"Ano po 'to?" tanong ni Juanito habang tinitignan ang isang pirasong french fries na hawak niya.
"Fries, kain na." sabi ko sakanya habang nakangiti, nasa McDonalds kami ngayon, nakakaawa naman kasi tong si Juanito, hindi pa raw siya nakakarating dito.
"Ay may ibibigay nga pala ako sayo." sabi ko sa bata at agad naman siyang ngumiti, binigay ko sakanya ang laruang nabili ko, Minions siya, siguro matutuwa to.
"Salamat po ate!" kinuha niya ang laruan at pinagpatuloy ang kain. "Ano pangalan mo po?" tanong niya saakin.
"Scarlett, Ate Scarlett nalang tawag mo saakin." sabi ko, "Sige po." sagot niya.
Ilang minuto pa at natapos din kami kumain, "Juanito mag-babanyo lang ako ha, wag kang aalis diyan." sabi ko sa bata.
Tumango siya at nginitian ako, pumunta na ako sa C.R. umihi ako at nag-hugas lang ng kamay. Inayos ko narin ang make-up ko para kahit papaano presentable ako tignan.
Bumalik na ako sa upuan namin pero nawala si Juanito. Tinignan ko ang paligid at tinawag pangalan niya pero wala siya eh.
Naiwan yung laruan niya sa lamesa pero ni isang bakas niya ay wala roon. Medyo nag panic na ako kaya nag tanong-tanong ako sa mga tao.
"Kuya guard may nakita ka po bang batang hamog na lumabas dito? around 5 to 6 years old po tapos madungis." tanong ko sa guwardiya.
"Opo ma'am, kani-kanina lang umalis may kasamang dalawang babae na mataba, ka ano-ano niyo po yung bata?" tanong saakin ng guard.
Nako! baka kung ano na nangyari sa batang yun! "Sige salamat po kuya." hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay ako ng jeep papunta sa malapit na police station.
Nakarating naman ako kaagad doon, ilang hakbang palang ako papunta sa police station ay may sumitsit saakin.
Lalaking madungis din at sinabi niyang may naiwan akong gamit, lumapit ako sakanya at tinanong kung ano yun.
"Naiwan mo po yung wallet mo 'te." sabi niya at itinuro ang pitaka na nasa sahig malapit sakanya.
Pupulutin ko na sana ang pitaka nang bigla niya akong takpan sa bibig. Nagulat ako kaya tinry kong sumigaw, pero bigla nila akong dinala sa van.
Diyos ko ano pong nangyayari?! "Huwag kang sisigaw kundi may mangyayaring masama." kalmadong sinabi ng lalaking nanguha sakin at tinanggal ang kamay sa bibig ko.
"Ikaw nanaman?!" tanong ko sa katabi ko at siya rin yung lalaking may-ari ng baril kagabi. "Sino ba kasi kayong lahat?!" sigaw ko sakanila, dalawang lalaki lang ang nakikita kong nandito.
Isang driver tapos itong katabi ko. "Manahimik ka nalang, napagutusan lang kami." sabi ng driver at nagdrive na papalayo sa lugar.
"Bakit niyo ba kasi ako kinikidnap?! like seryoso ano ba?!" naiirita kong tanong sa dalawa. "Masyado kang madaming tanong! busalan mo 'yan!" sabi nung driver sa katabi ko.
"Wa-" hindi pa ako nakakapag-salita ay tinakpan na agad ng katabi ko ang bibig ko, at tinalian niya ng tela ang mata ko para hindi ako makakita.
My goodness ano ba tong nangyayari saakin?! Halos isang oras ang nakalipas at tinanggal ng takip sa mata ko.
Maganda ang paligid, may isang modernong malaking bahay then may garden at swimming pool. Parang lugar na hindi mo pag-iisipan nang masama.
"Ipasok mo na yan." utos nung driver at inilabas na nila ako sa kotse. "Saan niyo ako dadalhin?! mga walang hiya kayo!" sigaw ko sa dalawa habang pinapasok nila ako sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Two faced man | Bamboo Mañalac fanfiction
FanfictionSTORY LINE: Bamboo works as a popular singer in the Philippines, but people has known him for being such a private person. Behind that mysterious personality of his hides the secret job of him along with his ex-bandmates from Rivermaya. But that doe...