Chapter XIII

70 3 18
                                    

ANG PAGWAWAKAS💕

Gustong sorpresahin ni Vanessa ang ama, namimiss niya na ito. Ilang buwan niya na din itong hindi nakikita. Mula kasi ng ikasal siya kay Darryl ay sa bahay na siya ng asawa tumira.

Nagulat siya ng makitang nasa garahe ng kanilang tahanan ang sasakyan ng asawa.

Ang alam niya kasi ay pupunta ito sa Orebiana's Agri Trading para bumili ng kakailanganing feeds at vitamins sa duma-daming alaga nitong manok.
Maliban sa mga gulay, supplier na din sila ngayon ng mga itlog sa mga pamilihan.

Nginitian niya ang dalawang kasam-bahay na nanonood ng TV. Akmang tatayo ang mga ito, pero sinenyasan niyang manood lang at huwag maingay.

Gusto niyang sorpresahin ang kaniyang papa' t asawa na tiyak na nasa terasa dahil 'dun madalas magkwentuhan ang dalawa habang nagkakape.

Dahan-dahan ang bawat paghakbang, titiyakin niyang magugulat ang dalawa.
Dala ng kuryusidad, pinili niya munang makinig sa pag uusap ng dalawa.

"Tulad ng ipinangako ko lahat ng dapat ay nasa pangalan ni Vanessa ay nasa pangalan mo na Darryl."

"Pa. . ."

"Pinirmahan ko na 'yan. Ipinasalin ko na din sa pangalan mo maging ang lahat ng lupaing pag aari ko. Salamat, dahil pinakasalan mo si Vanessa." Nanlamig ang buong katawan ng dalaga. Nanlalambot ang mga tuhod na dahan-dahan siyang napaluhod habang nag uunahan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga pisnge. Diyata't ang mala-fairytale niyang kasal ay bunga lang ng kasunduan.
May kapalit ang lahat? Ganun ba ka-desperado ang kanyang Papa?

Parang sasabog ang dibdib niya sa sama ng loob, hindi niya mapapatawad ang ama at asawa dahil tila napaglaruan ang damdamin niya.

At ang pinaka-masakit, bakit kailangang gawin 'yun sa kaniya ng ama?

Bakit?

Ganun ba siya ka-samang anak?

At si Darryl? Minahal ba siya nitong talaga o dahil lang sa mamanahing isinalin na ng kaniyang ama sa pangalan nito?
Impit siyang napaiyak.
Gusto niyang humagulgol at lumayo sa lugar na 'yun. Malayo sa dalawang itinuring niyang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Naramdaman ng mga ito ang presensiya niya bago nagdilim ang paningin niya at tuluyan siyang nawalan ng malay.

Puting kisame ang bumungad kay Vanessa ng idilat nito ang mga mata. Nakita niyang nakaupo ang asawa sa gilid ng kama at hawak ang kaliwa niyang kamay.
Ngumite ito.

Galit na tiningnan niya ito.

"Iwan mo ako!" May diin niyang utos.

"Iwan mo muna siya Dar, kakausapin ko na lang muna." Ang kaniyang ama.

Matapos siyang dampian ng halik sa noo ay lumabas na ang asawa. Pilit niyang iniwas ang mukha kaya sa pisnge na lang siya nito hinalikan. Hindi niya tinitingnan ang ama.
Masama ang loob niya rito.

"Gusto kong makinig ka Vanessa." Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit nito sa kaniya ang ma-awtorisadong boses. At hindi siya sanay. Iisa lang ang ibig sabihin 'nun gusto niyang makinig siya rito sa ayaw niya at sa gusto.

Mataman siyang nakinig sa paliwanag nito.
Sa mahabang paliwanag ng ama'y unti-unti niya itong naiintindihan. Naunawaan niyang ang lahat ay bunga lang ng pagmamahal nito sa kaniya at sa magiging kinabukasan niya.

Lumuluhang niyakap niya ito at humingi ng tawad. Naku-konsensiyang nagpahid siya ng luha. Kung umpisa pa lang ay naging responsable siyang anak hindi maiisip ng ama na walang halaga sa kaniya ang mga pinaghirapan nito. Kasalanan niya.

Kumalas ito sa yakap ng anak at sumenyas sa manugang na lumapit na sa asawa, hindi naman talaga ito tuluyang lumabas kundi nakatayo lang sa likod ng pinto ng silid.

"Galit ka pa ba?" Umiling si Vanessa.
Nakangite na siya sa asawa. Kinintalan siya nito ng halik sa labi, eksakto sa pagbubukas ng pinto.

Isa-isang pumasok ang mga kaibigan niyang may hawak na balloons at teddy bear.
Hawak naman ni Alyssa ang isang bouquet ng pulang-pulang Rosas. Ang mama naman ni Darryl ay may hawak na isang pondant chocolate cake na may nakasinding kandila.

"Congrats!!!! " Sabay-sabay itong nagpalakpakan. Napakunot-noo si Vanessa.
Nagpalipa-lipat ng tingin sa mga nakapalibot.
Tumingin siya sa asawa.
Parang nahuhulaan niya na kung bakit?

Tumango ito habang abot-tenga ang pagkakangite.

"Three months pregnant ka na." Ang biyenan niya ang sumagot.

"Baby Girl ate." Si Alyssa.

Sabay-sabay na nagkatawanan ang lahat.

Humigpit ang pagkakahawak ni Darryl sa kamay ng asawang naluluha. Napaka emosyonal nito, na ayon sa doktor na tumingin ay natural lang sa isang buntis.

Humilig ito sa kaniya. Hinaplos-haplos niya ang mahaba nitong buhok. Wala na siyang mahihiling pa. Ito ang bumuo ng mga pangarap niya.
Ang pangarap na habambuhay itong makasama.

WAKAS💕


Wayne (The Agriculturist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon