January 2, 2017
Scarlett Valle's POV
"Lumayas ka sa pamamamahay na 'to! salot!" sigaw saakin ng bagong asawa ng tatay ko na si Marites, imaginin mo twenty-five palang siya pero ganyan niya ako pagsalitaan!
And up to this day hindi ko parin mawari kung bakit magpapakasal si Papa sa mas bata pa saakin! Marites is eight years younger than me! walong taon! can you imagine that?!
"Punyeta ka! maninira ka ng buhay! kung nandito lang talaga si mama!" sigaw ko sakanya habang kinokolekta ang mga tinapon niyang gamit ko.
"Wala akong pakialam! pinakasalan ako ng tatay mo at malaki na ang karapatan ko sa bahay na 'to! layas!" sigaw niya saakin at balak pa ata akong sampalin.
Tinignan ko nalang si Marites nang masama at umalis na sa bahay ng tatay ko.
Sabagay, sa tanda ko ba namang' to? I mean, medyo understandable kung bakit ayaw niya akong patirahin na roon, but that doesn't mean pwede niya akong ipagtabuyan nang ganoon!
Either way, I will definitely cut off toxic family members, wala na akong pakielam kung ano pang sabihin nila.
I'm a grown ass lady I could do whatever I want! Atsaka biruin mo, bagong taon na bagong taon wala akong matutuluyan!
Lahat pa naman ng kaibigan ko naiwan sa America, and kung hindi niyo naitatanong, half american ako, nakatira kami sa Vail, Colorado, you know the mountain village.
Anyways ayoko na balikan pa ang childhood ko, nandito na ako sa Pilipinas eh, lumipat kami rito nung eleven years old ako, kasama ko mga kapatid ko and si mama, but unfortunately she died twelve years ago.
And now napalayas ako nang ganoon-ganoon lang because ayaw saakin ng mother-in-law ko kuno! Okay, for now I've got no where to go!
Actually jobless nga ako ngayon kasi natanggal ako roon sa pinapasukan kong cafe sa may QC, eh hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit may ipis yung kape nung isang customer!
Yung mga kapatid ko naman may sari-sariling pamilya na, I am really on my own. Nowhere to go, and hopeless.
-
Dahil sa kalalakad ko simula kanina pang hapon, nagutom ako, gabi na at hindi pa rin ako nakakapag-hapunan.
Sakto naman at napadaan ako rito sa Burger King dito nako mag-didinner, may ipon pa naman ako sa wallet ko pero five-thousand nalang 'to. Saan naman kaya ako madadala ng five-thousand?
"Isang X-tra long chicken and large drink." sabi ko sa cashier habang nakangiti. Sumang-ayon naman siya tapos nagbayad na ako.
Since katatapos lang ng bagong taon ngayon ay madaminh tao, kaya pinapaupo muna yung iba sa bakante para mag-hintay.
Well nangawit ako so umupo na ako roon, nilinga-linga ko ang mata ko para naman maiwasan ang boredom, lowbat na kasi yung cellphone ko and wala naman akong machachargan.
Malas right? bwiset kasi tong Marites na 'to. If it weren't for Papa sinampal ko na yung babaeng' yun.
Hindi ko namalayang twenty minutes na pala nakakalipas and wala pa rin order ko, seryoso ba 'tong Burger King na' to?!
Ayoko naman makipag argue sa staff because it will cause a scene and magmumukha akong tanga rito.
Well I decided na lumabas muna para bumili ng maiinom, medyo madilim sa shortcut na dinadaanan ko eh pero ayos na 'to kaysa mag hintay nanaman ako sa Burger King.
Habang kinakapa ko ang lakad ko sa dilim ay may natapakan akong matigas na object, natalisod din ako rito kaya kinuha ko ang phone ko at finlashlightan kung ano ba' tong natapakan ko.
Pinulot ko 'to at sinuri, baril? kaninong baril to? mabigat at solid siya, so hindi ako nagkakamaling totoong baril 'to.
Hindi pa ako nakaka-imik sa kinatatayuan ko ay may biglang sumulpot sa likod ko at sinabing "Ibalik mo sakin yan at wag kang magkakamaling mag-sumbong sa pulis kundi ay papasabugin ko ulo mo."
Nanlamig ako sa narinig ko, "Please kuya wag mo po akong saktan, homeless lang din ako, wala akong pera!" sigaw ko habang nanginginig sa takot.
Humarap ako sakanya at ibinalik ang baril, nakita ko ang mukha niya at medyo mukhang pamilyar siya... hindi ko lang mawari kung sino 'to.
Pagka-kuha niya ng baril ay agad naman siyang tumakbo at iniwan ako, nakahinga ako nang maluwag at hinding-hindi na bumalik sa direksyon na' yun.
Iniwan ko na rin yung order ko sa Burger King, di bali nang magutom ako kaysa bumalik ako sa lugar na 'yun. It's so terrifying kaya.
-
"Oy"
Narinig ko habang may parang natapon sa mukha ko.
"Gising oy!"
May bumuhos sa mukha ko at agaran naman akong bumangon, putangina naman!
"Ayan gising ka na!" dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang isang pulubing bata, maliit pa 'to, siguro around five years old.
"Nasaan ako?" tinignan ko ang paligid at hindi pamilyar ang lugar. Nasa ilalim kami ng tulay at puro kalakal ang nakikita ko.
"Nasa bahay po kita!" bibong sinabi ng bata at nginitian ako, batang lalaki at madungis ang itsura.
"Bakit ako nandito, nasaan ang gamit ko?" tanong ko sa bata. "Nandito po, hindi ko po 'yan kinuhaan ng kahit ano!" ngiti ng bata.
"Ano pangalan mo?" tanong ko sa bata at sumandal sa sementong nasa likod ko." pumwesto siya sa tabi ko at nagsalita, "Juanito, yun po lagi tawag sakin ng mga tao rito eh." sabi niya.
"Paano ako nakarating dito? nasaan ba ako?" tanong ko, "Nakita po kita sa sahig kagabi, hindi ko po alam kung patay ka na o tulog." sagot niya.
Nakatulog pala ako? dahil na siguro sa daming dinanas ko kahapon, hayst. Tumayo ako at tinignan ang paligid, may nakita akong isang karatula na nakalagay 'Quirino Highway' nandito parin pala ako.
"Ate meron ka pagkain?" tanong sakin ni Juanito at tiningala ako. "Ano ba gusto mo kainin?" tanong ko sakanya.
"Lugaw!" sigaw niya at ngumiti, oh this kid deserves better! niligtas niya buhay ko at inalagaan ako for awhile so, we're not eating sa lugawan.
"Wag dun, may alam akong mas magugustuhan mo." sabi ko at inakay siya palabas sa ilalim ng tulay.
YOU ARE READING
Two faced man | Bamboo Mañalac fanfiction
FanficSTORY LINE: Bamboo works as a popular singer in the Philippines, but people has known him for being such a private person. Behind that mysterious personality of his hides the secret job of him along with his ex-bandmates from Rivermaya. But that doe...