Chapter 5

24 1 0
                                    

"Please sir, I beg of you pakawalan mo na ako!" sigaw ko kay Bamboo habang papasok kami sa bahay.

"Hindi!" sigaw niya saakin at mukhang galit na siya. Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong saakin ang apat.

Si Rico ay mukhang inaantok pa, yung tatlo naman hindi pa siguro natutulog. "Rico!" sigaw ni Bamboo at binitawan ako.

"Bakit nakawala 'to?!" sigaw niya ulit. "Bambs akala ko matutulog na siya eh!" pagpapaliwanag naman ni Rico.

"Nonsense answer!" sigaw ni Bamboo at binitawan ako. "Diba sabi ko bantayan mo' to!" sigaw ni Bamboo. Hindi nalang nagsalita si Rico at napakamot sa ulo.

"You three," tinuro ni Bamboo sila Nathan, Mark at Perf. "Patulugin niyo muna sila Rico at 'tong babae na' to," tinignan ako nang matalim ni Bamboo.

"Sainyo muna, I'll deal with this woman tomorrow. For now I want to rest." sabi niya. Hindi na umimik ang lahat at umakyat na si Bamboo sa kuwarto niya.

"Tara na, itutuloy ko na tulog ko." sabi ni Rico, "Takas pa more." sabi ni Mark at tumawa, inirapan ko nalang siya at umakyat na kami sa isang malaking kuwarto.

"Dalawa ang bunk bed dito sakto lang saaming apat." sabi ni Perf, "That means wala ka ng space para matulog dito." dagdag pa niya.

"So ano gusto niyong gawin ko?" tanong ko na may halong irita. "Ay alam ko na..." sabi ni Nathan at ngumisi nang nakakaloko, para bang may masamang binabalak.

"Gusto mo matulog sa kuwarto ni Bamboo?" nag smirk si Nathan at itinaas baba ang kilay. Nanlaki ang mga mata ko at umiling.

"No way! baka hindi na ako makalabas nang buhay doon!" sabi ko, "Huwag niyo na ngang asarin tong si Scarlett, and besides," tinignan ako ni Rico

"Hindi ganoon kasama ugali ni Bamboo, huwag ka na kasing makulit, okay?" malambot at mahinhin na tono ni Rico.

"Doon ka nalang sa kama ko matulog, sa lapad nalang ako." sabi ni Rico, "Seryoso ka?" tanong ni Mark, "Hayaan mo na, ngayon lang 'yan." sabi ni Rico at inilatag na ang foam sa sahig.

Hindi na ako nakapag thank you sakanya dahil natulog na siya, pero parang totoo nga, totoo ngang siya ang pinaka mabait sa kanilang lahat.

"Oh doon ka sa taas ko matulog ha, huwag ka lang lilikot kasi baka mahulog ka riyan." si Nathan ang kahati ko sa bunk bed, hindi ko na siya sinagot at umakyat na sa pwesto ko.

Hindi pa natutulog sila Perf, Nathan at Mark, nanonood pa sila ng movie. Hindi ko alam kung ano 'to, pero wala rin naman akong pakielam.

"Scarlett ang pangalan mo diba?" narinig kong tanong saakin ni Perf habang nakaupo silang dalawa ni Mark sa maliit na couch.

"Oo." matipid kong sagot habang inaayos ang unan sa likod ko. "Wala ka bang nickname?" tanong naman ni Mark.

"Skye, 'yan tawag saakin nung bata pa ako." sagot ko, "So Skye, ilang taon ka na nga pala?" tanong ni Mark at uminom ng Coke.

"Ka-thithirty three ko lang this month."

"Wow thirties ka na pala? akala ko mas bata ka pa, wala ka bang pamilya?" sambat ni Nathan na nasa ilalim ko lang.

"None of your business." sagot ko nang may halong inis. "Ang sungit mo talaga kahit kailan." narinig kong ibinulong ni Nathan.

"Pasalamat ka at mabait 'tong si Rico, kung hindi ikaw natutulog diyan ngayon." tinuro ni Mark si Rico na mahimbing na natutulog sa sahig.

"Whatever, ano na nga pala mga gagawin ko simula bukas?" tanong ko sakanila.

"For sure ipapatapon ka sa Hong Kong at gagawin kang pulubi roon." sabi ni Nathan, nagulat naman ako at sinilip siya sa baba.

"Ano?!"

"Joke lang! ano ba! depende kay Bambs, pero for sure gagawin kang helper sa bahay, or any other things, basta huwag ka nang madaming tanong!" sagot ni Nathan.

"Skye if I were you matulog ka na, you need rest." sabi ni Perf. Hindi na ako sumagot at inihiga ko na ang katawan ko, I was slowly drifted onto sleep and their voices started fading away.

-

"Pst, Scarlett."

"Gising uy."

"Scarlett bilisan mo uy."

Nagisimg ako sa tapik at tawag ng taong sa gilid ko. "Nagtutulo ka pa ng laway oh." dun ako biglang napa bangon. Nakakahiya!

"Oh tissue, bilisan mo na." si Rico pala yun, "Sorry, ano yun?" tinignan ko siya habang pinunasan ang bibig ko.

"May ipaguutos si Bamboo, and kumain daw muna tayo kasi nakahanda na breakfast sa baba." sabi niya habang naka tayo lang siya roon.

"Oh sige na, mag a-ayos lang ako, susunod ako ha?" sagot ko. Tumango siya at lumabas na sa kuwarto.

Wala na silang lahat doon at nasa baba na siguro sila. Naligo na ako at nag-ayos, at dumiretso na ako sa kusina para kumain.

"Why are you late?" sumalubong saakin ang malalim at malamig na boses ni Bamboo habang nakaupo siya sa pinaka dulo ng lamesa.

Same thing happened, tinginan nanaman silang lahat saakin at awkward silence.

"Late ako nagising." matipid kong sinabi. Hindi na siya nag salita at kumain na kaming lahat. As usual si Rico lagi katabi ko.

"We're going to buy your stuffs today, pagkatapos natin kumain ay I'm going to explain to you what you're going to do." sabi ni Bamboo.

"Shopping?! yes!" I exclaimed. "No. You think you'll buy clothes on your own? hindi mangyayari." sumagot siya at ngumisi.

Nakakaasar talaga 'to pero gwapo ng ngiti niya. I mean I don't know, you get the idea gwapo siya.

Natapos na rin ang lahat kumain at sinabi ni Rico ay magbihis ako ng pang-alis dahil pupunta nga kami sa mall or kung saan man trip nitong mga 'to.

"Sino-sino sasama?" tanong ko kay Rico habang inaayos ang sapatos ko. "Ako then si Bamboo. Bawal isama yung iba kasi baka sabihin may reunion ang Rivermaya." natawa niyang sinabi.

"Huh bakit reunion? nag disband ba kayo?" pagtataka ko. "Si Nathan at Mark nalang ang official na Rivermaya kasama sila Mike, pero hindi niya alam na nagkikita parin kaming lima. Anyways that's not important anymore."

"Ah, laking sikreto pala tinatago niyo sa media ah." sagot ko. "Well, we want our privacy, maiintriga nanaman kami kapag nag-reunion." sagot niya.

"Are we ready to go?" biglang sumulpot si Bamboo sa pintuan ng kuwarto namin ni Rico. "Okay ka na?" tanong saakin ni Rico. Tumango nalang ako at umalis na kami sa kuwarto.

Two faced man | Bamboo Mañalac fanfictionWhere stories live. Discover now