Chapter 3

27 1 4
                                    

"Nakakabwisit kayong lima! ipakukulong ko kayong laha-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay isinarado na ni Perf ang pinto.

Napaka-babastos at nakakabwisit ang mga lalaking to. Tumingin ako sa paligid and... mukha ngang library to, hindi naman masyadong malaki like school libraries but it has one bookshelf and a cabinet, no windows at may airconditioner.

I guess gugutumin nila ako rito then bubuksan nalang nila 'to kapag patay na ako. Naglibot-libot ako dahil only God knows when will they open this door.

Habang naghahanap ako ng pwedeng basahin sa shelves ay may nahulog na folder sa sahig. Nacurious ako kaya pinulot ko ito.

Untitled yung folder at plain lang siya kaya binuksan ko para tignan ano laman. Nakita ko parang documents siya, may picture ni Perf, Nathan at Mark, identity check nila yun.

No suspicious matter sa tatlo, kaya naghalungkat pa ako nang naghalungkat. Hindi ko mahanap kay Rico at Bamboo.

Hinalughog ko ang mga folders dun at finally! una kong nahanap kay Rico, mas gwapo pala siya kapag walang balbas, well artista eh kaya gwapo talaga.

At huling-huli kong nakita, the last but not the least, si Bamboo. Maraming curious sa pagkatao nitong si Bamboo pero since napaka private niyang tao according to some, eh hindi siya naiintriga.

Name: Francisco Gaudencio Lope Belardo Mañalac

Date of birth: March 21, 1975

Place of birth: Quezon City, Philippines

Spouse: None

Children: None

Residency: Philippines, United States

Francisco? yan pala ang tunay niyang pangalan? eh saan nga ba nanggaling yung Bamboo? ang weird.

And to think he will turn 42 years old already this upcoming March? matanda na pala siya, I mean, middle age.

Habang binabasa ko pa ang ibang informations tungkol sakanya ay bigla kong narinig na bumubukas ang pinto.

Agad ko namang tinago ang binabasa ko at nagkunwaring nakatayo lang sa harap ng bookshelf.

"Scarlett gusto ka makita ni Rico." sabi ni Mark, tinignan ko lang si Mark at lumabas na sa library.

Nag-hihintay si Rico sa baba habang may hawak na Coke sa kamay. "Hey you're back!" sabi ni Rico at ngumiti.

"Ano palalayain niyo na ba ako?" tanong ko sakanya habang tinaas ko ang kilay ko. "Nope, bawal pa raw sabi ni Bambs, pero hayaan mo yun laging masungit yun eh." sagot niya at ngumisi.

"So anong gagawin ko buong maghapon?" tanong ko, "For now, i-hohouse tour kita and ibibili kita ng gamit kasi dito ka na titira." sabi niya.

Wow, I mean not bad, saktong napalayas ako ay may umampon slash kumidnap na agad sakin. Cool!

When a door closes, a window opens!

"Uhm. Sure, not bad." sagot ko at tumango, "Okay sige, doon muna tayo sa magiging kuwarto mo, which is kuwarto ko rin." umakyat kami sa second floor at may dalawang pinto roon, "Yung left door saatin, tapos yung right naman kay Bamboo, huwag kang papasok diyan baka sigawan ka nun." pagpapa-alala niya.

"Bakit pa napaka-sungit nung kaibigan niyo? sa T.V. ang bait-bait nun ah, dami pa ngang nagkakacrush sakanya kasi ideal man daw kuno tapos napaka-sungit in real life?" straightforward kong sinabi.

"Hindi naman siya tatawaging two faced man nang walang dahilan." bulong niya saakin at pumasok na siya sa kuwarto.

"Ano?!" pagtataka ko at sumunod na sakanya. Malaki ang kuwarto namin, may banyo sa loob tapos maganda rin ang balcony, baka sigurong mamayang gabi pwede na akong tumakas.

"Yung balcony ba natin gaano kataas?" tanong ko kay Rico, "Hindi naman gaano, siguro around fifteen feet." sabi niya.

So fifteen feet ang tatalunin mamayang gabi! goodluck saakin I guess?

Inexplain niya kung paano ginagamit ang bawat gamit n mayroon doon pero hindi naman ako nakinig, iniisip ko lang as of now is kung paano ako makakatakas.

"So yun lang lahat, may rules din sa bahay na 'to. And ieexplain ko nalang mamaya kapag tapos natin kumain ng hapunan." dagdag niya pa.

"What? seryoso ano to PBB? sino naman may pakana niyang rules-rules na yan?" tanong ko sakanya habang tinataas ang kilay.

"None other than, Bamboo! parang siya yung leader namin dito kasi siya may pinaka-mataas na kill count." proud niyang pagkakasabi.

Nanlaki naman ang mata ko "Huh?!" sabi ko at umatras nang kaunti, "Joke lang ano ba! siya may ari ng bahay na 'to that's why." tumawa siya.

"Okay, since weirdo naman kayo maiintindihan ko kung bakit kayo ganyan. Yikes." sabi ko at tinitigan lang siya.

"Ouch, we're not that bad naman, well, baguhan ka palang naman so I understand. Goodluck sa first day mo Charlotte." sabi ni Rico at nginitian ako.

"It's Scarlett, not Charlotte." pagsusungit ko sakanya at palabas na sana ako sa kuwarto pero pinigilan niya ako.

"Ah-ah, hindi ka pwede lumabas, dito ka lang muna and tatawagin nalang kita kung may gagawin ka na." humarang siya sa pinto.

"Tumabi ka nga diyan! atsaka anong gagawin? ano gagawin niyo akong yaya? no!" sigaw ko.

"Hindi ka gagawing yaya but mayroong ibang ipapagawa sayo since witness ka." pagpapaliwanag niya.

Hindi na ako pumalag sakanya dahil wala rin naman akong magagawa, "Dito ka muna, matulog ka, then gigisingin nalang kita kapag kakain na okay?"

Tinitigan ko nalang siya nang masama at umupo sa kama, "Siya nga pala, sa baba ako natutulog, ikaw sa taas." papaalala ni Rico bago lumabas ng kwarto.

Bunk bed kasi to kaya ayun, nagikot-ikot sa kwarto dahil medyo malawak dito. Tinignan ko ang balcony at may glass door, hindi ko mabuksan eh.

Tinignan ko ang view at dagat ang nakikita ko, nasaan ba talaga ako? sa bored ko ay sinunod ko nalang yung sinabi ni Rico.

Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog sa kama.

Two faced man | Bamboo Mañalac fanfictionWhere stories live. Discover now