CHAPTER VI

5 2 0
                                    

Chapter 6 - Nakaw

Break time na ng mapagpasyahan naming tumigil na sa kakalaro. Halos 2 oras din pala kaming nag laro ng mga kaklase ko. Kaya naman niyaya nila akong magtungo ng cafeteria at ililibre daw nila ako pero tumanggi ako at sinabi kong may hihintayin pa ako sa kabilang section. At mabuti nalang dahil hindi na nila ako pinilit pa at nagkanya kanya na sila ng tungo papunta sa cafeteria.

Nakangiti pa ako habang nagaayos ng gamit. Napapahimig din ako sa labis na tuwa.

"Hmm... that's what you get when you left your heart win, wo-." I stopped in between when I realized I'm singing again the song that TUD performed a while ago. Napakamot ako sa pisngi at napasimangot.

Lumingon ako sa taong nasa kabilang dulo ng silid. I immediately crossed my eyebrows. Sila ang may sala kung bakit ako nagkakaganito! At hindi iyon matanggap ng ego ko. Bwisit!

Napansin kong kami nalang pala ang natitira sa room. Kaya dali dali ko ng inayos ang mga gamit ko. I searched for my phone inside my bag when I groped into something hard underneath it. I examined the thing with my bare hands until I finally figured out what is it.

'Stick? Ba't magkakaroon naman ng stick sa bag ko? At dalawa pa huh?'

Labis ang pagtataka ko nang may maramdamang sticks sa bag ko. Nag-isip pa ako ng taong posibleng maglagay no'n dito. Siguro'y si Tina na naman ang may kagagawan nito. Minsan kasi kung anu-ano din ang inilalagay nito sa bag ko. Kung hindi prutas, chichirya ay puro pocket books. Pero bakit mukhang nag iba naman na yata ito ng trip at sticks ang naisipang ilagay sa bag ko?

Hinalungkat ko 'yong bag ko hanggang sa isuksok ko doon sa loob 'yong ulo ko. At gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa nakita. I even blinked my eyes twice to make sure the thing I'm holding is real.

'Familiar!'

Unti-unting nagsink in lahat ang nangyari sa'kin kahapon. From that night when I helped him because he's drunk. Naalala ko, kinuha ko nga pala 'to sa kanya no'n at saka ibinag dahil sa takot na baka mawala 'yon. And unfortunately, nakalimutan kong isauli.

I need to act normal. Tumikhim ako at saka dahan dahang ibinaba 'yong bag ko. Lumingon ako sa lalaking nagmaymay-ari ng itim na drumsticks na nasa bag ko. Gaya ko ay nag-ayos na rin ito ng gamit.

Isasauli ko ba? Pero nahihiya ako. Isa pa, mukhang hindi niya naaalala 'yong nangyari sa kanya kahapon. Baka mamaya pagbintangan pa niya akong magnanakaw. Isasauli ko nalang kay Flores-teka? No. Bakit ko 'to isasauli? Serves him right. Hindi ko na 'to ibabalik. Bayad nalang sa mga ginawa niya sa'king mga pasakit sa ulo na hanggang ngayon ay gabi gabi parin akong dinadalaw.

An evil grin appeared on my lips while looking at him. Until I realized that he's already looking at me too.

"You're weird." Puna sa'kin nito.

"Wala akong pake, hindi ito nakaw." I answered absentmindedly. Napakunot naman ang noo nito at humarap sa'kin. His full attention were now on me.

"Nakaw? Anong nakaw? You're a thief?" Tanong nito sa'kin na may halong pagbibintang sa singkit niyang mga mata. I hissed for what he said.

"A-Anong nakaw ang pinagsasabi mo diyan? M-Masyado kang bintangero ha." I tried to act normal habang sinasabi ko ang mga iyon. Nagmaang maangan ako habang pasimpleng sinesermunan ang sarili sa isip ko. Agad kong kinuha ang bag ko ng akma itong lalapit sa'kin. I stopped him in between pero hindi siya sumunod kaya nataranta ako at marahas kong isinukbit 'yong bag sa likod ko na dahilan ng pagkakatama nito sa dibdib niya. Sayang! Bakit hindi nalang siya sa mukha tinamaan?!

Dali-dali kong tinahak ang pintuan ng silid. Nang makalabas ako ay muli akong lumingon sa kanya pero tinignan niya lang ako ng may pagdududa at saka sumenyas ng 'I'm watching you'. Well, I don't care. Basta ang mahalaga, hindi niya malalaman na may importanteng bagay akong kinuha mula sa kanya. Kasalanan niya rin 'yon. Hindi siya nagpakita ng kabutihan sa'kin.

Every Beat of Chaos (TUD Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon