Chapter 9

9 0 0
                                    

"Kararating mo lang?"



Tumingin ako kay Eira na nakaupo lang sa sofa habang nanonood. Tumango lang ako sa'kanya, dahil hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kanina. Gusto 'kong bigyan ng pagkakataon si Hayes na magpaliwanag, pero kapag naaalala ko 'yong babaeng kasama niya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Crush ko lang na'man siya, ah.



I sighed. I can't understand myself anymore. Gulong-gulo na 'ko. Alam ko wala 'kong karapatan na magalit o mainis man sa'kanya, dahil wala na'mang kami. Hindi ko na rin maintindihan kung may nararamdaman ba siya sa'kin? Gusto ko ng sumigaw sa sobrang inis. His actions are making me confused. Ayoko na'man umasa, dahil alam ko masasaktan lang ako.



I know I rejected a lot of guys, and I was a bit harsh to them. Hindi ako nagdadalawang isip na tanggihan sila. I wasn't the type of girl that will lie just to make the other feel better. Mas maganda nang masaktan ka sa katotohanan. Pero bakit pagdating sa'kanya, ibang-iba? Naguguluhan na rin ako. I mean, sometimes he would approach me, and he wasn't also cold to me anymore. Ayoko na'man na isipin na pinapaasa niya lang ako, dahil alam ko na hindi na'man siya ganun. I shooked my head. Litong-litong na talaga 'ko.



"Nakita ko si Hayes." Sambit ko.



"Ha? Anong nangyari? Okay kalang ba?" Sunod-sunod niyang tanong.



"Oo." Maikling sagot ko sa'kanya.



"E, anong nangyari? Nakapagusap na ba kayo? Anong sabi niya sayo?" Lumapit siya sa'kin at tumayo sa harapan ko.



I took a deep sighed and ruffled my hair a bit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto niya pala 'ko makausap, pero hindi niya 'ko pinansin ng limang araw. Dumagdag pa 'yong Ezra na 'yon. Naiinis na talaga ako! May pakapit-kapit pa siya sa braso ni Hayes, tapos hindi man lang tinanggal ng lalaking 'yon.



"Hindi na nga kami nakapagusap, may babaeng sumulpot pa!" Sagot ko at pinagkrus ang aking kamay.



"Ah.. 'yong nakita na'min? Malay mo na'man walang something sa'kanila."



Huminga ako ng malalim. Alam ko walang something sa'kanila. Best friend siya ni Hayes. E, ako? Ano na'man ako sa'kanya? "Mag kaibigan sila." Saad ko at yumuko.



"Gaga! Kaibigan lang na'man pala, e. Tanungin muna kasi siya kung anong meron kayo. Hindi 'yong nanghuhula ka. Kailan ka pa naging manghuhula, ah?" Tinaasan ako ng kilay ni Eira.



"Ako 'yong naii-stress sa'inyo, e!" Bumuntong hininga siya bago umalis sa harapan ko.



Bumuntong hininga ako at pumunta nalang sa kwarto ko. Magpapahinga muna 'ko, bago maligo. Pagkatapos ko nagdala nalang ako ng pagkain sa kwarto ko, dahil wala 'kong balak bumaba. Gusto ko mapagisa para malinawan na'man ang isip ko.



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagtataka 'kong tumingin sa orasan. It's already 3PM. Kumunot ang noo ko ng may marinig 'kong mga boses sa baba. May mga tumatawa. Agad 'kong bumangon sa sobrang kaba ko. Umalis ba si Eira? Hindi niya ba nasarado ang pinto?



Bumuntong hininga ako ng marinig ko na boses 'yon nina Eira. Nandito ata sina Mavery. Pero hindi sila nakakatuwa. Halos pigil hininga na ang ginawa ko habang bumababa ng hagdanan.



"Bagong gising, ah."



Bungad sa'kin ni Levi ng makita niya ako na nakatingin sakanila. Nakaupolang sila sa sofa at  nanonood habang kumakain. Si Mavery na'man nagta-type lang sa phone niya. Tiningnan ko lang si Levi bago umupo sa upuan.



Until the Midnight (La Querencia Series #1)Where stories live. Discover now