CHAPTER TWENTY ONE

1.9K 43 10
                                    

Sabado na ng umaga, pero hindi pa rin nakakatulog si Gerald, halos limang araw na siyang walang maayos na tulog, frustrated na siya dahil talagang hindi na sya tinawagan ni sarah, galit na rin ang nararamdaman nya, maybe she doesn’t love me anymore isip ni Gerald sa sarili. Bumaba siya ng kanyang bahay nakaramdam na kasi sya ng gutom, wala syang nakita sa fridge and pantry nya lalabas sana sya para bumili ng pagkain ng Makita nya ang vodka na ininom nila kinagabihan ng barkada, halos kalahating baso pa ito, walang hirap na tinungga nya ito at dumerecho ng bathroom para maligo.

Pagka tapos nya maligo ay narinig nya na tumunog ang phone nya, 20 missed calls and 15 messages… kinabahan si Gerald at tiningnan ang mga ito… puro si ate nhila lang… lalong nakaramdam ng galit si Gerald ibabato na sana nya ang phone ng mag ring ito at aksidente nyang nasagot ito…

“gerald!!!!” galit na sabi ni ate nhila “where are you?? Twenty minutes late ka na!!! pinag hihintay mo mga co artists mo! May rehearsal ka ngayon! What is wrong with you! Ilang araw ka nang ganyan! Late ka sa photo shoot the other day! Montik ka na din ma late sa ibang commitments mo! Pati ngayon ganun ulit? Ano ba?” naaasar na tanong ni ate nhila kay Gerald.

“oo na im coming! Give me 20 minutes” and he hung up…

Pagka dating ni Gerald sa rehearsal agad naman syang napansin ng mga co actors nya, binati sya ng mga ito, pinuntahan nya si teacher georcel para humingi ng pasensya.

 “sorry ate ah, masama lang talaga pakiramdam ko” sabi ni Gerald

Nawala ang pagka inis ni teacher G. ng Makita nya si Gerald, naawa sya ng marinig ang boses ni Gerald… “okay ka lang ba ge? You look sick? Tanong nito sa binata

“Im okay po, rehearse na tayo?” tanong ni Gerald

“sige 15 mins break pa naman eh” sagot ni teacher G.

Pag pasok ni ate nhila sa rehearsal room ay hinanap nya si Gerald, nakita nyang nakaupo ito sa gilid… malayo ang tingin, nilapitan nya ito.

“Gerald, okay ka ba?” tanong nya kay Gerald

“ate, pasensya na ah… medyo sumasakit ang tiyan ko… pero ok naman ako, pasensya na ah lagi akong late…

“okay lang yun… pero ge uminom ka ba? Amoy alak ka kasi???

“hindi… don’t worry about me ate nhils sige na okay lang ako dito” sagot ni Gerald

“ay hindi alam mo umuwi ka na kakausapin ko na lang ang asap staff pati na rin si teacher G. you’re a mess ge, pinag titinginan ka na dito! Tingnan mo yung face mo, hindi ka man lang nag shave, ang dungis mong tingnan tapos amoy alak ka pa!”

Kinausap ni ate nhila si teacher G. pumayag naman ito na pauwiin na lang si Gerald dahil kita naman na hindi maayos ang kalagayan nito.

Magpasya na si ate nhila na siya na ang mag uuwi kay Gerald, hindi na nagreklamo si Gerald dahil talagang sobrang sakit na ng tiyan nya first time nya na feel ang ganitong sakit sa stomach… halos maluha luha na sya habang nasa kotse sya ay hindi na nya napigilan napayuko at napahawak na sya sa tiyan nya sa sakit… “Gerald! Okay ka lang? ano may masakit ba? Saan? Ge???” napapasigaw na tanong ni ate nhila kay Gerald… biglang nawalan ng malay si Gerald at napaiyak na si ate nhila, sinabihan nya ang driver na iderecho na sa makati med si Gerald.

Pagka raan ng isang oras nakausap ni ate nhila ang doctor…

Doctor tan: well hes okay naman, over fatigue kaya nawalan ng malay, wala rin laman ang tiyan nya hes also got mild gastritis… curable naman… sobrang acid sa katawan dala ng alak and hindi pagkain ng tama, we’ll wait for him to wake up to get him tested again, pero for now I asure you na hes ok.

IF... (sasa-gege love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon