"Sino magdadarive?" tanong ni Rico habang naka tayo kami sa harap ng van na 'to.
"Ako na." sagot ni Bamboo, kinuha niya ang susi at umupo na drivers seat. Kami namang dalawa ni Rico ay magkatabi sa backseat.
"Sa Gucci mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Bamboo na tahimik magdadrive.
"Wherever you want." sagot ni Bamboo, oh my gosh yes! first shopping in like a decade now! "Thanks!" Sa sobrang excited ko ay sana yayakapin ko na si Bamboo sa likod pero tinignan niya ako nang masama sa rear view mirror.
"Ay, sorry. Na excite lang." sagot ko at ngumisi. "Guys I found a really nice resto inside the mall. Gusto niyo ba kumain doon?" tanong ni Rico saamin habang naka hawak sa cellphone.
"Wherever you want." ginawa ko ang tono ni Bamboo at napatawa naman si Rico. "Loko ka talaga." sabi niya at tumawa.
Mukhang natrigger naman si Bamboo pero I know hindi naman 'yan mapipikon dahil lang doon.
Nakarating na kami sa mall at pumasok agad sa Gucci. Nagtitinginan ang mga tao saamin kasi narerecognize na siguro nila tong dalawang nakapaligid saakin.
Binibilisan nalang namin ang lakad kasi ayaw nila maabala. "You will have these." sabi ni Bamboo habang may hawak ng damit galing sa Gucci.
Mga normal na pang babaeng damit lang naman. Kala ko ba naman bibilhan ako nito ng mga bonggang-bonggang damit. Anyways I don't expect anything from him anyway.
Nilagpasan nalang namin ang mga fans at pumasok na sa kotse.
-
Nakauwi na kami sa bahay at nakita ko na nakabihis si Nathan at Mark ng itim na latex suit. What the fuck?
"Bamboo, kailangan na natin umalis. May bagong gustong makipaglaban saatin." sabi ni Nathan.
Mukhang nagulat si Bamboo at si Rico naman ay natahimik lang. Ako naman hindi ko alam pinagsasabi nila.
"Sige, mauna na kayo. Everybody! get on your gears and we'll get going." sabi ni Bamboo at halos lahat sila nag-ayos.
"Sandali ano gagawin ko?!" natataranta kong sagot. May kinuha si Bamboo sa taas at ibinato saakin.
Latex suit rin, ano to spy?! "Suot mo bilis!" sabi niya at pumasok sa kuwarto. Diyos ko ano nanaman ba 'tong mangyayari saakin.
Ilang minuto lang ay nakahanda na ang lahat, para bang nagkakasala ako sa mga nakikita ko dahil... puro bakat.
Nevermind ayoko na tignan. "Take this." binigyan ako ni Bamboo ng pistol at nagulat naman ako. "Ano' to?!" sigaw ko sakanya.
"Self defense, galingan mo mamaya." bulong niya saakin at inakay na nila ako sa isang mas malaking van.
Sobrang nakakakaba at nakakatakot 'tong nangyayari sa paligid ko. Sumakay kami sa loob ng van at nagdrive na si Rico.
Nasa backseat kami, nasa gitna ako ni Bamboo at Perf, "Anong gagawin natin?!" tanong ko kay Perf na nagkakasa ng baril.
"Mission, probably try not to die ganon." walang takot niyang sinabi at parang cool na cool lang siya sa nangyayari.
Hindi ko na siya pinansin at lumingon kay Bamboo. Nakaupo lang siya at may hawak na mas malaking baril sa kamay. My goodness parang hindi naman musicians tong mga kasama ko!
"Bakit ka ba laging nakatitig saakin?" hindi siya lumingon saakin pero tinanong niya 'yun. Nakakahiya naman.
"Mamamatay na ba ako?" tanong ko sakanya. "Depende, kung lalampa-lampa ka oo. Kung matapang ka hindi." sabi niya at tumingin sa malayo.
"Bwisit kayong lahat! kasalan niyo' to eh-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at biglang huminto sa pagdadrive si Rico.
"We're here." sabi niya, "Get ready guys, you guys know the drill." sabi naman ni Bamboo. Binuksan nila ang pinto at lumabas silanh lahat except saakin.
"Kung ako sayo, lalabas na ako kung gusto mo pa mabuhay." sabi ni Mark habang may kinuhang granada sa likod. Ano ba 'to?! Giyera?!
Lumabas na ako habang hawak-hawak ang baril sa kamay ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at wala namang tao.
Sinundan ko sila at nakita kong nasa warehouse kami. May isang hindi pamilyar na lalaki ang lumapit kela Bamboo.
"Nadala mo ba?" tanong nung lalaki kay Bamboo, "Yes, I got it." sagot niya at ngumiti. "Ito, bayad." may nagbigay ng brief case kay Bamboo at puno ito ng pera.
Eh mga drug dealer pala 'tong mga to eh! "Actually... hindi ko mabibigay sa'yo yung drugs." sabi ni Bamboo at tumingin sa baba.
"Ano?!" bago pa nakaimik ang lalaki ay pinaputukan ni Bamboo ito sa dibdib. Nagulat naman ako at napatili nang malakas.
Nagsimula na magkagulo at nagbarilan silang lahat. Nagtago ako sa likod ng bakal na drum at tumingin sa paligid.
May nakita akong lalaking nakatutok ng baril pero inunahan ko siya, binaril ko siya sa tiyan at namatay siya.
Diyos ko! nakapatay ako ng tao! napangiwi ako sa nagawa ko at lumipat ng lokasyon. Para akong nasa action movie kasama ang Rivermaya. Nakakabaliw!
Nakita kong nakahiga na sa sahig si Nathan, is he dead?! ayos lang kaya siya?! si Bamboo at ako nalang ang natitirang buhay, tumingin siya saakin habang nasa kabila siya nagtatago.
"Ihagis mo 'to dun, i-didistract ko sila!" hinagis niya saakin ang granada at napangiwi naman ako. Hindi ko nga alam kung paano gamitin to eh!
"Ihagis mo na!" sigaw niya habang binabaril ang iba, "Hindi ko ata kaya!" sigaw ko, umalis si Bamboo sa tinataguan niya at hinarap lahat ng tao.
Tinitignan ko lang siya sa takot at nagulat ako nang bigla siyang natumba. I think he got shot! sobrang takot ko ay finigure out ko kung paano gamitin tong granada.
Ako nalang ang nakasurvive, habang inaayos ko ito sa kamay ko ay biglang may humawak sa braso ko. "Ikaw!" sigaw ng lalaki saakin at itinayo niya ako.
May hawak siyang baril at itinutok ito sa dibdib ko. Para akong hihimatayin sa takot. "Huwag.." my life flashed before my eyes nung narinig ko ang putok ng baril sa katawan ko.
Natumba ako at napapikit. Patay na ba ako? "Weak!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Idinilat ko ang mata ko at hindi pa ako patay!
Tinignan ko ang paligid at lahat sila ay nakapalibot saakin. Huh?! anong nangyayari?
YOU ARE READING
Two faced man | Bamboo Mañalac fanfiction
FanficSTORY LINE: Bamboo works as a popular singer in the Philippines, but people has known him for being such a private person. Behind that mysterious personality of his hides the secret job of him along with his ex-bandmates from Rivermaya. But that doe...