I woke up the next day, feeling comfortable because of the cold temperature of the room. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at itinaas ang paningin para lang makita si Pierce na nakabaluktot at ginaw na ginaw habang ang lahat ng comforter ay nasa akin.
I stared at him as I admire those thick eyebrows and long eyelashes of him. His pointed nose, perfectly defined jaw and a bit thin lips just added points to the scoring of his gorgeous face.
Putcha!
Maingat akong umalis sa kama at nilagay ang comforter sa katawan niya. Dumiretso ako sa bintana at bahagyang binuksan ang makapal na kurtina para masilip ang nasa labas. I automatically smiled when I saw the pouring rain. It's his favorite weather.
Agad akong nag-suot ng bra at– pucha! Nag-init ang pisngi ko nang mahawakan ko ang dibdib ko. Agad kong tinapos ang ginagawa at bumaba. Hinayaan ko muna si Pierce na mahimbing na natutulog sa kwarto.
I spread my arms as I let the rain wet me. Ang bibig ko ay bahagyang naka-init at nakabuka kaya ang ilang butil ng ulan ay napapasok sa bibig ko. Okay lang 'yan, hindi naman 'to galing sa bubong kaya siguradong walang mga ihi ng daga rito.
It's still early yet the sky's already gray as the pour of the rain became heavy and heavy. I closed my eyes more as I felt the warmth despite of the cold weather this body behind me has gave.
Agad akong humarap pero ang yakap niya sa baywang ko ay hindi pa rin na-alis. "Bakit nakasimangot ka riyan?" tanong ko sa kaniya. "It's your favorite weather!" pagpapaalala ko.
His pout didn't left his lips. "It's my favorite weather but when I woke up, my favorite person wasn't beside me already," aniya at nag-iwas ng tingin. Ngayon ay nakatingala na sa langit. Minsan ay napapapikit kapag tumatama ang butil ng ulan sa mismong mata.
"Nandito na ako, oh!" sabi ko. I even spread my arms for him to see that I'm here.
Hindi niya ako pinansin at nanatili lang nakatingala sa langit. Mayamaya ay may binulong siya sa kawalan na hindi ko naintindihan.
"Ha?" tanong ko. "Ano 'yon?" Hinawakan ko pa ang panga niya at pilit na pinaharap sa akin. "Anong sinabi mo?"
"It's nothing," he said as those emerald-green eyes of him stares at me intently.
"Anong nothing? May sinabi ka," pagpilit ko pa dahil tinanggi niya. Totoo naman! Meron siyang sinabi!
Nag-iwas ulit siya ng tingin. Kahit na umuulan ay hindi nakatakas sa akin ang namumula niyang pisngi kaya tinusok-tusok ko 'yon para asarin siya. Ang cute niya!
"Meron kang sinabi! Ano 'yon?"
Nakita kong gumalaw ang adams apple niya dahil sa ginawang paglunok. Ang pisngi ang mas lalo pang namula. "You didn't even greet me good morning," he said then rolled his eyes on me. Wow!
Natawa ako sa sinabi niya. Kumawala ako sa yakap niya at bahagyang lumayo. "Good morning, my love! Enjoy your favorite weather!" sigaw ko at tumawa sa kaniya. Nakita ko naman ang munting ngiti sa labi niya at dahan-dahang lumapit sa akin.
"Good morning, my love. I'll enjoy my favorite weather with you," he said before he leaned to kiss me on my lips. "I love you."
Matagal tumila ang ulan. Mukhang may bagyo yata kaya matagal rin kaming nagpakabasa roon. Malawak ang lupa ng rest house nila kaya naman ay pagod na pagod ako habang tumatakbo, hindi hinahayaan si Pierce na mahuli ako dahil kapag ako naman ang taya, kawawa ako at hindi talaga siya mahuhuli.
Mataas siya at ang laki ng bawat hakbang niya kayang walang duda na hindi ko nga siya mahuhuli kung ako na ang taya.
Sunod-sunod ang kidlat at pawang malalakas. Senyales na patapos na ang ulan. Nang makaramdam ako ng pagod ay inihilig ko na ang likuran sa puno ng mangga hindi kalayuan sa mismong bahay.
BINABASA MO ANG
Splendiferous Crescent
RomanceCOMPLETE I let myself stand and be illuminated by the splendiferous crescent. The splendiferous crescent that matters to me the most and witness everything. One day, she will be whole with me. She will shine but not as a crescent anymore but as a wh...