KABANATA 12

226 8 12
                                    

Ganado ako sa bawat araw ko sa school. Kahit pa na medyo nahihirapan, hindi pa rin nawawala ang magaan na pakiramdam ko. Nakatutulong din 'yon para gumaan ang mood ko at hindi ma-stress kahit na ang dami ng requirements na binigay sa amin. 

"Okay, I'll be forming a group consists of four person only."

Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi ng prof namin. Dahil malapit na ang Christmas break, sinulit na talaga nila ang natira naming araw sa taon na 'to. 

"Sir, may we just choose our own group?" tanong ng ka-block mate ko pagkatapos siya ituro ni sir nang magtaas siya ng kamay. 

Agad naman na umiling si sir dahil disadvantage raw 'yon para sa iba lalo na sa mga shy-type or wala masyadong ka-close doon. Baka hindi sila magkaroon ng kagrupo kapag ganoon. Kaya ang ginawa ni sir, sa seating arrangement na lang siya bumase. 

Kagrupo ko si Ace dahil nakipagpalitan siya ng upuan sa totoo kong katabi kanina. Pati na rin ang dalawa pa naming ka-block mate na nasa harapan namin. 

"Hindi ba ay 'yon 'yong katabi mo?" Nginuso pa ni Ace ang lalaking dapat ay kagrupo namin.

Umiling lang si Chiara at marahang tumawa. "Hayaan mo 'yon, trip niya 'yon, e."

"Sus, may misunderstanding kayo, 'no?" Pang-uusisa pa ni Ace at mas lumapit pa kay Chiara. "Aminin mo, kayo na, 'no?" 

Nakita ko kung paano namula si Chiara at mabilis na tiningnan si Ace habang nanlalaki ang mga mata. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at tinuon na lang ang pansin sa papel kung saan niya sinusulat ang pangalan naming apat. 

"Hindi, ah! Kaibigan lang kami mula pa dati kaya ganoon kami ka-close," pagtanggi niya. 

Dahil sa conversation nilang dalawa ay tiningnan ko rin ang parte kung saan nakapwesto ang grupo nila Brient. Sakto naman na nag-angat siya ng tingin saka dumapo ang paningin niya sa grupo namin– mali! Dumapo pala talaga ang paningin niya kay Chiara. 

Nang ibalik ko ang tingin sa kagrupo ay sakto naman na nakita ko na kakagaling lang din ni Chiara sa paglingon. Nakita ko rin na mas namula pa ang mukha niya while her lips are now in a thin line. 

"Hindi ba ay relatives kayo?"

Napataas ang dalawang kilay ko maging ang kay Ace. Pati rin ang mata ko ay bahagyang namilog dahil sa sinabi ng isa pa naming kagrupo na si Ravien. 

Ngumiti si Chiara at dahan-dahang tumango. "Oo, pero malayong relatives na."

Tumango-tangon naman si Ace at ginawaran si Chiara ng isang mapang-asar na tingin. "Pwede 'yan! Malayo naman, e!"

Tinawanan lang siya ni Chiara at iniba ang topic. Nakipagsabayan na lang din ako sa topic niya dahil nahahalata kong hindi siya comfortable na pag-usapan 'yon.

Nabigla rin ako kay Ace. Matagal na niya 'yong nahahalata at minsan ay kinikwento pa sa akin pero hindi ko talaga naisip na darating ang time na pakikipag-usap siya kay Chiara tungkol doon. 

Bago mag-ring ang bell ay binigyan na kami ng instructions ni sir kung anong gagawin at kailan ipe-present ang output namin. Next week pa naman 'yon kaya napagdesisyonan na lang naming sa weekend na lang gawin.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso naman kami ng grupo sa likod na parte ng school kung saan may gazebo at pinag-usapan ang ibang details about sa project namin. 

Kinabukasan ay naging normal naman ang araw ko. May dalawang subjects kami na absent ang prof kaya diretso kami ni Ace sa kainan ng school na medyo malapit lang sa building kung saan gaganapin ang next class namin. 

Splendiferous CrescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon