"Bili na Tin sama mo na kami sainyoo!!" Pagpupumilit ni Cory at Camil na isama ko sila sa bahay namen. Simula ng matapos ang last subject namen wala na silang ginawa kundi magmakaawa na sumama.
"Okay fine! Pero hep! Kkb sa pamasahe." Pumayag ka nalang Tin maririndi ka lang sakanila. Breathe in, breathe out.
"Yehey!!"
"Yey!!"
Sabay na napatalon ang dalwa sa tuwa. "Salamat Tin!! Hulog ka talaga ng langit!" Cory almost kiss my cheeks ng iharang ko ang palad ko.
"Baka hulog ng demonyo." Napairap nalang ako. Manguuto pa eh nauto nanga. Mambobola pa d naman totoo.
Hay jusko anong meron sa kaibigan ko?!
Tumawag na kami ng taxi at sumakay na. Walang nangyareng gulo samen ni Mateo pagkatapos nung eksena namen after lunch. Mukang nawala sya sa mood. Dba shala ang kuya nyo!! First day na first day sa school bully agad. Sarap nyang ilibing ng buhay eh. Contact na kaya ako sa St. Peter?
"Titaa!! Nandito na po kami!!" Malakas na sigaw ni Camil habang nasilip sa bintana ng kapitbahay. Inaasahang makikita si Mateo at ganun din si Cory.
Ewan ko ba dyan kay Cory andaming crush.
Pumasok na kami sa loob ng bahay ay este ako lang pala. Nagpaiwan ung dalawa sa labas para daw magpahangin kahit mainit naman talaga.
Sus gusto nyo lang makita eh.
"Oh anak nandyan na pala kayo. Kasama mo friends mo?" Mama ask when I entered the house.
"Opo ma." I kiss her cheeks as a respect. Hinubad ko naren ang sapatos ko at inilapag ang bag nina Camil sa sofa.
Diba sila na nakauto sila pa umutos.
"Oh bat ayaw mong papasukin?" Mama ask ng di niya napansin na pumasok ung dalawa.
"Ayaw nila ma. Pano sinisilip nila ung bagong kapitbahay naten dyan." Pagrereklamo ko kay mama.
"Ay speaking of kapitbahay!" Pumunta si mama sa kusina at dali daling tiningnan ang kaniyang niluluto. "Halika anak! Tulungan mo 'kong magluto dito ng paborito mong ulam!" Sigaw niya mula sa kinaroroonan niya.
When I heard cook biglang nagliwanag ang aking mga mata. Gustong gusto ko talaga ang magluto! Pagluluto ang nagtatanggal sa mga stress ko sa buhay!
Lumapit na ako kay mama at tinulungan na siya, mabuti nalang at kakasimula palang niya kaya alam kong ako narin naman ang magluluto nito at magbabasa nalang si mama sa office niya.
"Pagkatapos mo dyan, dalhan mo ng ulam ang kapitbahay..." ha? 'Bat dadalhan pa? Wala ba silang ulam?
Ayaw!!
"Mama sigurado ka? May ulam naman ata silang iba e, masasayang lang tong luto ko!" Pagdadahilan ko. Ayaw ko talagang pumunta dun. Tas ang magbubukas si Mateo? Ghad baka itapon ko pa sa muka niya tong ulam eh.
"Ay jusko anak wag nang madamot! Hatidan mo sila mamaya." Wahhh!!! Hindi ako makalusot kay mama!! No choice ako kundi dalhin tong niluluto kong ulam sakanila!!
BINABASA MO ANG
Bitterness Between The Feelings (Taste Series#1)
Teen FictionMagmamahal ka pa eh masasaktan ka lang naman diba? Hindi ako tanga para maging tanga. Gets nyo? Bahala kayo diyan. Hindi ako tutulad sa iba na magmamahal at magmamakaawa na wag iwan nang dahil lang sa isang pagkakamali. Hindi lang isa. Kundi dalwa o...