CHAPTER SIX: CLIP

54 5 0
                                    

Hannah's POV

Monday na ngayon 2 days after mangyari ng incident na yon. After din nung nasa clinic ako, mas lalo ko rin silang nakilala. Nagkaron kami ng mini fan meet at feeling ako na pinaka maswerte na tao nun. Isipin mo, sa dami ng fans nila ako yung nagkaron ng chance na makausap sila ng matagal. Hindi rin namin pinag usapan ni Kuya Brix or Dash ang nangyari.

Bumangon na ako sa kama ko at bumaba na para kumain.

"Hi, Ate Ysabelle." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Hello Ally, kain ka na." Ani Ate Ysabelle saka niyakap ako, niyakap ko rin naman sya pabalik.

Ako ang kumalas sa yakapan namin dahil nakitang kong hindi pa kumakain si Kuya Brix at Dashuri.

"Good Morning, My Princess." Bati ni Kuya Brix sakin nang makaupo ako.

"Morning, Kuya."

Hindi na nagsalita si Kuya kaya kumain na lang ako. Habang kumakain ako napansin ko na panay titig si Dashuri sakin, parang may gustong itanong pero nahihiya lang.

"Bakit ka nakatitig sakin?" Sabi ko habang sinubo ang natitirang tinola.

"Anong nangyari sa clinic?" Si Dash.

"Bakit silang tatlo lang?" Si Dash.

"Oo nga, nasan si Pablo tsaka si Ken?" Si Kuya.

"Bakit daw sila nandun sa school natin nung friday?" Si Kuya.

Sunod sunod nilang dalawang tanong, hindi naman ako na orient ma may pangarap pala sila maging interviewer.

"Chill dudes, ubusin ko muna yung pagkain ko. Okay?" Hindi na sila nagsalita kaya tinapos ko na lang ang pagkain ko saka sinagot ang mga tanong nila.

"Alam nyo ba ang tangkad ni Jah? Tapos si Kuya Stell naman, napaka sweet pa din. Si Kuya Josh naman, maangas pa din." Nakatingin kong sabi sa picture ng SB19 habang nag iimagine.

"Umay sayo." Sabi ni Dashuri, palibhasa di nya pa nakikita BTS. Napakabitter.

"Anong nangyari nga sa clinic? Diba magkakasama kayong apat?" Curious na tanong ni Kuya Brix.

"Nagkaron ng mini fan meet, mas lalo ko silang nakilala. Parang lahat yata ng about sa group nila nasabi nila sakin kasi yung iba hindi ko pa naririnig sa interviews nila. Tapos nagpapicture ako sa kanila."

"Pwede pala magpapicture sa kanila?" Tanong ni Kuya Brix.

"Pwede naman Kuya, kung makapal mukha mo diba. Syempre ako kinapalan ko na, sayang naman kung hindi ako makapagpapicture." Sabi ko saka kinuha ang cellphone at pinakita sa kanila ang mga pictures namin, hindi ko pa din to nakikita kasi gumawa lang ako ng assignments and projects ko.

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now