"Drink this."
Tiningnan ko ang inabot niya sa'king tubig pero pinikit ko lang ang mga mata ko ng makaramdam 'ko ng pagkahilo. Kinuha niya ang kamay ko at inabot sakin ang tubig ulit, pero di ko ginalaw 'yon. Wala 'kong lakas para buksan 'yon.
He let out a sigh before he took the bottle again from my hand and opened it. "You need to be sober. Just drink this water."
Tumango 'ko. Kinuha ko sa'kanya 'yong tubig at nilagok kaagad 'yon. May natapon pang tubig sa damit ko, pero pinabayaan ko nalang 'yon. Bahala na kung mabasa 'yon. Masiyado 'kong nahihilo para mag in-arte pa!
Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan niya at nagmaneho. Ang bilis na'man masiyado. May hinahabol ba siya? Nahihilo kaya ako! Tumingin ako sa bintana, para 'di ako makaramdam ng hilo pero mas nahilo pa ata 'ko dun.
"Bagalan mo."
"What?"
"Drive slowly." I answered and closed my eyes. "Nahihilo ako."
Naramdaman ko na'man na bumagal ang pagpapatakbo niya. Minulat ko ulit ang mga mata ko at tiningnan siya. I blinked twice, staring at him. Seryoso siyang nagmamaneho pero ang gwapo niya pa rin. I giggled before looking at the road again.
Napasimangot na'man ako ng maalala ko na na'man na kanina niya pa 'ko 'di pinapansin. Kahit isang sagot, wala. Gusto 'kong umiyak dahil 'di niya ko pinapansin. Ewan ko ba, hindi na'aman ako ganito, e. Dala na rin siguro 'to ng kalasingan ko.
"Bakit ayaw mo ko kausapin?" Tanong ko. "Pati libro, ayaw mo 'kong sagutin. Hindi ko na'man kukunin sayo, e." dugtong ko na nakatingin pa rin sa'kanya.
"Economics." He answered after a few seconds.
"What?"
"Book." He seriously answered while driving.
I nodded and giggled. "You're into business?" I asked.
He nodded.
"You?"
"I'm into you." I answered and laughed.
He looked at me for a second before he looked at the road again. He just shook his head lightly. Natawa na'man ako sa'kanya. Lasing na nga ako at nahihilo pa, pero nakuha ko pang lumandi!
Tiningnan ko 'yong bintana, ang ganda na'man ng gabi. Tanging makikita mo lang puro ilaw mula sa sasakyan at mga tindahan na nakabukas. Idagdag pa na kasama ko 'yong crush ko. Sinong hindi matutuwa dun? Kinikilig ako!
"Ang ganda ng gabi." Sambit ko na nakatingin pa rin sa bintana.
"Yeah." He mocked me. "How's your date?"
Kumunot ang noo ko. Humarap ako sa'kanya at tiningnan siya nang nagtataka, kahit pa alam ko na 'di niya ko nakikita dahil nagmamaneho siya. Pero ano ba 'yong tinutukoy niya? Date? Grabe na'man siya 'di niya pa nga 'ko tinatanong, e. Pero pwede rin na'man, para advance.
I playfully smiled at him. "What date? Are we dating?"
"No." He simply answered.
"E, anong date?"
He didn't answer me and just ignored me. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Hindi na na'man 'ko kinakausap. Nakakainis lang 'yong tipong magtatanong siya, sasagutin ko. Pagdating sa'kin wala man lang sagot. Ang unfair na'man! Ano ba kasing problema niya?
YOU ARE READING
Until the Midnight (La Querencia Series #1)
Teen FictionUnder this cloudy midnight, the last words that came out of his mouth were also the words that broke my heart into a million pieces. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.