Rico's POV
Dalawang oras na nakakalipas nung iniwan ko si Scarlett sa taas, nakahanda na ang dinner at siya nalang hinihintay ng lahat.
"Rics could you call her to come down?" utos ni Bamboo habang nakaupo sa pinaka dulo ng mahabang lamesa.
Umakyat na ako at pumasok sa kwarto, tulog pa siya. "Scarlett gising na." sabi ko habang kinakalabit siya.
Kumunot ang mukha niya at may sinabi pero hindi ko naintindihan. "Malalagot ka kay Bamboo niyan kapag hindi ka bumaba." pananakot ko pa.
"Wala akong pakielam kay Bamboo." mahina niyang sinabi pero maliwanag. "So you don't care huh?" nagulat nalang ako na nasa likod ko na pala si Bamboo, naka sandal sa may frame ng pinto at naka cross ang kamay.
Iniangat ni Scarlett ang ulo niya at tinignan si Bamboo. "Ano nanaman kailangan mo Bamboo ha?" napaupo si Scarlett at nairita.
"Go down. Kumain ka na, kung hindi, hindi ka na talaga makaka-kain kahit kailan." seryosong pagkakasabi ni Bamboo habang magkasalubong ang kilay.
"Tatay ba kita?" sarkastikong sagot ni Scarlett at napatawa naman ako nang kaunti.
"Don't you dare me." mahinang sagot ni Bamboo pero alam kong naiinis na 'to kay Scarlett.
Isa sa pinaka ayaw pa naman ni Bamboo ay yung pinaghihintay siya. "Oh anong gagawin mo?" pang-aasar ni Scarlett.
Natahimik si Bamboo ng dalawang segundo at may dudukutin sa bulsa. Alam kong baril yun kaya pinigilan ko nalang siya.
"Pare 'wag, pagpasensyahan mo nalang siya. Ako na kakausap diyan, sige na." bulong ko sakanya.
Hindi siya nagsalita, tinitigan nang masama si Scarlett bago umalis sa kwarto. "Scarlett bumaba ka na, nagagalit na talaga siya." sabi ko.
Hindi siya sumagot at bumaba na sa bunk bed. "Hindi ako takot sakanya ha! sadyang gusto ko lang makalabas nang buhay dito." sinabi niya sa mukha ko at bumaba na siya.
Hindi daw takot, hah, tignan natin galing mo.
Scarlett's POV
Habang pababa ako ng hagdanan ay pinaplano ko parin ang mga gagawin ko mamaya. Hinanap ko ang dining area at agad naman akong nakarating doon.
Habang papalapit ako sa lamesa ay ramdam kong pinagtitinginan ako nung tatlo except kay Bamboo.
"Saan ako uupo?" tanong ko kay Rico na nasa likod ko lang sinusundan ako. "Dun sa tabi ni Mark." turo niya.
Napapagitnaan ako ni Rico at Mark habang si Bamboo naman ay nasa dulo ng table.
Nagsisimula na silang kumain at ako ay tinitignan lang silang lahat."Kain na." sabi ni Rico sakin, hindi ko siya pinansin at tinitigan lang si Bamboo, gwapo talaga to eh, pero bakit napakasama ng ugali?
"Why are you staring at me? crush mo ba ako?" hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatigtig.
Nagtinginan ang lahat saakin at tumawa sila, napahiya naman ako at kailangan ko magpalusot, "Ew hell no! Bamboo itatanong ko lang kung kailan mo ako papakawalan?" tanong ko rito.
"It's Sir Bamboo to you, hindi ka VIP dito, and you're not going anywhere, end of discussion." walang emosyon niyang sagot.
Hindi nalang ako umimik pa dahil pagsasalitaan nanaman ako nito nang masasama for sure, kaya kumain nalang ako at umakyat na sa kuwarto.
"Sir Rico anong oras ka matutulog?" tanong ko sakanya habang may inaayos siya sa closet. "Bakit sir Rico? Rico nalang." sabi niya saakin, "Eh baka magalit nanaman si SIR BAMBOO, kasi hindi nga raw ako VIP dito." sarkastiko kong sinabi.
"Hayaan mo yun, masungit talaga yun minsan pero mabait naman, it takes time." tumawa siya.
"So anong oras ka nga matutulog?" tanong ko. "Mga nine tulog na ako, isang oras nalang naman." sagot niya.
Sobrang nabobored na ako sa totoo lang, kailangan ko pang hintayin tong si Rico matulog bago ko i-execute yung plano ko. Fifteen feen kaya ko na 'yan talunin, konting galos at sugat lang yan takas na ako.
"May kailangan ka pa ba kasi inaantok na ako eh." sabi niya habang nakatayo sa harap ko. "Ah wala na, sige tulog ka na." I said in relief.
Sa pagkakataong nahiga at pinatay na niya ang ilaw ay nakahinga ako nang maluwag. Ilang minuto ang hinintay ko hanggang sa marinig ko na siyang humihilik.
Tinignan ko ang oras at alas diyes na, sinilip ko ang labas ng kwarto at patay na ang ilaw sa baba, iisang ilaw nalang natira sa hallway dito sa second floor.
Lahat na siguro ay tulog na. Sigurado at buo na ang loob ko sa desisyon na 'to. Dahan-dahan kong binuksan ang sliding door.
Gumalaw si Rico nang kaunti at shit! patay na ako! huminto ako nang saglit at hindi naman pala siya nagising. Nakahinga ako nang maluwag.
Pumasok na ako sa balcony at tinignan ang view, madilim na sa garden at swimming pool kaya tulog na talaga silang lima.
Tinignan ko ang baba at shit napakataas naman nito! buti nalang may puno na pwede kong pagsabitan kahit papa-ano.
And yes, tumalon ako, hindi ko nahigpitan ang hawak sa sanga ng puno at nahulog ako, napaluha ako sa laki ng hiwa na nakuha ko sa pagkayod ko sa sanga.
Tangina! ang daming dugo. Hindi ko na ininda yung sakit at paika-ikang naglakad papunta sa may malaking gate. Tinry kong buksan 'to pero nakalock!
Nakagawa ako ng ingay dahil sa gate na to. Ilang try pa at nabuksan ko, dahan-dahan akong lumabas at sobrang dilim.
Nasa gitna na ata ako ng kawalan! puro puno at street light lanv mayroon dito sa paligid. Hindi na ako lumingon pa at naglakad na papalayo sa bahay.
Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa bahay ay sumakit nang todo yung sugat ko sa braso, napaupo ako at yinuko ang ulo sa sakit.
"Excuse me, nawawala ka ba?" may lalaking lumapit saakin, tumingala ako at nagulat ako sa nakita ko. Natameme ako dahil si Bamboo yun!
"Where do you think you're going?" ngumisi siya nang nakakaloko at kinagat sa labi ang sigarilyo niya.
"Sandal-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong hinawakan sa kabilang braso.
"Babalik ka sa bahay, sa ayaw at sa gusto mo." sabi niya at inakay ako pabalik sa bahay nila.
YOU ARE READING
Two faced man | Bamboo Mañalac fanfiction
FanfictionSTORY LINE: Bamboo works as a popular singer in the Philippines, but people has known him for being such a private person. Behind that mysterious personality of his hides the secret job of him along with his ex-bandmates from Rivermaya. But that doe...