Kringg!! Kring!!
Agad kong pinatay ang alarm clock ko. "Hanep lunes nanaman may pasok nanaman. Nakakatamad!" Reklamo ko sa sarili ko kahit liping pa. Ansarap matulog kaso di pede kasi may pasok.
Agad akong tumayo at kinuha ang tuwalya para maligo. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bathroom nagtoothbrush agad ako sabay deretso sa shower.
Anlamig naman ng tubig nakakatamad.
Reklamo ko sa utak ko. Well sorry na, normal akong tao tinatamad din ako minsan. Sino bang hindi tatamadin? Napakalamig ng tubig, wala pang heater.
Pagkatapos maligo sinuot ko na ang uniform namen. Kulay dark blue at above the knee lang ang skirt namen at longsleeve na blouse with a dark blue blazer and a matching necktie na may logo ng school namen with white long socks. D'ba shalang uniform namen. Totoo kasi nan uniform lang talaga ang bet ko sa school namen. Korean style kase kaya bet ko haha.
Pagkaayos ko ng lahat bumaba na ako sa kusina.
Pagdating ko sa kusina nakita ko si mama na nagluluto ng breakfast ko. "Good morning ma" bati ko.
"Oh! You're awake na. Here this is your breakfast." Inilapag ni mama ang food ko sa lamesa saka ako naupo sa upuan.
"Aalis na ako Tin ha! Baka malate nanaman si mama eh. Ingat baby!" Mama kissed my cheeks.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nagchecheck ng notifications sa facebook account ko nang napansin ko ang oras.
"Naku late na pala ako ghad!" Dali dali kong inayos ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo. May darating naman na tagalinis mamaya kaya sya nalang muna ang bahala.Agad akong lumabas ng bahay para kumuha ng taxi but then nung nahawakan ko na ang door ng taxi ay may humawak naman sa kamay ko. Sya ung bagong lipat sa tabing bahay namen. "Hey! Ako ang nauna!" Pagtataboy ko sakanya.
"Anong ikaw? Ako kaya unang nakakita dyan." Pagtataboy naman niya saken. Argh 'ghad nakakairita ung muka nya pero medyo pogi. Tas ung mata niya ang ganda brown na brown parang pag tinitigan ka niya ay parang matutunaw ka nalang bigla. Teka ano ba tong pinagsasabi ko? D ko dapat magpadala. Remember your promise.
"Pero sino ba unang nakahawak? Diba ako?" Pagtataray ko. Tinulak tulak ko na siya gamit ang isang kamay ko. Pero masyado syang malakas kaya di ko kaya. Nang naisip ko ang isang kalokohan.
"Ah ayaw mong bumitaw ha." Banta ko. Kinagat ko ang labi ko at saka inapakan ng malakas ang paa niya.
Napabitaw naman siya sa kamay ko at napaupo sa sakit ng apak nya. "Wala ka pala eh." I flipped my hair at saka pumasok na sa taxi.
Pagkapasok na pagkapasok ko ng taxi sinabi ko na agad kung saang school ako. Pinaandar naman agad nung driver ung taxi. I feel guilty dun sa boy. Sana naman makalakad pa siya sa ginawa ko. Promise bukas na bukas pag nakita ko sya uli magsosorry ako.
Pero sana wag na, kasalanan din naman niya yun kung bakit siya nasaktan eh. Sinabi nang ako ang nauna nagpupumulit parin, yan napala niya. Magsosorry naman ako pag nakita ko siya pero sana hindi talaga.
Nakarating ako sa St. Lukes High ng 30 mins late. Hanep kasi ung lalake nakipag agawan pa. Hindi ba niya alam ang 'lady's first'? My ghad teka papaalam ko. Pagkababa ko sa taxi kahit hirap dahil sa bag tumakbo ako hanggang sa kaya ko. Dami kasing palibro ng school na to. Akala ata nila elementary parin kami. Duhz seniorhigh na po kami ms. Principal.
Pagkapasok ko sa room nandon na ang professor buti nalang at nagaattendance palang siya. Hindi ako napansin ng teacher dahil busy nga sya sa attendance book niya." Tinley Skipton!" When professor called my name eksaktong kauupo ko lang sa upuan ko. Nasa pinakadulo ako nakaupo and may vacant seat sa tabi ko.
"Present maam." Napatingin saken si Camilla Vinxant with a excitment smile on her face mukang may bago syang chika. Camil is my friend na laging advance sa chika. Bago kumalat sa school ang isang chika alam na nya agad. As well as Cory Ortiz na kapapasok lang ng room.
Napapunta sakanya ang attention ni professor. dahil sa pagbukas ng pinto. "Miss. Ortiz your late again!" Seryosong sabi ng prof namen.
"Sorry maam. Traffic." Pagpapalusot niya, kahit hindi naman talaga.
"Sit down." Cory sat down in her chair as what the professor said. Cory Ortiz. She is a type of people na tahimik pero wag mong sisimulan. Ikaw ang susuko sa pagkamaldita nya. Madaming takot diyan pero lapitin din ng mga lalake, challenge daw kase.
Hiwa-hiwalay kami ng upuan dahil alam nilang pag kami ang nagkatabi ay hindi kami makikinig dahil sa chismisan namen. Ilang beses na kaming nadedetention ng dahil don.
Nakakaantok naman kung makikinig kami sa lesson nila, mas mabuti pang makipagchismisan ka kaysa matulog.
While our professor was disscussing, bumukas ang pinto and our attention goes to the boy that entered our room.
"And who are you mister?" Mataray na tanong ni maam.
Familiar saken ang mata ni boy. Pati narin ang hubog ng muka niya. Nanlaki ang mata ko na makilala ko siya
Ohmyghod! it can't be sya ung lalaking inapakan ko kanina.
"Uhm sorry maam for disturbing your discussion. But I am the new student." What?! He is the new student? Ghad di ko nga alam na may bagong student tas malalaman ko siya pa?
"Oh it is you? Then why are you late? First day mo diba? Dapat inagahan mo man lang." Irap ng professor namen. Ayan maam goods yan irapan mo lang.
"Sorry maam. Pero meron po kasing umagaw sa taxi na SASAKYAN ko." He emphasize the word 'sasakyan' and then look at me. Napalaki ang mata ko ng makita niya ako agad. Ambilis naman maglibot ng mata nito para makita agad ako. Napayuko nalang ako at nagkunwaring nagsusulat para maalis ang tingin niya saken.
Hindi na. Hindi na ako mag sosorry sakanya. Para saan pa? Mukang di rin naman niya tatanggapin ang sorry ko and besides di rin naman kami magpapansinan niyan.
"Okay." Humarap muli samin si Professor at ung lalake naman ay nagpunta din sa harap. Ipinatong naman ni prof ang chalk niya sa table niya at humarap sa lalake pagkalapit.
"Please introduce your self.""Good morning I am Mateo Winslow. I dont need your care because I can take care of my self, lets just be friend, that's all." He slighty bow and smile pagkatapos niyang mag introduce. Matangkad sya at sa tingin ko ay hanggang baba nya ako. He also have a messy hair na mukang kagugulo lang mula sa ayos kanina. Nastress siguro saken pft. He wear our uniform that dark blue slacks. Habang ang polo naman ay naka tuck in with a dark blue blazer. Then may necktie din syang katulad ng amen na may logo sa dulong gitna.
"You may now take your seat." Muling nilibot ni Mateo ang kanyang mata ng makita ang dalwang vacant seats. Isa sa tabi ko and isa dun sa harap. He smirk at me and walked towads me. I mean sa vacant seat. Sumunod naman ang mata ng mga kababaihan samen. Diba harot lang.
"Well hello again miss taxi." Mapangasar niyang bulong saken pagkaupo niya.
My ghadd bat dito pa?! Pede naman dun sa harap nalang sya kainis naman eh. Gusto ko sanang palayasin kung pede lang kaso hindi talaga eh. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko.
"Ehem!" Muling kinuha ni professor ang attention ng mga kaklse ko na nakatitig kay Mateo. Shala gwapo ng koya nyo. Napairap nalang ako sa naisip ko. Lalo na sa mga titig ng mga kaklase ko. Para silang nasamba kay Mateo. Tas ung mga titig nila saken? Akala nila aagawin ko sya at handa silang patayin ako ng buhay makuha lang sya? As if naman na magiging kami ng mokong na yan. Eh di hamak na mas pogi pa diyang ang crush ko eh. Happy crush lang naman, wala akong balak patusin.
Tss inyo na yang swapang na lalaking yan kala nyo ha!
----------------------
---------------Thanks♡
BINABASA MO ANG
Bitterness Between The Feelings (Taste Series#1)
Teen FictionMagmamahal ka pa eh masasaktan ka lang naman diba? Hindi ako tanga para maging tanga. Gets nyo? Bahala kayo diyan. Hindi ako tutulad sa iba na magmamahal at magmamakaawa na wag iwan nang dahil lang sa isang pagkakamali. Hindi lang isa. Kundi dalwa o...