Chapter III

104 2 0
                                    

"Kumusta ka naman girl? Wala na kaming balita sayo?" Sumimangot ang dalaga kahit alam niyang hindi makikita ng kausap dahil sa celphone lang sila nag uusap ng kaibigan.

"Hay naku! Impiyerno ang buhay ko dito! "
Tumili ito.

"Ows?!! Hayss ayaw mo kasi kaming isama eh."
Sa maarte nitong tono.

"Naku hindi kayo mag i-enjoy dito."
Umikot ang eyeball niya.

"Ano ba . . .ang ganda diyan."

"Anong maganda? Dito nakatira ang kampon ni satanas."

"Ha?! Sino?" Natawa ito.

Alam kasi nito na maarte ang kaibigan. Gaya nito at ng dalawa pa nilang ka-barkada na sina Aliya at Mitch.

"Hay naku! basta panget na nilalang nakakadiri!!! Kinikilabutan ako, ewww kinarga pa ako!" Humagikgik ang kaibigan.

"Binuhat ka bakit? Oy baka naman sabi mo lang 'yan pero ubod ng gwapo ha?!" Tili nito.
Umingos si Vanessa.

"Naku ha, ang baho-baho niya ka. . ."
Natigilan ang dalaga, nasa harapan niya ang lalaking tinutukoy.
Seryoso itong nakatingin sa kaniya at ilang dipa lang ang layo sa kaniya.
Bahagya siyang namutla ng maalala ang mga pinagsasabi.

Kanina pa kaya ito? Pero eh bakit ba?! Ano naman? Sigaw ng bahagi ng utak niya.

Pinilit niyang makabawi mula sa pagkagulat, nagdadabog na  tinalikuran niya ito.

"Wala kasing tao sa harap kaya pumasok na ako." Nakasunod ito.
Inis na huminto siya at hinarap ito.

"Anong kailangan mo? Wala ang Papa!
Makakaalis ka na! " Naiinis niyang pagtataboy rito, naaalala niya kung paano siya nito ibinagsak sa putikan.
Kung ilang beses siyang naligo at nagdisinfect ng katawan.

"Hindi niya naibigay ang number niya kaya baka pwedeng makahingi." Tumaas ang kaliwang-kilay niya. Kapal!! Pagkatapos ng lahat.

"Wala akong number ng papa. Alis na!

Napabuntong-hininga ito.
Saka inilagay sa magkabilaang bulsa ang dalawang kamay.

"Nababalitaan kong saksakan ka ng arte at napatunayan ko na 'yun, pero hindi ko alam na  masama din pala ang pag-uugali mo." Tumalikod na ito.

Naiwan siyang nagpupuyos ang kalooban.

"Hoy! Kapal mo ha! Huwag ka ng babalik! Magsasaka!" Lumingon ito saka ngumite at napailing. Hindi nang iinis pero tila nagmukha lang siyang kawawa dahil sa inasal niya.

Inis na inis niyang tinungo ang kusina kung saan naabutan niyang nagkukuwentuhan ang dalawang kasam-bahay, ngunit nang makitang parating siya nagkaniya-kaniyang balik sa kani-kanilang trabaho.

"May araw ka ding panget ka!" Natigilan siya. Panget nga ba?
Nakasuot ito ng puting poloshirt at kupasing maong kanina.

Aaminin niya, hindi ito panget.
Matangos ang ilong na bumagay sa hugis ng mukha nito.
Ito 'yung tipo na pambida sa mga kilig-serye.

Napaka simple ng binata, probinsyanong probinsyano pero tila hindi naging hadlang ang wala sa usong pananamit nito.

Pero bumabagay ito sa binata.
Hindi nababanggit ng ama kung nakapag aral ang morenong magsasaka, pero siguro naman kahit papano dahil dati namang mayaman na naghirap lang.
Girlfriend?

May kuryusidad na kumislot sa isang bahagi ng dibdib niya.
Umingos siya. Pakialam ko ba!
Pero binawi ng isang bahagi ng isipan.
Malamang.

Hayss...Ewan niya pero lalo lang siyang nainis kay Wayne Darryl Malvas.

Wayne (The Agriculturist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon