

"Tapos na, kumain ka na rin." Tumango na lang ako saka naglakad na papuntang dining table.

Nakita naman agad ako ni Brix at umayos sya ng pagkaka upo. Naka white shirt lang sya tapos basa pa yung buhok nya.

"Enjoying the view?" Nagising lang ako sa katotohanan ng marinig ko ang boses ni Brix.

"H-ha? Hindi." Nagmamadaling sabi ko at kung minamalas ka nga naman nautal pa.

"Hmm, I'll go with you." Biglaang sabi nya kaya naestatwa ako for 59 seconds.

"Akala ko ba meron kayong gagawing project dito sa bahay?" Tanong ko.

"Change of plans." Maikling sagot nya saka nauna ng maglakad kaya hindi na ako nakatanggi. Wala rin naman akong balak tumanggi.

Hannah's POV

Nagising ako sa yakap ni Ate Ysabelle, natatakot kasi sya na gisingin ako kaya niyakap nya na lang ako at successful ang kanilang plano.

"Si Kuya Brix po Ate Ysabelle?" Naguguluhang tanong ko dahil alam kong meron silang gagawing project ni Dave dito sa bahay.

"Magkasama silang umalis ni Dashuri kanina." Nakangiting sagot ni Ate Ysabelle na parang kinikilig.

"Ha? E diba po meron silang gagawing project ni Dave?"

"Change of plans daw, baka sinamahan si Dash. Grabe pala makabakod Kuya mo, Ally." Ani Ate Ysabelle.

"Grabe nga, torpe naman." Wala sa sarili kong sabi at huli na nang marealize kong narinig pala ni Ate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now