Prologo

175 5 0
                                    

Ipinanganak na mayaman at may malawak na lupain ang magkapatid na Wayne at Alyssa. Ngunit sa kasamaang-palad habang nasa huling taon ng kursong Bachelor of Agriculture and Science ang binata, namatay ang kanilang Ama sa sakit na cancer. Ngunit higit itong naging mas masakit sa magkapatid nang halos wala ng matirang kabuhayan sa kanila dahil baon mula sa pagkakautang ang kanilang pamilya.
Ang pataniman ng mais at palay na lamang ang tanging natitira ngunit nakasanla pa sa mayamang negosyante na si Mr. Villamor.
Nagmakaawa ang binatang bigyan siya ng pagkakataong makabayad at pumayag naman ito.
Gusto niyang mapaunlad at maibangon ang natitirang meron sila, ang maisan. Nakilala niya ang mataray nitong anak, maarte at suplada, ngunit mala-Dyosa sa ganda, si Vanessa.
Sa unang pagkikita'y tinaasan lamang siya nito ng kilay saka inirapan.
Ngunit balewala 'yun sa binata, hindi siya interesado sa ganitong klaseng babae.
Ubod na nga ng arte, matapobre pa.

May uusbong kayang pag ibig sa pagitan ng dalawa?
Kung halos isuka siya ng dalaga at ayaw naman ng binata sa ugaling mayron ito?

Wayne (The Agriculturist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon