Inis akong nakatingin sa salamin ng banyo at tinitingnan ang sariling repleksyon habang nilalagyan ng concealer ang dalawang marka sa leeg at isa sa balikat ko.
"Matagal pa ba 'yan?"
Mula sa loob ng banyo, pairap kong tiningnan si Pierce na prenteng nakahiga sa kama at ang dalawang kamay ay nasa ilalim ng ulo. May munting ngisi sa labi na alam kong nang-aasar.
Inirapan ko lang siya at ibinalik muli ang tingin sa salamin. Kung hindi sana dahil sa ginawa niya ay kanina pa kami nakababa rito at sana ay nag-aalmusal na.
Kung hindi ko lang siya pinagtabuyan kanina ay hindi lang ito ang marka ko. Uminit muli ang pisngi ko at nakaramdam ng kaunting hiya.
The room last night was filled with moans and whimpers. Every word comes out from our mouth was full of pleasure. Despite of the cold temperature of the room, beeds of sweat were still constantly falling from our forehead as we aim to reach for that something.
I did some finishing to make sure that it's properly covered. Tumayo ako at pumunta sa cabinet kung saan nilagay ang mga gamit namin at kinuha roon ang tropical-croptop-back-lace up-turtleneck rash vest.
Alam kong mababasa pa rin ako ngayon at ang itaas na parte ng katawan ko kaya mabuti nang sigurado.
"Balot na balot," komento ni Pierce nang makita akong suot ang rash vest. Pinaresan ko ito ng short shorts.
"Kung hindi ka sana naging malandi kagabi, hindi sana ganito suot ko!" pagsusungit ko.
Binigyan niya lang ako ng malutong na tawa at kinuha ang dalawang wayfarer sa bed side table saka ibinigay sa akin ang isa.
He held my waist while he inserted his other hand in his pocket. Para siyang artista sa ayos niya. Ang dalawang butones ng white polo niya ay nakabukas kaya naman kita nang kaunti ang kaniyang dibdib.
"What do you want for breakfast?"
"Ikaw," sagot ko na ikinataas ng kilay niya. Sumilay na naman ang mapaglarong ngiti sa labi.
"Hmm?"
"I mean… ikaw, ikaw bahala," paliwanang ko.
Kagaya ng dati at nakasanayan niyang i-order kapag kumakain kami sa labas, unang sinasabi ang beefsteak at ang iba ay mga sea foods na at ang best seller na pagkain ng hotel.
Pagkatapos kumain at magpahinga nang ilang oras ay sinubukan namin ang mag-scuba diving. Kasama na lahat ng activities sa binayaran namin no'ng nagpa-book kami kaya naman ay sinusulit namin para hindi kami gaanong lugi.
Bago pa man kami tumalon at mag-dive na, may tinuro pa ang tatlong tao na gagabay sa amin. Pinaalahanan kami ng mga bagay na hindi dapat kalimutan at may tinuro pang basic hand signals kapag nasa baba na.
Mga coral reefs na may magagandang kulay, mga isda na hindi gaanong nakikita sa upper part ng dagat ay klarong-klaro. Magkatabi lang kami ni Pierce at ang tatlong guide ay nasa likod lang namin para bantayan kami.
Nakahawak lang din ang kamay ko kay Pierce sa buong panahon na nasa ilalim kami dahil baka mawala ako. Mahirap na at baka saan pa ako mapunta. Medyo takot pa naman ako sa dagat lalo na sa ilalim na parte at medyo madilim.
"Ang ganda mo…" mahinang bulong ni Pierce nang makababa kami sa yacht. Napailing na lang ako habang nakangiti.
We spent our three days doing all the activities that were covered in the package we have paid during our booking.
Since last day na namin 'to rito sa Isla, napagdesisyonan naming magluto para sa hapunan. May maliit na palengke naman na may paninda kaya roon kami bibili ng mga sangkap.
BINABASA MO ANG
Splendiferous Crescent
RomanceCOMPLETE I let myself stand and be illuminated by the splendiferous crescent. The splendiferous crescent that matters to me the most and witness everything. One day, she will be whole with me. She will shine but not as a crescent anymore but as a wh...