Sunday morning, tirik na tirik ang araw. Pauwi na ako galing simbahan pero nakiusap sa'kin ang kaibigan 'kong si Celestina na hintayin siya. Kaya heto ako sa isang tabi, hinihintay ang kaibigan ko na bumalik sa loob ng simbahan upang magpaalam sa nanay nitong isa sa mga commentators ng parokya.
Gamit ang handkerchief sa aking kamay ay pinaypayan ko ang sarili habang sinusundan ng tingin ang mga taong lumalabas.
"Uy alam mo ba?"
Napairap ako sa narinig mula sa grupo ng mga babaeng hindi nalalayo sa edad ko nang malampasan ako ng mga 'yon. Biruin mo? Katatapos lang ng misa, chismis agad ang inatupag?!
'Gosh!'
Napatingin ako sa sapatos ko at nakita kong kumawala ang sintas nito kaya lumuhod ako at tinali iyon. Maya maya'y tumayo ako nang matapos kong magsintas. Then, I brushed my hair with my fingers and formed it into a ponytail. I was tying my hair with my cute scrunchie when I saw someone. Hindi ko natuloy ang ginagawa ko at hinayaan ang buhok sa ganoong ayos and became unaware na hindi maayos ang pagkakapusod ng panali, dahil napako ang tingin ko sa kabilang dulo ng direksyon mula sa kung saan ako nakatayo.
May isang gwapong lalaki ang nakatingin sakin at tila'y dahan dahang tumigil ang oras sa paligid. Naglalakad ito papunta sa kung nasaan ako nakatayo. He's so tall, serious and handsome. Napaka attractive tignan.
Lumingon ako sa likod ko dahil baka ang isipin ng lalaki ay assuming ako. But I found no one but people walking, heading outside the church and a group of guys na may kanya kanyang mundo. Kaya muli akong lumingon at nakita kong nasa akin parin ang kanyang tingin. Hindi ko rin mawari kung nasa akin ba talaga ang tingin dahil sa singkit nitong mga mata.
'Wait? Hindi ko naman kilala ang isang 'to. Does he know me or something?'
I said at the back of my mind. Kapagkuwan ay bigla itong kumaway sa paraang gwapo sa paningin ngunit mababatid na parang tinatamad.
"Uy ang gwapo! Hi baby!"
"Kilala niyo ba 'yan? Search niyo sa fb dali!"
"OMG girl, si Chaos yan! Kaloka ang pogi!"
Iilan lang 'yan sa mga narinig ko mula sa taong nasa paligid ko. I don't know but I sensed being proud kaya bigla din akong kumaway sa kanya at ngumiti. And I saw in my peripheral vision kung paano magulat at mapatingin sa'kin ang mga babaeng kanina lang ay pinaguusapan ang lalaki.
'Marahil kilala nga ako ng isang 'to pero 'di ko lang matandaan.'
Gan'on lang ang posisyon ko nang tuluyan itong nakalapit at saka ako dali daling nilampasan. Medyo nasagi pa nito ang balikat ko dahilan upang magising ako sa reyalidad na hindi pala ako ang kinakawayan nito. Suddenly, I heard laughters coming from the group of girls beside me kaya bigla akong nahiya. Sa pagkakatanda ko, sila din 'yung dumaan kanina habang nagchichismisan. I quickly put down my hand from the air and look where the guy went.
Nasa likod ko lang sila, kasama ang grupo ng mga lalaki. Hindi ko sila napansin kanina marahil sa iba nakatingin at may sariling pinagkakaabalahan. But what I noticed is like they were members of a band. In total they were 4 guys. Yung isang lalaki ay may bitbit na gitara at yung isa naman ay may hinahagis ito sa ere at saka sasaluhin na isang piraso ng guitar pick ata 'yon. Hindi ko naman makita 'yong isang lalaki dahil nakatalikod ito mula sa'kin, wile the guy whom I thought knew me was holding a pair of drumstick na hindi ko napansin kanina because I was mesmerized by his charms. Although they were all handsome at sa tanya ko ay hindi nalalayo ang mga edad namin. Kapansin pansin ang mga ito, from the looks, height and all.
'Halatang mga anak mayaman.'
Agaw pansin ang mga ito but my eyes were only focused at that guy, 'cause his looks speak something confusing. He has this different aura and charisma.
Pero hindi ko matanggap ang pagkapahiyang nangyari kanina. I was about to confront him but I was taken a back when I realized na ako pala ang may kasalanan. Kumaway ako pabalik without me knowing na hindi pala ako ang kinakawayan.
'Kasalanan 'to ng mga babae kanina.'
Sinamaan ko ng tingin ang grupo ng mga babaeng hanggang ngayon ay tumatawa parin. I rolled my eyes at them and flipped my hair while heading back inside the church. I also felt something's loosing and falling from my fair but I never intended to look back because of shame I got from crossing path with that guy.
BINABASA MO ANG
Every Beat of Chaos (TUD Series 1)
Teen FictionJersey Louj Dallejo is just an ordinary girl passing by. A person who's outgoing and risk taker. Kaya nga nang makilala niya ang isang Chaos Joex Forrester, the most annoying guy/drummer of the famous band called The Union Dreamers (TUD), she risk h...