CHAPTER II

8 2 0
                                    

Chapter 2 - His Name

"Ms. Dallejo!" Nang marinig ko ang tawag sa apilyedo ko ay dali dali akong pumunta sa harap ng registrar office upang tanggapin ang form na may selyo at nakatatak na 'officially enrolled.' Bukod do'n ay tinanggap ko din ang nakalagay sa plastic bag na P.E uniform ko at saka nagpasalamat sa guro.

May isang araw na rin ang nakalipas mula sa nangyaring pagkapahiya ko sa surprise party nila sir Aries. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakauwi ng maayos. After kasi sa nangyaring tawanan ay nagpaalam na akong umuwi subalit pinakain pa ako nila sir Aries kaya wala akong nagawa. Pinilit 'kong nginuya at lunukin ang mga pagkaing inihain sa plato ko. Salo-salo din kami sa hapag, including the 4 guys. At batid 'kong ginabi na rin ako ng uwi kahapon. Balak pa akong ipahatid kay Flores, since magkakilala daw kami subalit todo tanggi ako kaya wala silang nagawa. Nagpasalamat nalang ako sa kanila at dali daling tinahak ang daan pauwi. Muntikan pa akong mahabol ng aso nila aling Maria, paano naman kasi, ginawa kong running field 'yong kalsada. At pagkauwi ko' y nagkulong ako sa kwarto, hiyang hiya sa mga pangyayari. Pati sa panaginip ko ay sila parin ang nakita ko.

'Lagi ko iyong babaunin sa buhay ko. Hays. Kainis!'

Matapos kong makuha ang ibinigay ng registrar ay tinawagan ko si Celestina, dahil bigla siyang nawala sa tabi ko habang sinasamahan akong mag-enroll. Mas nauna kasi itong nakapag enroll sa'kin at dati na rin siya dito sa school na 'to. Bale ako ay nag aral ng junior highschool sa public school malapit sa lugar namin and since they are not offering senior high, dito na ako nag enroll.

Nakailang ring na ako sa number niya pero hindi niya sinasagot. Kaya halos ibato ko ang cellphone ko sa inis. Basta nalang kasi niya ako iniwan ng walang paalam. Hindi ko pa naman alam ang pasikot sikot dito sa school.

Aalis na sana ako nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Luminga-linga ako sa paligid and boom! Do'n ko nakita si Celestina na kumakaway habang may dalang mga pagkain at inumin, bitbit ng kanyang dalawang kamay. Kakaway na din sana ako pabalik nang may bigla akong maalala. Para masiguro ay lumingon ako sa likod ko, only to see it clear, walang tao. Basically ako nga ang kinakawayan ni Tina. Nakakatrauma naman kasi 'yong nangyari sa'kin sa simbahan.

To make it sure, hindi nalang ako kumaway pabalik at tinulungan nalang siya sa mga hawak niyang pagkain.

"Bigla ka nalang umalis ng walang paalam!" Inis na turan ko. Ngumiti lang siya at nagkamot ng ulo.

"Hehehe sorry na Ya, nagutom kasi ako bigla. 'Tsaka ayan oh, libre ko na sa'yo 'yang mga 'yan." Napatingin ako sa hawak ko. Isang C2 na medium size, isang pringles at dalawang piraso ng hotdog na nakalagay sa isang paper cup. Pag tingin ko sa hawak niya ay gano'n din ang kaniya. Bigla naman akong nakonsensya dahil sa tuwing magkasama kami ay halos lagi niya akong nililibre dahil laging kulang ang pera ko.

"Hayaan mo at kapag naibenta na namin ang lupa ng lola ko, ikaw din ililibre ko." Sabi ko sa kanya.

"Oo na! Bahala ka. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit eh." Sagot nito sabay kagat sa hotdog.

I heaved a sigh. Kung hindi lang sana nawala si Papa, siguro di kami naghihirap ngayon. Si mama ay nagbebenta ng mga kakanin sa palengke habang ang ate ko naman ay nagpapart time sa isang convenient store. Graduating na din ito kung kaya siya muna ang kailangang paggastusan ni mama at kaya gano'n nalang din ako kapursugido maghanap ako ng pwedeng pagkakitaan. Pag naging ganap na guro na si ate, ipinangako niya sa'king siya na ang bahala sa pagpapaaral ko. Kaya labis ko iyong ipinagdadasal kay God. Labis din akong nagpapasalamat na kahit sa ganitong kalagayan ko ay naging matalik na kaibigan ko si Tina. Noong elementary kasi, lagi siyang sumasabay umuwi sa'kin hanggang sa siya ang unang lumapit at unang nakipag kaibigan sa'kin. And I'm thankful until now ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sa'kin kahit na may iba pa itong mga kaibigan. Sa dati 'ko kasing eskwelahan ay maraming siga, palaaway at palaban na mga kaklase. Kaya hindi ako masyadong nakikihalubilo no'n at walang kinilalang matalik na kaibigan.

Every Beat of Chaos (TUD Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon