KABANATA 29

144 8 8
                                    

I let silence reign inside his car we are occupying. Even my breath were controlled for I don't want to create any loud sound.

Hindi rin naman siya nag-abalang magsalita pa at diretso lang ang seryosong tingin sa daan habang nagmamaneho. Pamisan-minsan din akong bumabaling sa kaniya pero kapag ramdam ko na alam niya ang ginagawa ko, ibabalik ko ang tingin sa kalsada.

This is so awkward! Kung sana ay hindi lang 'yon nangyari sa sasakyan ko, malaya sana akong nakikinig ng kung anong kanta habang nagmamaneho pauwi.

I wonder who the hell did that. I wonder who the hell sabotaged me and what's that person's motive as to why he or she did that.

Pwede naman kasing pag-usapan lang at kung may galit siya sa akin, sabihin niya! Hindi 'yong basta-basta na lang bubutasan ang gulong ko at ipapasok ako sa sitwasyong 'to na sobrang awkward.

"Sa kanto lang ako," pagputol ko sa hatahimikan na namamayani sa aming dalawa. "Ako na ang bahalang maglakad papasok. Ilang bahay lang naman ang dadaanan."

He just chuckled that made me feel the awkwardness even more.

"Don't worry," aniya. "May pupuntahan din ako. Madadaanan lang naman ang bahay niyo kaya huwag ka nang mag-alala. Ihahatid talaga kita sa mismong bahay niyo."

Hindi na ako tumanggi pa at pinilit ang gusto ko dahil ayaw ko namang magmatigas. Sobrang pang-aabala na ang nagawa ko sa kaniya at ayaw ko nang magdagdagan pa 'yon.

Ginawa niya ang sinabi niya. At hindi lang iyon, pumasok pa siya sa loob ng bahay at nagpakita sa mga magulang ko kaya tuloy, sobrang gulat ang nakita ko sa eskpresyon nila. Liban kay kuya na nakataas lang ang dalawang kilay.

"Oh!" si Mamà nang makabawi na sa pagkabigla. "Hijo! Come here and join us. Tamang-tama ang dating niyo."

Nag-aalangan naman akong pabalik-balik na tumitingin sa kay Pierce saka sa magulang ko sa harapan namin.

"Ma, may pupuntahan pa siya-"

"It's okay," si Pierce sa malambot at maamong tono. "It's been so long since I have dinner with your family so I won't refuse."

Napakurap-kurap ako nang ilang beses habang nanatiling nakatayo sa pwesto ko. Samantalang si Pierce, nasa hapag na. Nakangiti at pinagsisilbihan ni Mamà.

Ang sabi niya ay pupuntahan daw siya at madadaanan lang ang bahay namin papunta roon kaya nag-offer siyang ihatid ako sa bahay. Hindi ko naman inakala na papayag siyang mag-dinner dito kasama kami.

It's not that I don't want him here, though. I was just confused because of his sudden shift of decision. Baka ay matagal na pala ang paghihintay ng kikitain niya at nabagot na iyon doon.

"Tita, let's eat na," sabi ni Zecharius na nagpapukaw sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya saka lumapit para halikan siya sa noo. "Magbibihis lang ako, Zeph," paalam ko bago tumalikod ulit pero hindi natuloy dahil nagsalita si Mamà.

"Hija," Mamà laughed softly while waving her hand as if she's dismissing something. "Eat first. Late na at alam kong gutom ka na," then she stood up and pulled the chair in front of Pierce.

"Upo ka na, tita," nakangiting sabi ni Zeph. "Tabi tayo."

Sabay naman ay ang paglahad ni Mamà ng kaniyang kamay sa upuan na para bang sinasabi na umupo na ako.

Left with no choice, I took a seat. Infront of Attorney Zervantes who's comfortably smiling while talking with my parents.

Habang siya ay tuwang-tuwa habang kausap ang buo kong pamilya, ako naman ay tahimik lang na kumakain. Nagsasalita lang din kapag may tanong sa akin o di kaya'y may sasabihin si Zeph.

Splendiferous CrescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon