Ilang linggo na ang lumipas at sa loob ng ilang linggong 'yon, mas madalas ko na siyang kasama. Kahit na nagre-reviw siya para sa upcoming bar exam sa condo niya. Ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya na baka hindi siya makapag-concentrate dahil sa presensya ng ibang tao sa paligid niya pero nag-insist pa rin siya na roon na lang daw ako.
Hindi na din naman masama dahil wala naman akong ginagawa sa bahay. Nag-iingat lang ako sa mga galaw ko at sinisigurado na wala akong ingay na ginagawa na posibleng maka-istorbo sa pagre-review niya.
And within those days, weeks and months of being with him, I knew him more than I knew him before. And yes, I can't deny the fact that I am already feeling something towards him that I didn't felt before. Even once. Those so-called feelings were growing more and more every single day whenever I am with him especially when I see that determination in his eyes to pass the bar exam. All things in his life were already planned.
"How's school?"
Napabaling ako sa kaniya ngayon na nakasandal na ang likod sa sofa at naka ayos na ang mga papel sa mesa. Mukhang tapos na siya sa pagre-review.
"Okay lang. Ikaw? Kumusta review mo?" Tanong ko sa kaniya. Well obviously, okay na okay ang pagre-review niya. Every time na tapos na siya sa pagre-review para sa araw na 'yon, nago-oral recitation kami. Ako ang nagtatanong tapos siya naman ang sasagot. Halos wala pang isang minuto ay agad niya na 'yong nasagot.
"Okay na okay!" Masigla niyang sabi at nag-thumbs up pa.
Malapit na rin ang bar exam kaya todo na ang review niya. Tapos na siya sa lahat kaya binabalikan niya na lang mga unang papel para ma-refresh iyon sa utak niya.
Nang matapos namin ang kakemehan sa condo niya, hinatid niya naman ako sa bahay at doon na rin siya naghapunan gaya ng dati.
"Good morning, Selene!" Boses kaagad ni Ace ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa room. Hindi na nga kami nagkahiwalay simula no'ng highschool. "May tanong ako! May tanong ako!" Paulit-ulit niyang sabi saka ako hinatak paupo sa usual seat ko.
Nakangisi siya na para bang sayang-saya habang hinatak din ang upuan para tumabi sa akin.
"Bakit may T ang mighty?"
"Ha?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Napakawalang kwentang tanong! Akala ko kung anong importante. "Bakit?"
"Kasi Mighty," nakangising sagot niya. Umismid ako saka tinulak ang mukha niya. Hindi na rin naman siya nambwesit pa dahil dumating na ang prof namin para sa unang subject ngayong araw.
As usual, the class finished peacefully at siyempre, hindi mawawala ang pagiging sabog ng utak ko. Mas lalong nagle-level up ang mga problems kaya kahit na anong sikap ko na i-level up din ang skills ko, hindi ko magawa.
Hindi ako nagpasundo kay Pierce ngayon dahil sabi ko sa kaniya ay mag-focus na lang muna siya sa review niya o di kaya'y magpahinga na lang muna dahil pakiramdam ko ay drained na drained na siya. Siyempre, ilang buwan na pagre-review para sa upcoming bar exam.
"Una na ako, ah?"
Nag-angat ako ng paningin kay Blake na nagmamadaling tumayo at umalis. Mas naging busy na rin ang schedule niya dahil huling taon na niya sa college at pagkatapos dito, ima-manage na niya ang airline nila.
"Excited kang makasama ang iba mong kaibigan?" Nang-aasar na sabi ni Ace. "Bakit, nagsasawa ka na ba sa mukha namin?"
"Sa kanila, hindi. Pero sa mukha mo, oo."
"Fake friend!" Sigaw ni Ace bago pa tuluyang makalayo si Blake sa amin.
The week went smoothly. Tomorrow's already sunday and the first day of the bar exam. Hindi pa nga ako makapaniwala na sunday gaganapin ang bar exam. Wala lang, hindi kapanipaniwala.
BINABASA MO ANG
Splendiferous Crescent
RomanceCOMPLETE I let myself stand and be illuminated by the splendiferous crescent. The splendiferous crescent that matters to me the most and witness everything. One day, she will be whole with me. She will shine but not as a crescent anymore but as a wh...