CHAPTER IV

5 2 0
                                    

Chapter 4 - The First Performance

"Everyone, please form your lines according to your sections!" Sigaw ng isang guro sa harap ng  gymnasium. Agad naman nagsunuran ang mga estudyante at dali daling luminya. Bahagya pa akong naitulak ng mga estudyante sa harap at likod ko kaya parang naiipit ako. Kaya naman umalis muna doon at tumingin sa paligid.

'Nasa'n na ba si Tina? Ang sabi nito sa text, on the way na siya eh!'

Maingay ang paligid, hindi magkamayaw sa pagkukuwentuhan ng mga estudyante sa paligid. Maya't maya ay may sumigaw na estudyante.

"11 STEM - Unity! Dito ang linya!" Pagkarinig ko do'n ay agad agad akong pumila sa harap nito. Mas mabuti ng doon na ako upang hindi mahirapan sa likod.

Yes, I'm currently taking STEM strand to straight my path going to field of architecture. Simula bata ay eto na kasi ang hilig ko. Magdrawing at magdesign ng bahay-bahay. Marunong din ako pagdating sa pagguhit at pagpinta kaya naging pangarap namin 'yon ni papa, to become a successful architect.

Mula sa harap ay nakita ko 'yong mga taong abala sa stage. May mga instrumentong inaayos doon, gano'n na rin ang isang grupo ng choir  'ata 'yon sa isang tabi. Nang ilabas ang isang set ng drum ay bigla akong kinutuban.

"Owemji! First performance ng The Dreamer Chords ngayong panibagong school year! Malas ang hindi makakapanood nito ngayon." Saad ng isang babae sa may likuran ko. Sumang-ayon naman ang iba pa nitong kasama at pinagusapan kung gaano nila inaadmire ang grupong iyon. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila hanggang sa mabanggit nila ang pangalan ni Chaos. Bigla akong naalerto sa narinig at mas nakinig ng mabuti.

Hindi ako chismosa, tanging curious lang talaga ako.

"Si Chaos talaga ang bet ko do'n. First come first serve! I can't wait na maging kami in the future."

My mouth hanged open because of what I've heard. Seriously?! Maging sila in the future? Kung alam niya lang kung paano ito umasta tuwing lasing at tignan natin kung hindi ka ma-turn off.

I rolled my eyes. Unti-unti na namang bumalik sa alaala ko 'yong mga nangyari kagabi. Grabe din ang sinapit ko dahil sa lalaking 'yon! Lalo na 'nong... 'nong...

I felt my cheeks were burning when I tried to imagine him peeing. My ghad! Baka sabihin pa 'ng kaluluwa niya na minamanyak ko siya. No way!

Ipinilig ko ang ulo dahil sa mga iniisip. Ba't ko ba biglang naalala 'yong lalaking 'yon? Matapos lahat ng kamalasan at kahihiyan na naidulot niya sa'kin. Nagmistula siyang isang sumpa ng kaguluhan sa buhay ko! Kaya I better not to cross path with him anymore and act like nothing happened-no secret shared between us about him being drunk and peed somewhere in a public place.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa cellphone ko hanggang sa makatanggap ako ng text message galing kay Tina. Ang sabi nito ay nasa loob na rin daw siya ng gym at nakapila na rin sa section nila.

Naalala ko, hindi pala kami magkaklase ni Tina. She was enrolled in ABM class and fortunately sa star section ng strand. She graduated as salutatorian in Junior High that's why she was put in star section. At balita ko'y accountancy ang gusto nitong kunin sa kolehiyo. Kabilang din sana ako sa star section ng STEM strand kaya lang ay nahuli ako sa enrollment. Kaya sa last section na ako napunta. Mukhang mga basagulero at siga siga ang mga ka-klase ko. Nakakalungkot.

I, then replied to her, telling to find me later dahil nasa may pinakaharap lang ako ng stage. Maya't maya'y muling nagsalita ang isang guro sa harapan ng stage. Nagpakilala ito para sa mga bagong mukha at transferees kaya napagalaman kong siya si Mrs. Tolentino, ang principal ng school.

Every Beat of Chaos (TUD Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon