Chapter V

102 4 0
                                    

Suot ang paboritong summer floral dress na color yellow, dahan-dahang bumaba ng hagdan si Vanessa. Pinalitan niya ang pambahay na tsenilas at nagsuot ng havaianas slipper.

Nagpahid siya ng sunblock at nagpahid ng liptint. Lalagnatin siya kapag hindi siya nakapag- lipstick sa maghapon, ganun siya kaarte.

Tumingin siya sa suot na wristwatch.
Mag a-alas siyete pa lang pala.
Sakto, hindi pa mahapdi sa balat ang sikat ng araw.

Madadaanan niya ang komedor kaya't napilitan siyang magpaalam sa amang kumakain ng almusal.
Hindi kasi siya nagbi- breakfast ng ganun kaaga. Kaya hindi sila nito madalas sabay kumain ng agahan.

"Magpahatid ka kay Jayid." Ang driver nila ang tinutukoy nito. Umiling siya.

"Okey lang pa kaya ko."

Hindi kalayuan ang bahay nila sa tabing-dagat.
Nung bata pa siya tumatakas siya upang maligo lang at maglaro ng buhangin.
Lagi siyang gumagawa ng sand castle at pakiramdam niya siya si snow white.
At sobrang namiss niya 'yun.

Maraming kabahayan ang madadaanan bago makarating sa itinuturing na tourist spot ng lugar nila.
Kilala ang ama niya sa lugar na 'yun dahil iilan lang naman ang gaya nilang nakakaluwag-luwag sa buhay.

Pero halos wala siyang kakilala dahil sa Maynila siya lumaki at paminsan-minsang nagbabakasyon lang sa lugar nila.

May iilang bumabati na ni hindi niya man lang halos tinitingnan.
Naririnig niyang nagbubulungan ang mga ito.

Tumambad sa kaniya ang pino at maputing buhangin.
Wala ng kabahayan sa paligid.
Inilinga niya ang paningin ngunit tila mag isa lang siya dahil abala na ang lahat kapag ganitong oras sa kanilang probinsiya.

Tila nahipnotismo siya sa ganda ng paligid, malinaw ang tubig-dagat at tila nag aanyaya itong lumusong siya at magtampisaw.

Natukso siyang hubarin ang suot na floral dress at isinabit 'yun sa dahon ng isang mababang puno ng niyog.
Nalantad ang makurba niyang katawan, tanging ang magkapares na kulay asul na panloob na lang ang natira.

Sanay naman siyang mag two piece kaya hindi siya naaasiwa kung halos nakalantad na ang buo niyang katawan. At alam niyang may maipagmamalaki naman siya.

Ikinukumpara nga siyang madalas nina Aliya kay Ellen Adarna, dahil may hawig siya sa aktres.
Bumilis ang paghakbang niya at parang batang ibinagsak ang sarili sa tubig.

Nagparoo't parito siya sa paglangoy ngunit iniiwasan niyang magawi sa malalim na bahagi.

Muli siyang lumubog saka nagpasyang umahon na.

"Good morning Ma'am. . . ." Namilog ang mga mata niya.
Si Darryl? Nakangite ito habang nakatingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kayo ho anong ginagawa niyo dito?" Balik tanong nito.

Inirapan niya ito.

"Hindi ba obvious? Syempre naliligo!"

Naiiritang tinungo niya ang kinasasabitan ng damit. Bigla siyang na-concious dahil halos hubad siya habang naglalakad.
Sumunod ito at sinabayan ang paghakbang niya.

"Ano bang kailangan mo?"

"Pinakiusapan lang ho ako ng papa niyo na sunduin kayo."

"Kaya ko ang sarili ko!" Asik niya. Akmang aabutin niya ang damit nang maapakan niya ang basag na kabibeng nagkalat sa paligid ng puno.

"Ouch!!" Ramdam niya ang sumigid na hapdi.
Nakita niya ang dugo mula sa paang nasugatan.
Nagulat din ang binata at dumako ang tingin sa gawi ng paanan niya.

Awtomatikong inalalayan siya nito.
Wala siyang nagawa ng alalayan siya nitong makaupo. Napangiwi siya ng makitang mahaba ang hiwa ng sugat.

Nakalimutan niyang galit siya sa kaharap.
Nakahawak sya sa balikat nito na piniling punitin ang dulo ng kamisetang suot para itali sa dumudugong sugat.

Saglit siya nitong iniwan, nang bumalik ito may dala ng dahon ng kung ano na hindi niya kilala.

"Ano 'yan?! Baka poisonous 'yan?" Pinandilatan niya ito. Mahina itong tumawa.

"Kalma first aid lang ito para huminto ang pagdurugo."

"Effective ba 'yan?"

"Oo, subok ko na ito sa mga alagang hayop ni papa."

"Ano??? Para sa hayop 'yan?" Tumawa ito ng malakas.

"Pwede sa tao." Nag angat ito ng ulo at tumingin sa kaniya. Nagkasalubungan ang paningin nila.
May kung anong damdamin ang tila bumangon sa dibdib ng dalaga.

Bumilis ang pagpintig ng puso niya.
Nag iinit ang pisnge niya kaya nag iwas siya ng tingin. Tumayo na ito at inihagis sa kaniya ang bestidang suot kanina.

"Isuot mo na 'yan! Hindi mo ikinaganda ang pagligo dito ng halos wala ng takip sa katawan."
Inirapan niya ito. Bumalik ang inis niya sa kaharap dahil sa tinuran nito.

"Hello. . .beach ito! Alangan namang magsuot ako ng pantulog?!"

Pinapanood siya nito habang isinusuot ang damit. Bigla itong ngumite.
Bakit ba parang lalo itong gumugwapo kapag ngumingite?

Hindi siya gumanti ng ngite. Pero nang maalalang may sugat siya at mahihirapang maglakad pauwi. Binigyan niya ito ng ngiteng-aso.

Naiiling na inalalayan siya nitong maglakad.
Magkadaiti na ang mga balat nila, ngunit halos ayaw niyang idikit ang katawan sa binata.

"Gusto mo bang buhatin kita?" Nakatitig ito sa mukha niya.

Gusto! Sigaw ng bahagi ng damdamin niya pero hindi 'yun ang sinabi niya.

" Ayoko nga! Ewww kahiya naman sa makakakita noh!" Nagkibit-balikat ang binata.

"Sige ikaw ang bahala. Mukha namang kaya mo ng mag isa." Akmang iiwan na siya nito.

"Sandali. Sige buhatin mo na ako." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang palihim nitong pagngite.

Natanaw niya na din kasi ang sasakyan nitong L300 Van sa hindi kalayuan.
Ipinikit niya na lang ang mga mata habang nasa bisig siya ng binata.
Pilit niyang nilalabanan ang umuusbong na damdaming hindi niya papayagan.

Wayne (The Agriculturist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon