CHAPTER NINE: STALKER

48 3 0
                                    

Hannah's POV

Malapit ng magbell, ito na ang pinakahihintay ko dahil maglalagay na ako ng napkin. Oo, kung naiimagine nyo for sure eww.

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko kaso biglang nagsalita si Yaji.

"Ako na," Hindi ko naman naintindihan yung sinabi nya kaya hindi na lang ako nagsalita.

Nakita ko naman na lumapit sya kay Chase at halatang kinikilig si gaga.

"Chase," Tawag nya dito. "Meron ka bang pad?" Nung una hindi pa nagegets ni Chase yon kaso biglang nagpa cute si Yaji.

"Hoy!" Patiling sabi ni Chase. "Trans ka?" Seryosong tanong nya.

"Hindi, para kay Hannah." Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan ko ay bigla akong nagising sa katotohanan, pero hindi ako tumayo.

Pagkaabot ng napkin ay saka ako nagtatakbo papunta ng CR at dun ko na confirm na sobrang dami ngang dugo, yuck.

After ng palitan serye, naglakad na ako papunta ng room dahil recess na.

Pagkapasok na pasok ko sa room ay kaagad na bumungad ang mga babaeng nasa kabilmg section at pinagkakaguluhan si Yaji.

Sa bagay, gwapo din naman talaga si Yaji. Matangkad, siguro mga 5'6? Hindi ako sure sa height nya pero magkasing tangkad sila ni Kuya Josh, feeling ko tuloy sya yung kasama ko. Maputi din sya, mabait at approachable. Siguro ayaw nya lang ng maraming babaeng nakapaligid sa kanya, halatang naiirita na itsura nya e.

"Aba mabuti naman dumating ka na, tara bili na tayo sa canteen." Ani Dash habang nag aayos ng gamit.

"Tara na, bagal bagal mo." Ani ko.

Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Yaji sakin at naiwang nakatingin ang mga mata ng babaeng haliparot ng kabilang section.

"Pwedeng sumabay? Hindi ko pa kasi alam san dito yung canteen eh." Oo nga naman, transferee e.

"Sige, palitan ko na lang yung jacket mo ha?"

"Kahit wag na, luma na rin naman yon." Luma? Eh parang kakabili nga lang.

"Tara na, gutom na ko." Sabi ko kay sakanila, nauna na kaming maglakad ni Yaji dahil ang bagal ni Dash mag ayos ng gamit.

"Gosh, ang gwapo pala talaga ni Yaji!!"

"Ang swerte talaga ni Hannah, noon SB19 ngayon naman si Yaji, sino naman kaya susunod?"

"Ship ko na sila."

Ilan lang yan sa narinig ko na sabi nila at alam ko na narinig din yan ni Yaji. Hindi ko na lang pinapansin dahil alam nyo naman kung sino ang tinitibok ng puso ko, kahit na napakaimposible. Tsaka okay ng umiyak sa kanila kesa sa taong di naman worth it iyakan.

Pumila na kami at sa kasamaang palad ay napunta kami sa dulo. Malas naman talaga ng araw na to.

"Damn it," Pabulong na sabi ko pero narinig yata ni Yaji dahil napatingin sya sakin.

"Ako na, umupo ka na lang."

"Sya lang? Hoy andito din ako, ganto ba ko kapangit para hindi mo mapansin?" Ani Dashuri habang nag ppout. Tanginang yan, mukhang tuko.

"Itigil mo yan, baka mawalan pa ako ng gana kumain." Seryoso kong sabi kay Dash na ikinatigil naman nito.

"Anong kakainin nyo?" Ani Yaji.

"2pcs hotdog waffle, pancakes, sprite and piattos yung sour & cream." Sabi ko at pumunta na sa favorite spot namin.

Pauwi na kami ngayon ni Dash at suot suot ko pa rin yung jacket ni Yaji. Papalitan ko na lang kesa naman ibalik ko pa sa kanya, nakakahiya puro dugo.

"Nga pala teh, san mo nakuha yung jacket? Wala ka namang suot na jacket kanina ah. Tsaka bakit parang magkakilala kayo ni Yaji? Akala ko ba si Justin lang?" Sunod sunod na tanong ni Dashuri habang nakatingin sakin.

"Tanong mo kay Yaji." Ani ko.

"Hindi naman kami close e." Sabi nya.

Hindi ko na sya sinagot kaya hindi na rin sya nagsalita. Badtrip lang talaga ko sa mga nangyari sakin ngayong araw. Hiyang hiya pa rin ako kay Yaji.

"Hoy teh, diba taga Malabon din si Justin mo?" Napatingin ako ng nakangiti sa kanya kaya natawa sya sakin.

"Oo."

"Weh? San dito?" Tanong nya ulit.

"Malapit lang satin. 2 streets away lang." Sabi ko habang nakatingin sa kalsada. Medyo gabi na din kasi, hindi na kami nasundo nila Yaya dahil nagkaproblema daw yung car.

"Gago? Bakit alam mo?" Gulat na sabi ni Dash habang nakatingin sakin.

"Syempre, fan ako e." Hindi ko na tinapos yung sasabihin ko dahil hindi pala pwedeng sabihin yon.

"Talaga ba?" Dashuri said, alam kong hindi sya kumbinsido sa sagot ko pero mabuti na lang at hindi nya na din ako kinulit pa.

Maya maya pa ay may napansin ako, parang may sumusunod samin. Lumapit naman ako sa kanya para sabihan ang naiisip ko.

"Parang may sumusunod satin." Bulong ko dito.

Naramdaman ko namang kinabahan sya dahil napahawak sya sa kamay ko.

"Umuwi ka na, ako nang bahala dito." Ani ko.

"Gago, tanga ka ba? Pano pag kinidnap ka nyan, edi ako mayayari kay Brix dahil pinabayaan kita? No way." Ani Dashuri habang nakapulupot ang braso sakin.

"Tanga, hindi naman ako kikidnapin nito." Pagpupumilit ko habang inaalis ang nakapulot na braso nito sakin.

"Sure ka? Sabi mo yan ha," Sabi ni Dashuri saka nagtatakbo palayo.

Grabe iniwan talaga ako, tanginang kaibigan yan. Pero chill lang ako, bahala sya dyan kung kelan galit ako sa lahat saka sya mang ttrip.

Nararamdaman ko na nasa likod ko na sya, at dahil wala ako sa mood ay naisipan kong maghalungkat na lang sa gallery.

"Mahal..san ka na?" Kilala nyo? Oo, tama kayo ng iniisip. Si Jah nga, sinave ko to sa tiktok at hindi ko inaasahan na sa sitwasyong ganito ko pa magagamit.

Napansin ko naman na medyo lumayo yung stalker kaya naglakad na lang ako hanggang sa makarating ako sa bahay.

THE DIE HARD FAN AND THE IDOLWhere stories live. Discover now