"Gusto ko ito." Tumatango-tango si Mr.Villamor habang binabasa ang panibagong project proposal ni Darryl.
Dahil malayo naman sa kabahayan ang poultry na nais nitong itayo tila mukhang aaprubahan naman marahil ng Munisipyo ng lugar nila."Sa halip ho kasi na bumibili ang Alyssa's farm ng pataba sa iba. Bakit hindi na lang tayo mismo ang gumawa?" Animal manure ang tinutukoy ng Agrikulturista.
Ginagawa itong pataba sa mga lupang ginagamit na pinagtatamnan ng mga gulay.
Iniiwasan niyang gumamit ng may halong kemikal.At mukhang naging matagumpay naman siya sa unang eksperimento.
Maging ang pesticide na ginagamit nila ay sarili nilang gawa.
Isa ito sa mga naging output niya 'nung kolehiyo ang binata.
Gumawa siya ng pesticide na hindi na kailangang bilhin sa alinmang tindahan ng poultry supply kundi galing din sa mga itinanim.Namangha ang negosyante sa galing ng binata.
Na manage nito ang farm sa natatanging paraan nito, abilidad, diskarte, sipag at tiyaga at nagamit din nito ang kursong pinag aralan.
Wala siyang nakikitang dahilan para hindi ito suportahan. Kumita ito ng higit sa kaniyang inaasahan."Alam mo bang dahil sa galing mo pwede ka ng mag asawa? " Nakangite ito.
Natawa ang binata.
Sa gitna talaga ng seryosong usapin, nagagawa nitong magbiro."Hindi pa ho pwede saka wala naman ho akong girlfriend."
Totoo naman 'yun, pero hindi naman 'siya NGSB
No girlfriend since birth.
Nagkaroon din naman siya ng kasintahan 'nung nasa kolehiyo siya.Si Grace.
Pero hindi niya ito sineryoso dahil kapwa pa sila bata at kapwa estudyante pa lang.
Nagkahiwalay sila ng walang maayos na pag uusap.Ang tanging huling balita niya sa dalaga napili itong mag OJT bilang Agriculture Graduating Students Representative ng kanilang Unibersidad sa bansang Israel.
Masaya siya para rito.
Pero hanggang 'dun na lang 'yun.
Mas priority niya ang kaniyang pamilya.Sa edad niyang beinte-otso, marami pa siyang gustong patunayan. Maibangon ang bumagsak na kabuhayan, mapagtapos ng pag aaral si Alyssa. Magamit ang kursong pinag aralan, ang paunlarin pa ang natutunan.
Palaweño siya, nakikita niya ang malalawak na lupain sa lalawigang kinabibilangan.
Napakaraming malalawak na lupaing nakatiwangwang ang hindi napakikinabangan dahil sa kakulangan ng puhunan at kaalaman ng mga residenteng nagmamay-ari.Gusto niyang maging ehemplo sa mga kabataang nila-LANG ang Agrikultura dahil farming-farming lang para sa kanila.
Aaminin ng binata, hindi madaling magmemorize ng santambak na scientific names ng halaman, gulay, insekto at hayop.
Gumawa ng research at i-defend ito sa harap ng Instructor.Pero mas mahirap pa ring baguhin ang mindset ng makabagong henerasyon.
Ayaw magpagod, ayaw maghirap, ayaw marumihan.
Ayaw unawain ang halaga ng pagkakaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa Agrikulturang bumubuhay at itinuturing na backbone ng bawat bansa."Bakit hindi mo alukin ng kasal si Vanessa?
Subukan mo lang." Sa gitna ng malalim na pag iisip ni Darryl ay untag ni Mr.Villamor."Ho?! Palabiro ho kayo." Pero hindi siya natawa. Bakit ba parang desperado na itong ipakasal ang anak at sa tulad niya?
Tila nabasa naman nito ang iniisip niya."Namatay ang asawa ko dahil sa panganganak kay Vanessa. Dahil sa sobrang abala ko sa negosyo hinayaan ko siyang lumaki sa kapatid kong nasa Maynila nakatira. Hindi talaga ako ang nagpalaki sa kaniya. Nakakahiya mang aminin pero hindi ko siya nagabayan ng tama."
Pagkukwento nito."Pero hindi naman ho yata tamang kayo ang magdesisyon para sa kaniya?"
Humugot ito ng malalim na hangin.
"Kapag nawala ako maiiwan ang lahat ng meron ako sa aking nag iisang anak.
Pero sa nakikita kong pag-uugali ng anak ko maaaring sa isang iglap mawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Nakita mo naman kung anong klaseng anak si Vanessa? Wala din siyang hilig sa negosyong buong-buhay ko ng inalagaan. Kanino ko ito iiwan ng hindi babagsak?""Bakit ho ako?"
"Naibangon mo ang kabuhayan ng pamilya mo.
Nakikita kong magiging responsable kang asawa.""Hindi din ho madaling ligawan ang anak niyo.
Ito lang ho ako." Napailing ang kaharap."Marami ka ng napatunayan. Kailangang yakapin ni Vanessa ang kabuhayang bumubuhay sa amin." Napabuntong-hininga ang binata.
"Kapag napangasawa mo ang anak ko ililipat ko sa pangalan mo ang lahat ng ari-ariang nasa pangalan ko." Napatayo si Darryl.
"Parang may mali na ho."
Para kasing binibili na nito ang kalayaan niya.
"Pasensya ka na Darryl. Alam kong masasagi ko ang ego mo pero gusto ko lang naman makasiguro sa kinabukasan ng anak ko."
Napakalaki ng tiwalang ibinibigay nito sa kaniya. Pero hindi siya pinalaking mapagsamantala sa kapwa.
Matapos ang ilang oras na pakikipag-usap tumayo na siya at nagpaalam rito.
Kasalukuyan silang nasa balkonahe ng tahanan ng negosyante.Nakita niyang abala sa pagbabasa ng libro si Vanessa habang nakahiga sa sofa ng visitors area.
Nakapatong ang dalawang binti nito sa mahabang throw pillow.
Napansin nitong napasulyap siya kaya tila na-concious ito at inayos ang pagkakaupo.
Nakasuot lang ito ng boho shorts na naglantad ng magagandang hugis at makinis na binti.Pero tila hindi naman 'yun napapansin ng binatang Agriculturist dahil halos ayaw naman nitong tingnan ang dalaga.
Nakaramdam ng pagkadismaya si Vanessa. Ang totoo kanina niya pa ito inaabangang dumaan.
Halos mag dadalawang oras din yata itong kausap ng kaniyang ama.
May kung anong pananabik siyang nadarama kapag nakikita niya ito o napag uusapan man lang ang binata.Nabawasan ang pagsusungit niya at lagi na siyang nakangite, nakikipag usap na din siya sa mga kasam-bahay, dati'y kinakausap niya lang ang mga ito kapag may iuutos siya.
Pakiramdam niya kasi hindi niya ito kauri.Aaminin niyang masama talaga ang pag uugali niya at napakataas ng pagtingin sa sarili.
Kabaligtaran ng bawat katangian ni Darryl na madalas niyang marinig sa kaniyang ama at ilang kasama sa bahay.
Napakabait at down to earth daw nito."Eh ano ba Vanessa naman. . . Aniya ng isip niya. "
Bakit parang mahal niya na ito? Hindi pwede, Hindi dapat.