"Saan ka galing?"
Bungad sa'kin ni Eira pagkabukas ko ng pinto. Kaagad 'kong napahawak sa dibdib kosa sobrang gulat. Bakit ba siya nanggugulat? Hindi man lang nagsabi na pupunta.
"Nag grocery ako." Sagot ko at nilapag sa lamesa ang pinamili ko.
"Oh, tapos?"
Lumingon ako sa'kanya, nakataas siya ng ng isang kilay at nakakrus pa ang kamay habang nakatingin sa'kin. Feeling ko tuloy nanay ko siya tapos ginabi ako ng uwi kaya nagagalit siya ngayon.
"Bakit ka 'ba nandito, ha?" Pagiiba ko sa usapan.
"Papaalala ko lang 'yung utang mo." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Hoy, ang kapal mo! Wala 'kong utang sa'yo! Umayos ka nga."
"Ito na totoo na 'to." Tumawa siya. "Tuloy tayo sa monday kaya magimpake kana."
Tumango ako sa'kanya. Excited na excited, ah. Hindi halatang grabe ang ginawa niyang pamimilit sa'min para lang samahan siya.
Pumunta muna ko sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko bago umupo sa sofa. Kinuha ko ang phone ko para i-dm si Hayes. Hindi kasi kami nagkita kanina, paano na'man kasi 'yung alarm ko sa phone hindi ko na set kaya 'di ako nagising. Oh di'ba, ang galing lang.
aziamores: Good morning baby
hayessuarez: morning
hayessuarez: Have you had your breakfast?
aziamores: Yes
Kinagat ko ang labi ko bago nagtype ulit. Kailangan 'kong kumalma dahil nandito si Eira.
aziamores: may ginagawa ka?
aziamores: punta ako sa condo mo, sabay tayo lunch.
hayessuarez: Do you want me to pick you up there?
aziamores: hindi ok lang, ako na lang
hayessuarez: you sure
aziamores: hahaha oo nga, baka mas lalo pa 'kong mafall niyan sayo
hayessuarez: Lol okay take care
Kaagad 'kong pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng sky blue na t-shirt at white na shorts. White converse. Pinabayaan ko nalang rin na nakalugay ang buhok ko pagkatapos 'kong suklayin.
"Saan ka?" Tanong ni Eira ng makita niya 'ko.
"Condo ni Hayes." Sagot ko na nakangiti. "Kami na kaya!" Kinikilig na sabi ko at tinaasan siya ng kilay na parang nangaasar.
"Hindi nga? Gusto ko yung totoo, ah!" Gulat na tanong niya. "Baka pantasya mo na na'man yan."
"Hoy! Totoo nga kami na. Sinagot ko na." I crossed my arms and playfully smiled at her.
"Rupok mo."
Tinawanan ko lang siya bago umalis sa condo ko, palibhasa wala siyang love life, eh. Siguro mag co-commute nalang ako papunta sa condo niya dahil tinatamad 'kong magmaneho.
"Hello? Nandito na 'ko."
Kumatok ako sa pintuan niya. Ilang segundo rin 'kong naghintay bago binuksan niya 'yon. I looked at him. He was wearing a black t-shirt paired with gray shorts and black slippers.
YOU ARE READING
Until the Midnight (La Querencia Series #1)
Teen FictionUnder this cloudy midnight, the last words that came out of his mouth were also the words that broke my heart into a million pieces. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.